Haidee's POV
Huli na ng maisip ko na madami nga pala akong nakuhang prutas kahapon. Nasa kalagitnaan na kami ng kakahuyan. Nakakahiya namang sabihin kay Herson na bumalik na lang kami eh mukang we can be friends na dahil sa sandamakmak na tanong nya tungkol sa buhay ko.
"So nasaan ang parents mo?." Tanong nya sa akin habang naglalakad kami dahan dahan.
"Hmm, hindi ko alam. Ni isa sa kanila wala akong kilala, ang pinanghahawakan ko lang ngayon ay ang pangalan at apelyido ko." Sagot ko sa kanya tapos hinawakan ko yung anklet na suot ko.
"Eh ano namang nakalagay jan sa anklet mo?." Tanong nya ulit na tinignan yung hawak ko.
"Eto? Ahm may picture dito ng mag-asawa sa kaliwang side tapos may pangalan nila kaso nabura at chan nalang ang klaro. Dito naman sa kanan, picture ko daw nung baby pa ako nakalagay pa nga yung pangalan ko. Ang galing nga eh, kahit medyo nabura na ay klaro pa rin lahat." Malayo layo na rin siguro ang nalakad namin ng makakita ako ng waterfalls.
"Wow! Herson oh! May waterfalls! Ang ganda! Tara dun tayo." Sabi ko tapos tumakbo ako papunta ng waterfalls.
Naupo ako atsaka ko nilublob yung paa ko sa tubig.
"Eh san ka pala nakatira kung di mo kilala ang parents mo? Sino ang nagpapa-aral sayo?." Tanong nya na umupo sa tabi ko at ginaya yung ginagawa ko.
"Sa bahay ampunan. Doon na ako lumaki, mga madre na rin ang nag paaral sa akin." Sagot ko na nakayuko at nilalaro yung tubig sa paa ko.
"Talaga? Eh pano ka nakapasok sa JK? Eh diba sobrang class yung University na yun? Hindi naman sa pang da-down sayo pero--."
"Ewan nga eh. Scholar kasi ako. Dapat nga di na ako mag co-college dahil gusto ko na lang tumulong sa bahay ampunan. Gusto kong magtrabaho na lang para makaginhawa din naman ang mga nagpalaki sa akin. Kaso may nagpilit na mag aral daw ako ng college dahil sayang naman daw ako, eh ayon... di ko na tinanggihan yung offer kasi naisip ko na mas makakatulong ako ng malaki sa bahay ampunan pag nakapag tapos ako. Yun ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa JK." Pag kukwento ko.
Actually naisip ko nga magmadre na lang din. Hehe. Napansin ko naman na nanahimik na lang sya. Siguro na turn off sya sa buhay ko ngayon. Hmmm siguro nga...
Herson's POV
I'm so speechless.
Akala ko anak mayaman sya? Kasi ang puti puti nya, ang ganda ganda, okay inaamin ko maganda sya. Sexy rin sya, i felt it when i hug her ng hindi sinasadya kanina. Singkit yung mata nya, red lips , alaga ang katawan redish din yung cheeks nya kaya pag namula sya halatang halata. Kaya iisipin mo talaga na anak mayaman sya. Pero hindi pala kasi nasa bahay ampunan lang sya? Eh diba pag nasa bahay ampunan minsan iisipin natin na ang iba napapabayaan ang sarili? peri ang sa kanya pala ay iba kasi sobrang mabuti ang mga nag aalaga sa kanya. Kahanga-hanga.
To tell you the truth, ngayon lang ako humanga sa isang babae at take note! Hindi ito mayaman! Nag iba na ba taste ko?
"N-na-turn off ka ba?." Tanong nya tapos tumingin sya sa akin na malungkot. Pagkatapos nun ay tumingin sya sa kabilang side.
"H-ha? No--." Naputol yung sasabihin ko nang bigla syang tumayo tapos naglakad papunta sa kung saan.
"Hey, Haidee? Where are you going?." Tanong ko, Tumayo din ako at sinundan sya.
"Herson! Dali! May nakita akong babae eh, Bilisan mo! Sundan natin sya! Baka matulungan nya tayo.!" Sigaw nya naman na patakbo nang naglalakad.
"What! Haidee don't scare me. Wala akong babaeng nakita kanina." Kinakabahan kong sabi sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Kahit kinakabahan ako ay sumunod pa rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Island Dotted LOVE
Teen FictionWhat if na trap ka sa isang isolated island with your crush/mahal at /kinaiinisan? What would you do? Tara at pasukin ang buhay pag ibig ni Haidee Honey Lou Chan at Herson Fuentevillarde sa isang araw na pananatili nila sa isla. Ang mabait + Simple...