Chapter Twelve

16 1 0
                                    

Haidee's POV

Beatriz Love Orphanage

Pagkadating namin sa bahay ampunan ay sinalubong ako agad ng mga bata at Nina Monica kasama pa ang ibang Madre.

"Ate!!! Ang dami naming nabiling laruan at bagong damit dahil sa binigay na pera nang mama at papa mo kanina. Ang bait po nila ate!." Sabi agad ni Lyn.

"Oo nga po ate. Tsaka namiss ka namin ate huh! Wala kasi kaming kalaro na ibang ate. Si ate Monica lang po. Oo nga pala ate, bakit po ang bilis mong bumalik?." Sabi naman ni Maru na yumakap sa akin kaya ginaya din sya ng iba pa.

Halos matumba na ako dahil sa mga batang yumakap sa akin.

Tumingin ako kay Monica. Ngumiti sya sa akin na parang sinabing 'Congrats bess. Nahanap ka na ng mga magulang mo' . Ngumiti rin ako sa kanya na medyo pilit.

"Mga bata. Pasok muna kayo sa kwarto nyo huh? Mag-uusap pa kasi si Ate Haidee at ang magulang nya eh." Sabi ni Sister Bea sa mga bata.

"Ganun po ba nanay?." Tanong ni Macky.

"Oo kaya mamaya na kayo maglaro at magkwentuhan nina ate Haidee huh." Sagot ni Sister Bea.

"Sige po." Sabi ni Lyn.

Nagsilabasana ang mga bata sa opisina ni Sister Bea kasama ang iba pang madre.

Nilapitan ko si Monica. Habang kinakausap muna ni Sister Bea sina Mr. At Mrs. Chan.

"Bess. Kinakabahan ako. Di ko alam kung anong itatawag ko sa kanila." Bulong ko kay Monica.

"Ano ka ba bess! Wag kang kabahan. Eto na yung chance mo na matawag sila naommy/daddy, or mama/papa o kung ano man ang gusto mong itawag sa kanila. Eto na yung chance mo na makuha ang sagot sa napakarami mong 'bakit at paanong' Tanong." Bulong din nya sa tapos hinawakan ako sa magkabilang kamay.

"P-pero kinakabahan pa rin ako." Sabi ko sa kanya na mahina.

"Kaya mo yan. Ikaw pa?." Sabi nya naman.

Alam kong pinapalakas nya ang loob ko. At thankful ako na nandito ang best friend ko.

Magsasalita ulit sana ako kaso naunahan ako  ni Sister Bea.

"Haidee, Mr. and Mrs. Chan, Maiwan po muna namin kayo para magkausap kayo ng personal." Sabi ni Sister Bea.

Tumango naman si Mrs. Chan.

"Tara Monica." Baling ni Sister kay Monica.

Bago sila lumabas ay tumingin muna si Monica sa akin ns parang sinasabing 'good luck'

Tumango naman ako sa kanya. Pagkalabas nila ay tinignan ko naman sina Mr. at Mrs. Chan. Pinakikiramdaman ko yung sarili ko kung may galit ba na nabubuo sa puso ko, kung may puot ba na nakatago sa dibdib ko. Pero wala akong makapa. Wala akong madama.

Kamuntik pa akong matumba ng bigla akong yakapin ni Mrs. Chan.

"Hinanap ka namin for 17 years. Kung saan saann lupalop ng china at ng buong Asia kami napunta mahanap ka lang namin. Tiniis namin na walang tumatawag sa amin ng mama at papa, mommy o daddy." Umiiyak na si Mrs. Chan sa balikat ko. Pati ako ay naiyak na din. Hindi ko sila kilala pero sinasabi ng puso ko na sila nga ang magulang ko. Hindi ko alam ang itatawag ko sa kanina, nalilito ako, naguguluhan.

"Alam namin na nalilito at naguguluhan ka sa mga nangyayari, na bigla na lang kaming magpapakilala sa iyo na kami ang mga magulang mo. Wag kang mag alala kahit mag pa DNA test tayo kami talaga ang mama at papa mo. Ako ang yong mama si Ema Yuri Chan at sya naman si papa Hiroshiko Chan." Pagpapakilala nya.

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon