Haidee's POV
Pagkatalikod ko tumulo na lang bigla yung luha ko. Pabigla kong pinunasan yun. Grabe sya! Ang sama sama talaga nya! Kung anong ikina-puti ng balat nya yung naman ang ikina-itim ng budhi nya!
Umupo ako sa tapat ng bonfire na ginawa ko tapos niyakap ko yung tuhod ko atsaka nag emote emote. Hay naku kung bakit kasi sya pa yung na kasama ko dito sa isla na 'to eh. Pwede namang iba na lang?
Pero maganda na rin na sya ang kasama ko dito dahil alam kong safe ako dahil sa sobrang sungit nya alam kong hindi nya ako pakiki-alaman. Tsaka maganda na rin na kami ang magkasama dahil utang ko ang buhay ko sa kanya.
Kung di dahil sa kanya siguradong tegbak na ko ngayon.
"Hey."
Napa-angat yung ulo ko at tumambad sa akin ang Herson na nakatayo sa harap ko habang balot na balot sya ng kumot. Agad naman akong napapunas sa mata ko.
"Ah? a-ah bakit?."
"May i sit beside you?."
Bumagsak yata yung panga ko sa sobrang nganga ko. ano daw? sya tatabi sa akin?? Nanaginip ba ako o sadyang epekto lang to ng pag emote ko kanina?
Kinusot kusot ko yung mata ko. Pagdilat ko ay nakatayo pa rin si Herson sa harap ko kaya automatic napapikit ulit ako sabay palo palo ng mahina sa mukha ko.
"Nananaginip ka lang Haidee. Hindi totoong Herson yang nasa harap mo at kumaka-usap sayo. Imposible namang si Herson na masungit at arugante ay mag sasabing 'May i sit beside you?' Naku isang kalokohan yan! Okay hinga ng malalim at saka dumilat ng dahan dahan."
Huminga ako ng malalim at dahan dahang nagmulat ng mata.
"Are you out of your mind!? Ang sakit mo magsalita ah!." Sabi nya na nakataas yung isang kilay.
What? Nasaktan sya sa sinabi ko? di nga!? Akala ko manhid to?
"I just want to sit beside you then you did talk to your self? What a crazy lady." Natatawang sabi nya. Shemayyy! Take note NATATAWA!
"May i take my sit now?." tanong nya.
Para akong timang na naka nganga tapos tumango tango. Sobrang nakapagtataka ang ikinikilos nito? Anong kababalaghan ang nangyari?
"Close your mouth.." Sabi nya kaya napapahiyang itinikom ko yung bibig ko.
Wala namang tumulong laway no? Nakakahiya pag meron.!
"Look, hindi ko sinasadya yung sinabi ko kanina. I didn't mean it." Bigla nyang sabi.
Huh? anong pakulo nanaman nito?
"First time kong magsasabi nito at ikaw ang unang unang masasabihan ko..." sabi nya tapos parang nahihiya sya at namumula kaya naman tinitigan ko sya.
"I-I'm sorry." at the third time napa-nganga ako sa sinabi nya. Nag sorry sya?
"Ngayon ko lang to nasabi. I'm so sorry again dahil sa mga nasabi ko kanina. I didn't mean it? Please forgive me i was really shock din na isang mabait na katulad mo ay sasabihan ko ng ganun ka harsh na words. I was so damn and shit!." Sincere na sabi nya. Natuwa naman ako sa mga sinabi nya pero hindi ako natuwa ng pati sarili nya ay murahin nya.
"A-alam mo galit talaga ako sayo eh. pero nag sorry ka at sinabing hindi mong hindi mo sinasadya yun ay nag bago na ang isip ko. Sige tinatanggap ko na ang sorry mo." Di na ako nag dalawang isip na tanggapin yung sorry nya dahil sincere naman sya at halatang pinagsisisihan nya talaga.
Bigla namang lumakas yung hangin kaya muntik nang mamatay yung apoy.
"Oh! Lumalakas na yung hangin. Pumasok ka na sa loob baka lumala yang lagnat mo." Sabi ko sa kanya. Tapos humangin nanaman kaya lahat na yata ng buhok ko ay nasa mukha ko na.
"Pero paano ka?." Tanong nya. Ngumiti sa kanya.
"Okay lang ako dito. Baka humina din ang hangin. Kailangan ko lang bantayan itong apoy kasi baka mamatay tapos may dumaang bangka ay hindi tayo makita dito dahil wala na tayong apoy. Kay sige na pumasok kana dun at magpahinga kana."
Sa hinaba haba ng sinabi ko ay nakatitig lang sya sa akin.
"Herson okay nga lang ako dito. Sige na pumasok kana sa tent." Pagkasabi ko nun ay naglagay ako ng mga kahoy sa bonfire.
"Ano ba yan Herson? Ang kulit mo! Sabi nang pumasok na sa loob eh!." Sigaw ko sa kanya para matakot sya at makapasok na sa tent.
"Don't shout at me.! I'm not scared of you!."
"Ay sabi ko nga di ka takot eh."
"Ako pa dapat matakot sayo kasi masungit at arugante ka eh." Bulong ko naman.
"What did you say?."
"Wala sabi ko bakit ba kasi nandito kapa!?."
"Sasamahan kita."

BINABASA MO ANG
Island Dotted LOVE
Novela JuvenilWhat if na trap ka sa isang isolated island with your crush/mahal at /kinaiinisan? What would you do? Tara at pasukin ang buhay pag ibig ni Haidee Honey Lou Chan at Herson Fuentevillarde sa isang araw na pananatili nila sa isla. Ang mabait + Simple...