Chapter One

86 1 0
                                    

Haidee's POV

"Bess mamimiss talaga kita!" kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko. Samantalang itong kasama ko walang ginawa kundi ang tignan ako at paalalahanan na mamimiss nya ako.

Aalis kasi ako, bale parang idadayo kasi ako sa ibang school. Lets say ilalaban na lang. Actually hindi lang naman ako eh. May mga kasama din ako. Hmm tatlo kaming babae at tatlo ding lalaki.

"Alam mo bess, kung tinulungan mo nalang akonmag prepare dito edi natuwa pa ako? Kesa naman daldal ka ng daldal jan. Tsaka isang linggo lang naman kami dun." Sita ko sa kanya. Nga pala, kung napapansin nyo wala kaming nababanggit about sa parents namin ay sa kadahilanang sa bahay ampunan na kami sabay na lumaki, i mean pareho nang ulila. Dito na kami ni Monica nagka-isip. Laking pasasalamat nga namin at humantong pa kami sa kolehiyo. Mabait kasi ang mga madreng nag palaki sa amin at ang mga tumutulong dito sa bahay ampunan kaya naitaguyod nila kami at napa-aral sa isang sikat na unibersidad, yun ay walang iba kundi ang JK KINGDOM UNIVERSITY.

Kilala ang JK sa buong bansa. Tinagurian din silang 'THE UNIVERSITY OF UNBROKEN HEART' dahil lahat ng mga nagkakatuluyan duon ay nahahantong sa happy ending ang relasyon. Lahat ay successful ang lovelife.

Haist! Ang sarap tuloy mangarap na isa rin ako sa mga magiging successful na yun.

*Packk*

"Aray naman Monica Aldez!!!" sigaw ko. Sobrang himas ang ginawa ko sa namumula kong braso.

"So kelangan kompleto yung pangalan ko Haidee Honey Lou Chan?" pang aasar nya. Napasimangot naman ako ng banggitin nya yung buong pangalan ko.

Natawa sya.

"Alam mo bess kaya ko lang naman pinalo yang braso mo kasi kanina parang ganito ka oh..."

Ngumiti sya tapos tumingin sa taas na parang nangangarap.

Natatawang binatukan ko sya.

"Loko ka! Tigilan mo nga yan!" Saway ko sa kanya.

"Haha, bakit totoo naman yung ginagawa ko ahh. Hmm Le' me think, nai-imagine mo nanaman si Herson no!??" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Automatic dinampot ko yung unan sa tabi ko at pinagha-hampas ko sya.

"Loko kang babae ka! Kung ano ano na naman yang pinagsasabi mo!" Tawa sya ng tawa habang gumaganti rin sakin.

"Hahahahaha!! Uyy kinikilig sya!! Nagba-blush pa!" pang aasar nya. Di na ako nagsalita at patuloy kaming nag pillow fight sa kama naming dalawa. Sa sobrang pagod sa paghahampasan at pagtatawanan ay sabay kaming napahiga sa kama.

"Wag mo syang isipin. Magkakasama naman kayo bukas eh. Hehe." Pang aasar nya na naman. Tumawa nalang ako.

Si Herson Fuentevillarde ay isa sa sikat sa JK. Super gwapo! Pinag aagawan ng girls! Mayaman! Matalino! Kaso kabaliktara ng hitsura nya ang ugali nya. Sobra syang bossy. Sya yung tipo na kahit abot nya ay iuutos nya pa para iabot sa kanya. Palibhasa mayaman , matalino, at gwapo kaya nya napapasunod ang lahat. Ewan ko ba anong nagustuhan ko sa kanya. Pero kasi unang kita ko palang sa kanya na attract na ako. Di ko alam basta bigla nalang ganun yung naramdaman ko sa kanya hanggang unti unti ay mahal ko na yata sya?? Pero di ko pinangarap na mahalin nya din ako kasi alam ko ang gusto nya sa babae. Mayaman, maganda, sexy, sikat, at higit sa lahat matalino. Nalaman ko ang mga yan ng marinig ko syang nagsasalita sa likod ng building.

*Throwback*
Lunch break. Pupunta ako sa tambayan ko sa likod ng building. May isa kasing bench duon na pinag tatambayan ko pag free time ko.

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon