Chapter Nineteen

24 0 0
                                    

Haidee's POV

"Guys! Pagabi na!! Kelangan na nating umuwi." Paalala ni Daisy.

"Oo nga baka hanapin na din ako ni Sister Bea." Sabi naman ni Monica.

"Ikaw lang???." Takang tanong ni Erica.

"Ay! I mean kami ni Haidee hehe." Hmm, Naku nakapagsinungaling pa si Monica. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila na kilala ko na parents ko. Si Herson pa lang nakaka alam at si Monica. Pero hindi naman alam ni Herson na sa parents ko na ako nakatira. Ang alam nya ay dun pa rin sa bahay ampunan.

"Okay okay guys--."

*Ringtone playing*

"Ops. Excuse me..."

natahimik kami ng sagutin ni Herson yung tawag sa kanya.

"Yes, hello?... what!? Interview? Come on... wala akong time, may pasok ako bukas.... geezzz! Oh sige na im going!." sabay baba sa tawag. Ganun? wala man lang bye?

"I hate to be an actor and famous." Sabi nya na nakapoker face kaya natawa kami.

"It's your destiny darling." Sabi naman ni Daisy.

"I think no. Hss. so let's so home?."

"Yeah!!!." Kaming lahat.

Lumabas na kami ng reat house ni Herson. Kanya kanya naman silang sakay sa kotse nila. Kami ni Monica nakatingin lang.

"Oh no! Wala palang kotseng dala sina Haidee!!." Baling ni Erica sa amin.

"Don't worry i'll bring them home." Sabi ni Herson.

"Tol Ingatan mo dalawang pretty lady ah!." paalala ni Ramjey.

Nagkatinginan kami ni Monica sa sinabi ni Ramjey. Loko yun ah makapretty lady? Namula si Monica hahaha.

"Sure." Sagot lang ni Herson.

"So lets go home. Madilim na sa daan oh, may pasok pa tayo bukas."

"Sige una na kayo lumabas ng gate." Dumukot si Herson sa bulsa nya tapos may inilabas na parang maliit na remote tapos tinutok nya sa gate sabay pinindot yung maliit na button.

Automatic bumukas yung gate... napanganga pa ako ng konte, grabe kagara ah! ang yaman!! Kaya pala kanina nung pumasok kami kusang bumukas yung gate na akala ko naman may maid na nagbukas wala pala?

Pinasakay na kami ni Herson sa kotse nya.

*@Beatriz Love Orphanage*

"Herson salamat sa paghatid sa amin huh? salamat din sa pagdala mo sa amin sa rest house mo." Kakarating lang namin. Tinanggihan nya yung paanyaya ko na pumasok sa loob ng bahay ampunan dahil hindi naman daw sya mag tatagal. Si Monica naman ay pumasok na sa loob pero binilinan ko na hindi na din ako makakatuloy dahil uuwi na rin ako.

"Your Welcome. By the way tumawag kanina yung manager ko. Sa Friday may mag i-interview daw about dun sa pagkatrap natin sa isolated island." Pagkukwento nya.

Ahhhhhh?.... Ano konneek?

"Hindi sana ako pupunta kaso sabi dapat kasama ko daw yung babaeng nakasama ko dun sa island at ikaw yun." patuloy naman nya.

"Ahhh yun lang pal---- Ano!? Kasama ako!!!?? Ayoko!!." Gulat na sabi ko sabay iling iling. Kaloka! Interview? Ako susme wag na no!

"Ayoko din eh. Hindi ko alam kung paano nalaman yung about dun pero wala na akong magagawa naka schedule na this coming friday." Nag cross arms sya tapos nag lean sa kotse nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon