Chapter Seven

14 1 0
                                    

Herson's POV

"ANO!? GUSTO MO BANG LUMALA YANG SAKIT MO!?." Sigaw nya ulit sa mukha ko.

Okay! Kalma Herson. Relax.

Ganito ba talaga ang mga babae? Laging naka sigaw?

"I told you don't shout at my face." kalmadong sabi ko.

"Ay! Ikaw kasi eh. Concern lang naman ako sayo pero ang tigas pa rin ng ulo mo. Pumasok ka na kasi doon.!"

Nagpapaliwanag ba sya o galit pa rin?

Hay mga babae talaga! Parang laging ang aga mag menopause. Tsk!

"Ayoko  nga eh. At hindi mo ako mapipilit o mapipigilan, Matigas ang ulo ko at wala pa kahit sino ang naka pag utos kay Herson Fuentevillarde dahil ako ang nang uutos okay? kaya sa ayaw at sa gusto ko dito lang ako." Pag mamatigas ko sa kanya at saka prentong naupo.

"Pwes ako sundin mo dahil para naman sa kapakanan mo ang inuutos ko sayo." Sabi naman nya.

"Kahit na! Eh gusto ko dito eh. Wala kang magagawa!." Sabi ko naman tapos nag indian sit ako.

"Argh! Bahala ka nga sa buhay mo! Ang tigas talaga ng ulo mo! Childish!." sabi nya na iritang irita at naka busangot ang mukha isabay pa ang pag alis nya sa mga buhok nya na napupunta sa mukha nya gawa ng malakas na hangin.

Napangiti naman ako ng lihim.

First time kong masigawan ng isang taong di ko naman lubos na kilala, Pero di ako nagalit. First time ko din na humingi ng sorry ng hindi ko alam ang dahilan, basta na lang akong nanghingi ng sorry na hindi ko naman ginagawa dati. First time ko ding mapangiti at maoatawa ng isang babae na wala namang ginawa sa akin kundi inisin, sigawan at kulitin ako. At first time ko ring makatanggao ng isang totoong pagka concern mula sa isang taong di naman malapit sa akin. Lahat yata nh first time na yun ay mula at dahil kay Haidee.

Ngayon lang ako napangiti ng di ko alam ang dahilan.

This thinking makes me looks like a gay. Oh god!

"Hoy wag ka ngang ngumiti ngiti jan. Pumasok kana kasi duon!." Automatic napatikom yung bibig ko nang magsalita si Haidee.

Shit! Nakita nya akong nakangiti!? Nakakahiya!

Oh my god!? Kelan pa ako nahiya ng ganito!?

"Oo nakita ko!." Napamaang ako sa sinabi nya.

"Are you a mind reader?." Napapa---- Alam nyo yun!? Napapaisip ako eh!.

"Wag kang mag isip hindi ako mind reader." Sagot nya nanaman na nakatingin sa akin.

"Ehhh! Bakit mo nababasa ang iniisip ko!?." Nakapagtataka!

"Wag ka ngang magtaka jan!." sabi nanaman nya.

"Oh my god! The heck you are!? Mind reader ka eh! don't lie to me!" Nakakatakot tong babaeng to!

"Wag ka ngang matakot jan! Hindi ako mind reader."

Sabi nya

"Hindi? Eh nababasa mo nga ang iniisip ko?." sabi ko sa kanya.

Bigla naman syang tumawa.

"Hahahahahahaha ikaw talaga! Di ako mind reader! Hahahah Ang dami kong tawa sayo!." Sabi nya habang tumatawa pa rin.

"Bakit mo nalalaman ang iniisip ko? Don't laugh! Walang nakakatawa!." Galit kong sabi sa kanya! Pagtawanan ba ako?

"Hahaha nakikita ko lang naman kasi sa expression ng mukha mo kaya ko nalalaman ang iniisip mo." Sabu nya habang paunti unting tumitigil sa pag tawa.

"Huh! Imposible!." Sabi ko na di naniniwala.

"Promise!." Sabi nya na nakataas pa yung kanang kamay.

"Mamatay ka man?." Paninigurado ko.

"Oo mamatay man! Sama pa kita gusto mo?." Sabu nya naman sabay lapit ng mukha nya sa akin kaya napaatras ako.

"Okay okay! Naniniwala na ako! Lumayo ka nga sa akin.!" Sabi ko sa kanya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Walangyang babae na to! Ilapit ba sa akin yung mukha nya?

Lumayo naman sya atsaka tumawa.

"Haha. Sorry pero pumashok khana duhn hemmnnnn... inaanthok nakho!." sabi nya tapos nag yawn ulit.

Huh!? ang bilis nya namang antokin? eh kanina tawa pa ng tawa.?

Pumiki sya tapos parang pinipigilan nyang matulog.

Lumipas ang two minutes pero di pa rin sya dumidilat hanggang sa parang matutumba na sya kaya naman lumapit kaagad ako sa kanya at inihiga ko yung ulo nya sa balikat ko.

Bakit ganun? Parang may kuryente? Parang ewan?

Oh shit! Iba na yata to ah? Never mind!

At hey! Ngayon ko lang din ginawa na ihiga ang ulo ng babae sa balikat ko. Bakit parang ang dami yatang nag bago sa akin kahit ilang oras ko lang nakasama itong si babaeng to sa isla. Wala pa nga kaming isang araw dito ay gumaan agad ang loob ko sa kanya? Sya ba makakapag pabago sa akin?

Teka? Ano ba tong iniisip ko! Tsk! Nahihibang lang ako at epekto lang to ng antok at lagnat ko.

Naglagay ako ng malalaking kahoy sa bonfire.

Nakaramdam din ako ng antok.

Di ko na mapigilan kaya napapikit na din ako.

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon