Marie Rose
Kitang-kita ko kung paaano nagiba ang pakikitungo ni CR mag mula ng dumating si Clarity.
"Baby CR I'm your Tita Clarity the most beautiful woman in the world"
"Sorry Miss but in my eyes, my Mom is the most beautiful woman in the world. So shut up! "Kita sa buong mukha ni Clarity na nagulat ito. Siguro hindi niya inaakalang ganon ang sagot ni CR sakanya.
"Baby that's bad "suway ko
"Mom, can we go to the mall I just want to buy a new books"
"Okay Baby let's go"aya ko sakanya at lumapit kay Khaiben, magpapaalam lang kami.
"Khaiben"
"Yes?"
"Alis lang kami ni CR papuntang mall bibili daw siya ng new books niya"
"Sige tayo na"
"No, kami lang sana ni CR uuwi naman kami agad"
"Pero-"
"Mom, let's go "
"Sige alis na kami"agad akong pumara ng taxi. Alam ko namang ayaw na talaga ni CR don lalo ng dumating si Clarity.
_
Naglibot kami sa mall at ang dami niyang natipuang libro. Puro biology naman I mean more on science lahat.
Mukhang magiging doctor ang baby ko. Kahit ano pang korso ang gusto niya susubaybayan ko siya. Support ko ang lahat ng gusto niya.
Iba ang ugali ng anak ko kumpara sa mga iba pang bata. Marunong itong gumawa ng schedule niya kung oras niya para magbasa, magbasa lang talaga ang gagawin niya at kung ang laro naman hindi niya ito tipo. Mas gusto niyang magbasa na lang sa isang tabi.
"Mom, kaano-ano ni Mister kanina yong babae?"Biglang tanong ni CR
"Baby actually hindi ko rin alam."hindi ko maaaring sabihin sa kanya na ang hinala ko ay sila dahil ayaw ko ring dungisan ang imahe ni Khaiben sa anak ko.
"Mom, bakit ganon si Daddy? "Nagulat ako ng tawagin niya ito Daddy. Nakita niyang gulat na gumohit sa mukha ko "Mom don't tell him that I called him Daddy na please "
"Why son? "
"I want him to do a way para magkaayos na kayo pero sa tingin ko hindi naman gumagana"
"Baby-"
"Mom iwan natin si Daddy para tuparin niya yong mga pangako niya"
"Baby hindi pwede"
"Mom gusto ko lang naman na matoto na siyang pahalagahan ka"
"Baby listen don't worry about me basta masaya ka, masaya na rin si Mommy. Wag na wag mong ipaparamdam sa Daddy mo na balewala lang siya sayo"hindi na tama ang naiisip ng anak ko, daig pa niya ako kung magisip na.
"But mom-"
"No son listen to me. You should treat your Dad in good way kahit gaano pa siya kasama, Ama mo parin siya Okay? Son tignan mo ko. Ipangako mong tatawagin mo ng Daddy ang ama mo"alam kung nahihirapan ang anak ko pero dapat lang na ipaintindi ko sakanya ang lahat
"Okay mom but I can't promise hanggang hindi pa siya nagtitino"
"Baby-"
"Mom he should know how to learn his mistakes"sabi ni CR at ipinagpatuloy ang pagkain niya ng ice cream.
Hindi ko na alam kung paano ko mababago ang nasa isip niya. Hirap na rin ako sa sitwasyon namin ni Khaiben pero kailangan kong maging matatag para sa anak ko.
Tinitigan ko si CR at isinaisip ang katangang
"Sorry anak kung ganito ang naging kapalaran ni Mommy sa pagibig pati tuloy ikaw nahihirapan. I'm sorry. I love you so much anak ko"_
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni CR nagaya agad siya umuwi. Sa bahay ni Khaiben kami umuuwi dahil doon naman niya kami dinala noong galing kami sa Ilocos.
Ewan ko ba pero nadismaya ako ng hindi ko nakita ang sasakyan ni Khaiben sa garage. Hindi pa siya nakakauwi pero maggagabi na ah sabagay kasama naman niya kase si Clarity.
Selos na naman ang gumohit sa puso. Wala akong karapatan pero nasasaktan ako dahil mahal ko siya.
Kinumotan ko si CR dahil nakatulog na siya. May sarili siyang kwarto at blue white lang ang pintura.
Kami naman ni Khaiben ay nasa iisang kwarto pero ni kahit isa wala ng nangyari pa samin. Hindi na rin ako aasa pa dahil kung aasa ka at kapag hindi ito natupad, ikaw lang rin naman ang masasaktan.
Ngumiti ako at tinabihan ang anak ko sa kama niya. Pagod ito kaya agad siya nakatulog ng makakain na siya at nakapagligo. Pagod siya kakalaro kanina.
Dahil sa kagagohan ni Khaiben nabuo namin siya. Mali ang ginawa ni Khaiben pero hindi ko parin maisip na kapag hindi niya ginawa yon wala ring CR sa tabi ko ngayon.
"Anak, mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Inalagaan kita ng siyam na buwan hanggang sa maisilang kita pero hindi ako magsasawang alagaan ka habang mas lalo kang lumalaki. Hindi ko alam noon ang gagawin ko ng malaman kung buntis ako kaya lumayo muna ako sa mga magulang ko noon dahil alam kung magagalit sila. Pinalabas kung nasa Manila lang ako at nagtratrabaho pero ang totoo nasa Davao lang ako kasama ang tita ninang Mica mo pero kahit na pinagbubuntis kita noon anak nag tratrabaho parin ako dahil ayaw kung umasa sa tita ninang mo. Ayaw kung pati sa gastusin sa hospital siya rin ang sumagot kaya lang ng mag anim na buwan kana hindi ko na talaga kayang mag trabaho kaya napilitan ako huminto. Hirap ako noon pero nakaya kung bumango para sayo anak. Ayaw kung maramdaman mong hindi ako masaya dahil kahit anong tago ko noon nakikita mo parin akong umiiyak. Gumagawa ka ng paraan para mapangiti ulit ako. Ikaw ang nagsilbing anghel ko anak, ikaw ang nagligtas sakin, ikaw ang naging dahilan para lumaban ulit ako, ikaw lang anak ikaw lang. Kaya sana tawagin mo ng Daddy ang ama mo dahil kahit anong ginawa niya sakin ama mo parin siya at karapatan niyang maramdaman na itinuturing mo siyang ama mo. Good night baby ko"hinalikan ko ang kaniyang ulonan at natulog na rin sa tabi niya.
Itutuloy...
Guys actually malapit ng matapos to hindi ko lang alam kung kailan at kung hanggang anong chapter pero ang masasabi ko lang malapit na talaga. So good night for a while. Ba-bye...⚠DONT FORGET TO COMMENT,LIKE, VOTE AND SHARE TO YOUR FRIENDS THANK YOU GUYS⚠
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Corna (COMPLETED)
Romans"I never in love with this deep but when I'm with you I can't stop my own self from loving you deeply...more.. Khaiben Lartex Corna -Blue eyes, tall, handsome, rich and have a twin brother...Khai Bartex Corna" Anong magiging reaction ni Mar...