Marie Rose
Hindi ko na alam ang gagawin ko kase imbes na magalit sakin si Khaiben hindi kase eh mas lalo pa siyang naging sweet ang corny ng mga jokes niya.
"Uy Marie may tanong ako"
"Ano? "
"Tissue kaba?"
"Bakit?"
"Kase kahit saan ako magpunta kailangan kita"
Natawa tuloy ako
"Hahaha para kang tanga"
"Hala sabihin mo nalang kase na kinilig ka at teka bat namumula yang pisngi mo uyyy kinilig siya"
"Uyyyy hindi ah ang kapal mo eh hindi nga kumiliti sa tiyan ko eh"
"Hindi daw ang pula kaya ng pisngi mo sinungaling hahaha yes one point! "
Hala parang baliw pero yung totoo kinilig ako syempre hindi natin sasabihin sa kanya baka lumaki ulo niyan.
Oh diba ang corny niya talaga parang timang.
Pagkatapos ng tagpo namin ni Claire nakikita ko siya pero hindi na ulit ako lumapit pa. Nako imposibleng hindi nalaman ni Khaiben yon eh laman kaya ng balita sa buong campus.
Halos nga ipagtulakan na nako ng kapwa ko estudyante kase bakit ko daw ginanonn yung prinsesa nila.
Si Mica ewan ko don may saltik minsan pero ngayon ang alam ko kasama niya si Khai hahaha may something sa dalawang yon ayaw lang magsabi.
"Rose"sigaw ng kung sino
"Bakit? "Iritang tanong ko kay Khaiben baka kase maisyo na naman kami eh
"Sabay ka sakin pauwi mamaya ah"
"Hindi na mag taxi ako at saka kasama ko si Mica pauwi"
"Wag mo nga akong lukohin kasama ni Mica si Khai kaya sakin ka na sumabay Baby"sabi nito at lumapit sakin ipinatong niya yung mga braso niya sa balikat ko.
"Pwede ba tigil-tigilan mo ako diyan sa katatawag sakin na Baby ah baka may makarinig sayo nako lagot na naman ako niyan." Inis na sabi ko at ibinaba ang mga braso niya.
"Wala naman eh"sabi niya at iginala ang tingin
"Meron kaya"
"Meron pero malayo naman sila hindi nila maririnig yon noh baby" sabi niya at itinaas baba ang kilay niyang makapal yes makapal pero bumagay sakanya kase mas gwapo Siya don eh.
The Hell! Sinabi ko bang gwapo hahaha oo na gwapo Siya talaga pero secret lang lalaki ulo niyan eh
"Oo na sasabay ako pero sa parking lot nalang tayo magkita "
"Yes! Sige ba-bye Baby ko"sigaw niya at patakbong nakaharap sakin sabay kindat at tumakbo na ulit
*susssz kilig ka naman eh*
Natawa tuloy ako sa kalukohan niya para siyang bata kung umasta.
Ewan ko bat ganon yon.
Pero natatakot ako dahil alam kung sa sarili ko na may gusto na nga ako sa kanya ang daya noh... Teka nga wag muna yan ang pagusapan dahil marami pa akong gagawin alam na malapit na kase ang graduation namin so busy na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Corna (COMPLETED)
Romance"I never in love with this deep but when I'm with you I can't stop my own self from loving you deeply...more.. Khaiben Lartex Corna -Blue eyes, tall, handsome, rich and have a twin brother...Khai Bartex Corna" Anong magiging reaction ni Mar...