Herson's POV
Nagkukwentuhan pa kami when we arrive on our room.
"Woahh!?."
"Oh my gulay?."
"Wee?."
"Hala oh!?."
"Uy, Magkasama nanaman sila?."
Okay, di pa kami nakakapsok ng room yan agad yung bulungan nila... bulungan ba yan? rinig naman.
"Mr. Fuentevillarde, Ms. Chan ! We're glad you both are here... we all so worried of what happened." lumapit sa amin si Mrs. Reymosa.
"We are so flattered ma'am." sabi ko na nakangiti.
"I'm glad you're smiling too... Congrats Ms. Chan." sabi nya na shinakehands pa si Haidee.
Nagkatinginan naman kami ni Haidee sa ginawang yun ni Mrs. Reymosa.
"Oh, pardon... come in and lets start our discussion." nauna na sya sa desk nya. Then i looked at Haidee facing our classmates.
"Haidee, tara na..."
"A-ahh sige..."
Haidee's POV
"nak nang! Bakit pa sya nakaligtas? Hay naku! Why i hate people who lives in an orphanage?."pabulong... Yan agad narinig ko pagka-upo ko pa lang.
"Wala ka nang magagawa girl... anjan na yan eh..." bulong din nung katabi nya.
"Yah right! Much better na rin na naka-ligtas tong kutong lupang to para may mabully pa rin ako... " Bulong nya nanaman.
"Yayks! You're so rude talaga Rain."
"I know and i love it!."
"Ms. Rain Delmar! What are you murmuring at!?." sita ni Mrs. Reymosa.
Yan! Buti nga! Dapat narinig para Dean's Office agad!
Panira kasi ng araw e no? Kanina si Nikki at yung alipores nya. Ngayon naman si Rain? Ano bang problema nila sakin? Ano bang problema nila kung sa bahay ampunan ako nakatira? Kung sa bahay ampunan ako lumaki? Tss.
"N-nothing Mrs. Reymosa." Sagot nya. Tapos tumingin ng masama sa akin.
Hmp! Baliw lang? Wala naman akong ginagawa sa kanya sya pa galit? Ang kapal talaga neto...
"Okay, Lets continue the discussion."
Pinagpatuloy ni Mrs. Reymosa yung discussion nya at binalewala na lang yung kabaliwan ni Rain.
Nakikinig na ako sa discussion ni ma'am samantalang itong si Rain na katabi ko lang ay hindi mapakali. Ayos ng upo dun ayos ng upo dito. Pati tuloy nasa harap, likod, pati nasa gilid nya ay naiirita sa kanya.
Napahawak ako sa ulo ko ng may tumamang bagay dun. Napansin ko yung papel na gumulong sa ilalim ng upuan ko. Nakita ko ang lukot lukot na papel.
Pinulot ko yun at tumingin sa likod habang nakahawak pa rin sa ulo ko..
At taraaaannn! Ang nakita ko ay isang Ramjey na naka smile ng sobrang luwang. And speaking of Ramjey! May utang ako sa kanya!!!... Sheyyyymaaayyy!! baka naniningil na sya!.
Nag-sign na basahin ko yung papel kaya binuksan ko at binasa yun.
'sorry kung matatamaan ka huh... hehe , pwede ba sabay tayo mag break time later? gusto lang kita makakwentuhan... ahmm, okay lang ba?'
BINABASA MO ANG
Island Dotted LOVE
Teen FictionWhat if na trap ka sa isang isolated island with your crush/mahal at /kinaiinisan? What would you do? Tara at pasukin ang buhay pag ibig ni Haidee Honey Lou Chan at Herson Fuentevillarde sa isang araw na pananatili nila sa isla. Ang mabait + Simple...
