Chapter Two

22 1 0
                                        

Haidee's POV

"Ate bibilhan mo kami ng madaming pasalubong dun ha."-Leah
"Ako din po!!." sigaw ng iba pa.
Natatawang napa Oo nalang ako. Pero hindi ko sigurado kong makakabili ba ako dahil ang pera ko ay 2000 pesos lang. Ni hindi ko nga alam kung kasya to sa pang tatlong araw sa barko eh.

Hindi ko na poproblemahin ang ticket dahil sagot na iyon ng JK. Pocket money lang ang kailangan ko.

"Oo sige lahat kayo dadalhan ko ng pasalubong. Kaya group hug tayong lahat kasama ang ating mga nanay!!." masayang nagyakapan ang lahat kasama ang aming mga nanay na walang iba kundi ang mga nagpalaki at nag aruga sa amin na mga madre.

Pagkatapos ng mahabang paalamanan ay kinausap muna ako ni Sister Bea.
"Anak, mag iingat ka doon ha? Hindi mo kilala ang mga makakasalamuha mo doon." paalala ni Sister.

"Naku Nay ! Mana kaya ako sa inyo na palaban! Matapang! Kaya kung sino ang mang api sa akin tatadtarin ko ng madaming high kick at ala Nanay Bea punch! Hiya!!" tapos nag aksyon aksyon pa ako nang naninipa at nanununtok.
Natawa naman silang lahat.

*Peep peep*
"Naku! Andyan na yung service . Ako pa naman ang unang sundo. Mga kapatid! Mga nanay! Aalis na po ako.! Monica wag mo silang papabayaan huh! Pektus ka sakin pag balik ko!."

"Oo bess . good luck! ingat ka! Takot naman ako sa pektus mo! hahahah!"
"Mag iingat po kayo ate.!!"
"Mag iingat ka Haidee, ipagdarasal namin ang kaligtasan at ang pagkapanalo nyo sa contest."
"Salamat po! Paalam." -kumaway muna ako sa kanila bago pumasok sa van.

Umidlip muna ako dahil antok pa ako sa sobarang aga ng pagkagising ko. Di ko namalayan na nasundo na rin yung iba ko pang kasama. Nagising nalang ako ng makarating kami sa daungan ng Chan Shipping company. At bumulaga sa akin ang isang expensive na yate. Aba! Sobrang yaman ng mga sumasakay dyan huh! Dyan din kaya kame sasakay?

"Okay! Nakasalalay sa inyo ang pangalan ng JK Kingdom University. Kaya ngayon palang, Good Luck to all of you. You may enter the ship now." sabi ni Mrs. Delmar. Sya ang Professor na kasama namin.

Pagkapasok namin  sa ship ay halos mapanganga ako sa ganda. Wow! Sa mga pilikula lang ako nakakakita ng ganito kagandang yate eh!

"Close your mouth. Ignorante." Napatingin ako sa nagsabi sakin nun. Si Herson pala. Di na ako magtataka kung ganyan ang sabihin nya sa akin.
"Totoo ignorante ako. Ngayon lang kasi ako nakakita at nakasakay sa ganitong klaseng yate eh." pag amin ko sa kanya.
Nakita ko yung expression nya na parang di makapaniwala. Hindi nya ba alam na nasa bahay ampunan lang ako? Tss.

"How Poor!" sabi nya tapos lumakad na.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na din ako sa paglalakad.

Tinipon kame ni Mrs. Delmar sa cabin nya.
"Okay. Erica and Jeff magkasama kayo sa cabin number 6, kayo naman Ramjey at Daisy ay sa cabin number 7 at kayo Herson at Haidee Honey sa cabin number 8."

"PO!?"-ako
"WHAT!!??."-Herson
Napagusapan na ito na babae at lalaki ang magkasama sa isang cabin pero lord naman?? Bakit si Herson pa po ang kasama ko??

"Why? Is there something wrong?." takang tanong ni Mrs. Delmar.

"Its nothing. But will you please change my roommate Mrs. Delmar?."
" 'nd why? Sorry the answer is no! Good luck again Children! You may go to your room now." Kanya kanyang labasan na ang mga kasama namin. Samantalang kami ni Herson ay naiwan sa loob.

"Whag are you doing!? Leave my room now!." Sa takot ko ay napalabas ako at tuloy tuloy na pumasok sa cabin #8.

Wow! Ang gara naman dito!
Akala ko isang kama lang. Dalawa pala! At in fairness may cabinet din. Dalawa! Good for two person nga. Lumakad ako papunta dun sa isang kama malapit sa bintana. Tapos inilapag sa kama yung maleta ko para mag ayos.

Bubuksan ko na sana yung maleta ko nung bumukas yung pinto ng cabin at iniluwa ang nakabusangot na si Herson.

Dire-Diretso sya sa kama ko at inilapag ang luggage nya sa kama.

"T-teka? ako na ang nauna dito eh. Dun ka na lang sa kabila." sabi ko sa kanya.

Tinignan nya lang ako tapos humiga sya sa kama.
"Dito ko gusto eh. Kung gusto mo ikaw nalang lumipat sa kabila." sabi nya sabay pikit ng mata.

Hay naki! Pasalamat ka talaga at matimpihin akong tao kung hindi najombag na kita dyan sa higaan mo!! Peste ka Hmp!

Lumipat ako sa kabilang side ng room kung san nandun yung isa pang kama. Iniayos ko na yung mga gamit ko nang magsalita si Herson.

"Hey." Nilingon ko sya.
"Fix my things too." inirapan ko lang sya at saka nahiga sa kama.
"Sorry hindi mo ako utusan lalong lalo hindi mo ako katulong."
"But you look like a maid for me."

Gusto ko na talaga syang sugurin! Alam nyo yung pakiramdam ng ganun? Kanina pa to eh!

Sa sobrang inis ko sa kanya ay tumayo ako at lumabas ng cabin. Dumiretso ako sa deck ng yate.

Hay! Ang sarap sa pakiramdam na ng hangin! Nakakawala ng sakit nang ulo. Ang ganda panuorin mg alon. Nakakawala ng stress. Ilang minuto din ako dito nang tawagin ako ni Daisy.

"Haidee. Lunch time na daw sabi ni Mrs. Delmar. Tara na!".
"Ahm Sige tara."

Sabay na kami ni Daisy pumunta sa Dinning hall. Kami nalang pala ang hinihintay sa table na inukupahan ni Mrs. Delmar.

"Oh. Ms. Chan, Ms. Alvares maupo na kayo para maka order na tayo ng makakain." pagkasabi ni Mrs. Delmar nun ay iniabot na sa amin ng waiter yung menu.

Halos malunok ko na ang dila ko sa laki ng halaga ng pagkain nila dito!
Isang Rice with toppings lang 250 na ang halaga!? Mag mamang inasal na lang ako! Unlimited rice na sulit pa 100 pesos lang busog na ako!

"Haidee? Wala ka pa rin bang napipili? May problema?"-Mrs. Delmar.

Napataas ako ng tingin mula sa menu. Halos lahat sila naka order na ako na lang ang hindi pa.

"Matagal pa ba yan? Im hungry." Halos sigaw ni Herson sa mukha ko.
"A-ah---"
"Ahm waiter doblehin mo na lang yung oreder ko para kay Haidee." Automatic na napatingin ako kay Ramjey

"N-naku wag n-na---"
"Its okay treat ko na lang sayo yan." Sabi ni Ramjey sa akin then ngumiti.
"A-ah babayaran na lang kita." sobrang nakakahiya .
"No need Haidee." Sabi ni Ramjey
"P-pero---"
"Okay! Stop the nonsence conversation!." Sigaw ni Herson kaya natahimik kami.

5 Minutes bago dumating yung order.
Nakakahiya man ay kumain na rin ako dahil sa gutom ko.

Grabe! Kaya pala ang mahal ng mga pagkain dito dahil sa sobrang sarap! Natapos din ang pagkain at pinabalik na kami sa cabin namin. Pero bago yun ay kinausap ko muna si Ramjey.

"A-ah R-ramjey?." Tawag ko sa kanya. Lumingon sya sa akin tapos nginitian nya ako.
"Oh Haidee , Bakit?" Tanong nya. Nandito kami ngayon sa deck.
"A-ah salamat nga pala kanina huh."
"Naku! Yun lang pala. Okay lang yun."

Nakangiti sya habang nakatitig sa akin. Nakakahiya naman.

"Ah sa totoo kasi nyan eh 2000 lang yung pera ko kaya di ako kaagad nakapag order kanina." Pag amin ko sa kanya.
"Ganun ba?"
"Oo eh."
"Naku! Paano mo ako babayaran nyan? 5000 Pa naman na gastis ko?" Sabi nya pero tumatawa sya. "Haha joke lang."
"Eh pagbalik natin saka na kita babayaran huh? Please!!!"
"Haha Hindi mo na kailangan bayaran yun." Sabi nya.
"Pero pangit naman yun! Baka di mo na ako ilibre sa susunod." Biro ko sa kanya kaya nagkatawanan kami. Naglakad naman ako pero di sinasadya na napatid ako sa isang paa ng upuan kaya naman halos mapatili ako. Napapikit ako sa isiping babagsak ako pero pagdilat ko ay Nasalo ako ni Ramjey.

"Careful!" Sabi nya.

"HEY! GET A ROOM!!." Napalingon kami sa sumigaw. Si Herson. Galit yung mukha nya. Itinayo ako ni Ramjey. Iniisip nya siguro na may ginagawa kami ni Ramjey. Sa pagkapahiya ko ay nagpaalam ako kay Ramjey na babalik na ako sa cabin.

"Ram, Una na ako huh. Salamat ulit." tumango lang sya.

Naglakad na ako. Nadaanan ko si Herson. Sobrang Galit na ako sa kanya. Tinitigan ko sya ng masama at dire-diretso ako sa cabin. Dumapa ako sa kama at dun umiyak ng umiyak. Sobra na si Herson. Wala na syang ginawa kundi pahiyain ako at pag isipan ng masama at laitin. Sobra na sya!

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon