Ramjey's POV
"Herson! May First Aid Kit kaba jan!? Baka ma-infect si Haidee!." tanong ni Monica.
Nandito kami sa Rest House ni Herson. Ewan ko ba bakit dito nya kami dinala. Ang layo!
"Ah oo meron. teka kukunin ko." sagot ni Herson na akmang tatayo kaso pinigilan lang ni Daisy.
"Ako na san ba nakalagay?." Pigil ni Daisy.
"Ahh dun sa cabinet sa Cr ng kusina."
"Okay. Jeff paupuin mo muna si Herson... mukang pagid na pagod na sya." utos ni daisy saka pumasok sa kusina.
"Sure baby."
Sa pagkagulat ng lahat may lumipad na kutsara papunta sa kinatatayuan ni Jeff.
"Don't you dare to call me baby you brute!." Sabay sabay naman kaming napatingin sa entrance ng kitchen.
"Why not baby Daisy?." Nang aasar na tanong ni Jeff.
"ARGH! EWAN KO SAYO! LETCHE KA!." Sigaw ni Daisy sabay pasok ulit sa kusina.
Nagkatawanan naman kami.
"Grabe ka bro! Lakas ng trip mo kay Daisy ngayon ah!?." tapik ni Kurt sa braso ni Jeff.
"eh kasi masyadong in love si Jeff kay Daisy. Di lang nya pinapahalata.." Sabi naman ni Erica na tatawa tawa.
Natawa naman si Haidee at Monica.
"Hoy! Hindi ah! Wala akong gusto sa kanya!." Depensa naman ni Jeff.
Tumawa ako ng pagak sa sinabi nya.
"Why so Defensive Jeff? Wag ka nang magkaila. Masyado ka nang halata tol!." Natatawa tawa kong sabi sa kanya saka humalukipkip paharap sa kanila.
"No I'm not. Wala lang talaga akong gusto--"
"Wala rin naman akong gusto sa iyo no!.Tss. Why so assuming!?." Napatingin kami kay Daisy. Dala na nya yung first aid kit na hinihingi ni Monica.
"I'm not assuming! May be you!." -Jeff
Lumapit sa kanya si Daisy. Eh ang liit pa naman ni Daisy lagi lang naka high heels. Ngayon lang hindi. Kaya hanggang leeg lang sya ni Jeff.
"You are assuming not me!." Turo ni Daisy kay Jeff.
"No! You!."-Jeff
"You!."-Daisy
"You,you!."-Jeff
"You! you! you!--
"Woah! Tama na yan!." Patakbo akong gumitna sa kanilang dalawa at pinaghiwalay sila.Pati si Erica ay tumayo para ilayo si Daisy kay Jeff. Ganun din yung ginawa ni Kurt kay Jeff.
"Guys! Chill lang! Nasa bahay tayo ni Herson oh. Kanina sina Rain at Nikki yung gumawa ng Eksena sa school ngayon naman kayo dito sa bahay ni Herson? Konteng Respeto guys. Kalma lang..." Speaking of Herson , nakatingin lang sya sa amin
"Kurt, Erica , labas muna natin silang dalawang couple. Hehe." Tinitigan ako nang masama ni Daisy dahil sa sinabi ko. Nag peace sign lang naman ako sa kanya.
"Herson, Monica, Haidee, Labas lang muna kamj huh." Paalam ko sa kanila.
Lumingon sa akin si Monica saka tumango, ganun din sina Herson at Haidee.
"Sige." Sabi ni Haidee na naka ngiti pa.
Kinikilig ako!! Oppss! Wag kayong mag react! Normal lang din sa lalaki ang kiligin no! Di lang halata! Hihi. Ang landi ko naman makalabas na nga!
Ngumiti din ako sa kanya tapos Lumabas na.
Pagkalabas ko agad kong sinermonan sina Jeff at Daisy.
"Kayong dalawa, para talaga kayong aso at pusa eh no? Pati dito sa bahay ni Herson nag bangayan kayo? Di kayo napaghahalataang may gusto sa isat isa eh no?." Sermon ko sa kanilang dalawa.
"Si Jeff kasi eh!.--"
"Sya kasi eh."
"See? Nagturuan pa kayo? Alam nyo mag bati na kayo. Mag shake hands na kayo dali!." Utos ko.
Nanlaki naman yung mata ni Daisy na ikinatawa ng lihim ni Kurt at Erica.
"No i wont do that!." Irap ni Daisy kay Jeff.
"Hindi ko din gagawin no!." Ganti naman ni Jeff. Parang bakla eh no? Abnormal! Haha
"Tsk tsk tsk! Dyan mapapatunayan na assuming kayong dalawa." Sabi ko na umiling iling pa para kunyari nadi- disappoint ako.
"HINDI AH!…" sabay nilang bulyaw sa mukha ko. Yuck!
"Kung hindi mag shake hands na kayo! Makabulyaw kayo sa mukha ko ah!." Sina kurt at Erica nag hahagikhikan na eh. Parang timang yung dalawa.. Parang magyayakap na sa sobrang dikit eh.
"Okay whatever! Sige gagawin ko na! Wag lang ako masabihan na assuming!." Sabi ni Daisy sabay lahad ng kamay niya.
"Ako din!." Gaya gaya si Jeff eh no!? Ahahahaha
Nag shake hands sila.
"Yehey! Bati na sila!!!." Tuwang tuwang sabi ni Erica sabay yakap kay Kurt.
Nagulat naman kami sa ginawa ni Erica. Napansin nya siguro kaya unti unti syang umalis sa pagkakayakap nya kay Kurt.
"Hehe sorry pards!" tapik ni Erica sa braso ni Kurt.
"Tol! Okay ka lang?." Tanong ko. mukhang natulala na eh.
Nagkatawanan naman kami sa reaction nya ng magulat sya.
"Erica kasi eh!." Nahihiya nyang sabi.
"Sorry na nga eh." Natatawang sabi ni Erica.
Nagtawanan na ulit sila. Mukhang ayos na ang lahat. Hmm.
"Guys sa loob lang muna ako huh." Paalam ko sa kanila.
"Sige sa pool lang kami." sabi naman ni Daisy.
pumasok na ako. Wala si Monica? Hindi nila ako napansin. Nakatingin lang ako sa kanila... bakit ganun? Ang sakit? Ang sakit makita na yung babaeng mahal mo nakikipagtawanan sa ibang lalaki? Parang gusto ko syang ipagdamot pero di ko magawa kasi hindi ko naman sya pag-aari.
Kanina sa Jk nung maabutan at malapitan namin sila na nakayakap si Herson kay Haidee, parang gusto kong ilayo sya kay Herson kahit alam kong kino-comfort lang naman nya si Haidee. Ibang iba talaga yung epekto sa akin eh. Sobrang selos yung naramdaman ko kanina.
Tapos ngayon naman nagtatawanan silang dalawa. At hindi ko na ikakaila na nagseselos ako.
Sa tingin nyo ba dapat ko nang amini kay Haidee yung nararamdaman ko? Yung totoong damdamin ko para ss kanya?
Haist....
Sobrang hirap magdesisyon.
~~
a/n:
Ohmygee!vote/comment/game :)
BINABASA MO ANG
Island Dotted LOVE
Teen FictionWhat if na trap ka sa isang isolated island with your crush/mahal at /kinaiinisan? What would you do? Tara at pasukin ang buhay pag ibig ni Haidee Honey Lou Chan at Herson Fuentevillarde sa isang araw na pananatili nila sa isla. Ang mabait + Simple...