Chapter Thirteen

40 1 0
                                    

Haidee's POV

"Bea. We are so glad that we met our daughter." Sabi ni papa habang kinakamayan si Sister Bea.

"Ako man din po ay masayang masaya sa naging kapalaran ngayon ng batabg iyan. Matagal na pong nag hahangad na mag karoong ng masayang pamilya iyang si Haidee. Umaayaw lang talaga sa mga taong umapampon sa kanya." Sabi ni Sister Bea ng maikwento nya kung pano ko ayawan yung mga taong gustong umampon sa akin nuon.

"And we're so happy dahil tinanggihan nya ang mga iyon." Sabi naman ni mama.

"Oo nga po." Sagot ni Sister Bea.

"And as we say Bea. Ilalabas na namin sa Haidee dito. May bahay kami sa Cithia Subdivision at dun na titira si Haidee." Pahayag ni papa na tumingin pa sa akin. Ngumiti lang ako.

"Ma, Pa punta muna ako sa kwarto namin ni Monica huh. Mag uusap po muna kami bago ako umalis." Paalam ko sa kanila.

Tumango lang si papa at nagpatuloy na sila sa pakikipag usap kay Sister Bea. Umalis na ako at pumunta sa kwarto namin ni Monica.

"Bess?." Tawag ko sa kanya pag bukas ko ng pinto.

"Uy bess! Pasok ka!!." Sabi nya tapos sinalubong nya ako sa pinto.

"Bess... Aalis na ako..." bungad ko sa kanya.

"Oo alam ko bess. Hay naku! Inggit much ako sayo! Buti ka pa anjan na parents mo. Sakin wala pa rin... hay.... hanggang kelan kaya ako mag a-asume?." Malungkot nyang sabi.

"Hoy! Wag ka nga malungkot jan! We know na hindi ka nag a-assume. At lalong lalong darating ang parents mo para hanapin at bawiin ka katulad ng sa akin.. Pray lang tayo lagi kay lord. Tulad ng ginagawa natin araw araw." Pag co-comfort ko sa kanya.

"Hay naku. Sige na nga bess! Basta bumisita ka dito lagi huh! Yung mga kapatid natin dito siguradong malulungkot ang mga yun. Lalo na at mawawala ka na dito sa bahay ampunan." Sabi nya.

Naalala ko naman yung sinabi nina mama kanina nung nag usap usap kami. Oo nga... pano ang mga kapatid namin dito sa bahay ampunan kung lalayo ako? Pano ko sila matutulungan? Pano na sila? Kung sa Cithia Subdivision pa lang ako titira ay apektado na sila pano pa kaya pag nalaman nila na uuwi ako sa China?

"A-ahm oo naman bess. Diba nga may mission tayo na gagawin natin ang lahat maiahon lang sa hirap tong bahay ampunan?." pag sisinungaling ko sa kanya.

"Sige!." Sabi nya tapos nag apir kami.

"Kaso mag isa na ako sa kwarto na to." malungkot nyang sabi tapos iginala nya yung mata nya sa buong kwarto.

Napatingin sin tuloy ako sa bawat sulok ng kwarto. Oo nga. Mami-miss ko tong kwarto na ito. Hayyy..

"Ano kaba okay lang yan! To naman." Sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso nya.

"Aray bess huh! Sakit! Pero di muna kira gagantihan ngayon. Mami-miss ko lang kasi kulitan natin dito gabi-gabi bago matulog." Sabi nya pero bigla namang hampas sa braso ko.

"Aray! Kala ko ba di ka gaganti huh!?." Nag wrestling kami sa kama namin habang nagtatawanan.

"Haidee... Aalis na tayo." Boses ni mama.

Napahinto kami ni Monica sa pag babangayan.

"Naku po aalis na kami. Pano bess. Kita na lang tayo sa JK bukas ah." Paalam ko sa kanya.

"Sige..." Sagot nya.

Bago ako kumabas nang kwarto ay niyakap ko muna sya. Pagkatapos nun ay lumabas na ako at Ang mga madre naman ang niyakap ko isa isa ng madatnan ko sila sa sala.

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon