Chapter Eighteen

28 1 0
                                    

Haidee's POV

Ang dami kong tawa dahil sa mga kwento ni Herson tungkol sa shootings at mga shows nya. Madaming beses daw silang nagpapaulit ulit ng take dahil sa kaartehan nya. Hirap na hirap na daw yung manager at mga staff sa kanya, pati P.A at director nya. Tapos na ikwento nya rin na ayaw pala talaga nyang mag artista kaso pinilit lang sya ng iaang director at ng lola nya kaya pumayag na lang sya.

Pansamantala ko na nga yatang nakalimutan yung nangyari kanina sa university.

"HERSON! MERON KA BANG BAKING SODA?."

Si Monica yan. Nagpresenta kasi na gumawa ng meryenda.

"Yes, nasa cabinet." sagor ni Herson.

Maynakaagaw ng atensyon ko sa may pinto.

"Ramjey!."

Tumingin din si Herson sa pinto ng tawagin ko si Ramjey.

Ngumiti naman si Ramjey tapos lumapit sa amin.

"Okay naba yang siko mo?." Tanong nya.

"Ahm oo, okay naman na."

"WAAHHHH! DI KO ABOT!." napatingin kami sa kusina, tapos nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Wait here. tutulungan lang si Monica sa loob."

Paalam ni Herson. Tumango lang kaming dalawa ni Ramjey.

Pagkaalis ni Herson nagulat ako ng hawakan ni Ramjey yung siko ko. Medyo kumirot yung sugat, ang sakit hoho...

"Does it hurt?."tanong nya.

"No, medyo kumirot lang."

tinignan tignan nya muna tapos binitawan na rin yung braso ko.

"Sorry."

"Okay lang." sabi ko then ngumiti sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin. Yun bang titig na nga yata eh. Nakakailang promise!

"M-may dumi ba ako sa m-mukha?." Tanong ko tapos kinapa kapa ko pa yung mukha ko.

Natawa naman sya tapos inalis yung pagkakahawak ko sa mukha ko.

"Ano ka ba. Haha walang dumi sa mukha mo, ang linis linis nga eh." Sabi nya tapos tatawa tawa.

"Eh bakit ka nakatitig sa akin?." Tanong ko.

Tinitigan nya nanaman ako.

"Because you are so attractive, so cute, so pretty, so beautiful, so gorgeous--."

"Wahhh!! Flattered ako pero wag ka nga mambola jan!." Natatawang putol ko sa mga sinasabi nya.

"Hindi kita binobola ha. Totoo lahat yun."

"Hay naku, oo na lang--."

"How sweet."

Napatingin kami sa nagsalita. Si Monica, dala nya na yung tray ng mga pancakes tapos dala naman ni Herson yung tray ng glass at juice.

"Uy! Hindi bess ahh.. Kaw talaga." Iling iling ko.

"Hay naku. You're so defensive talaga." Sabi naman ni Monica na kunwari umirap pero nakangiti naman.

"Promise hindi nga--."

"By the way,Herson san natin ilalagay to?." Baling ni Monica kay Herson.

"Ahm sa tingin ko dun na lang sa may pool, nandun kasi sila eh."Si Ramjey na yung sumagot.

Tumingin naman si Monica kay Herson tapos parang nag eye language? Cool! Pano yun? Ang bilis humakbang nung dalawa ah? Nakalabas agad? Di naman sila nagmamadali nun?

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon