Chapter Three

19 1 0
                                    

Haidee's POV

Nagising ako sa pag alog ng yate. Nakatulugan ko pala ang pag-iyak ko kanina.

Teka? Ano bang nangyayari? Sumilip ako sa bintana. Gabi na pala? At ang lakas ng ulan at alon.

Tumayo ako para tingnan ang nangyayari sa labas. Kaso pagbukas ki ng pinto ay medyo umalog ang yate at tumagilid kaya napa-upo ako.

Kinakabahan na ako kaya tumayo ulit ako at binuksan ko agad ang pinto. At ang tumambad sa akin ay mga taong nag-uunahan sa pagtakbo, Nagkakabanggaan, Nagtutulakan, Nagsisigawan, may roong naapakan dahil natumba. Meron ding mga batang iyak ng iyak dahil nahiwalay sa magulang nila.

Dahil sa takot ko na maipit sa mga tao ay bumalik ako sa loob ng cabin at nag iiyak.

Ano bang nangyayari? Bakit umaalog ang yate? Bakit sila nagkakagulo?

Tumagilid na yung yate kaya nadulas ako papunta sa kabilang side. Natulala pa ako ng may pumapasok ng tubig mula sa bintana gawa ng malakas at malalaking alon.Lalo akong napaiyak. Katapusan ko na ba?

Lord, please! Help me. Wag mo akong hayaang mawala na sa mundo. Marami pa akong gustong tulungan lalong lalo na ang bahay ampunan.

Noon biglang bumukas ang pinto.

"HAIDEE!!."

"H-HERSON TULUNGAN MO AKO P-PLEASE." Hindi ko na nga sya maaninag dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha.

"Oo. Gagawin ko lahat makaligtas lang tayo dito." Sabi nya.

Na speechless ako sa sinabi nya. Alam kong hindi to tamang oras para damdamin at i'sink in sa utak ko yung sinabi nya pero di ko maiwasan eh.

Inihagis nya sa akin yung Life jacket nya.

"Isuot mo yan bilis! Tapos abutin mo ang kamay ko." Pasigaw nyang sabi.

"P-pano ka--"

"Wag mo na akong alalahanin! Sundin mo na lang yung sinabi ko. Dalian mo na! Lulubog na yung yate!."

Halos nangangatal at tarantang sinuot ko yung life jacket at humawak sa kamay nya. Hinila nya ako para matulungang makalabas ng cabin.

Nangmakalabas ako ay kumuha din sya ng life jacket na nakakalat lang. May pinulot syang mahabang tali at itunali nya yung kamay ko sa kamay nya.

"Yan. Para di ka mahiwalay sa akin." Sabi nya tapos hinila nya ako papunta sa deck.

"T-teka... H-hindi ako m-marunong lumangoy eh." sabi ko sa kanya na garalgal na ang boses dahil sa sobrang lamig.

"Ako ang bahala sayo. Di ba sabi ko nga gagawin ko ang lahat makaligtas lang tayo? Bibilang ako ng tatlo, kailangan handa ka sa pagtalon natin."

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Isa..... Dalawa..... Tatlo.............."


Ito na talaga ang katapusan ko. Hindi na ako makahinga. Sobrang dami na ang tubig na nainom ko. Pati si herson ay di maka langoy ng maayos dahil sa akin kaya pati sya ay nakakainom na rin ng tubig.

Nang maka hagilap ng bagay si Herson ay dun nya ako ipinahawak. Nagpalutang lutang kami sa dagat. Tanaw na tanaw ko ang unti unting paglubog ng yate.

Di ko mapigilan ang sarili ko na mapaiyak lalo.

Bakit ganito ang nangyari? Bakit sa amin pa nangyari ang mga 'to? Napansin ko na tinali ni Herson yung sarili namin dito sa malaking styro na pinatungan namin. Parang bangka na nga namin.

Tapos bawat gamit na makita nyang paanod anod sa tubig ay inilalagay nya din sa styro.

Hindi ko alam kung makakaligtas pa kami sa malalaking alon na humhampas sa styro, sa malakas na ulan. Ang kulog at kidlat na parang galit na galit na parang hindi maipaliwanag kung bakit. Ang kalangitan na sobrang dilim na lumiliwanag lang sa twing kikidlat.

Pakiramdam ko latang lata ako.

Pakiramdam ko gusto nang sumuko ng katawan ko. Yung tipo na gusto ko nalang tangayin at magpatianod sa alon. Yung pakiramdam na unti unti nang pumipikit yung mata ko dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko.


~~~~me author!! xD

Sorry sa mga typo errors! Haha tablet lang po kasi gamit ko ey!! xD Hindi Pc .. Hay naku pagkahirap hirap naman pala neto! xD

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon