LRG-13

892 27 0
                                    

Marie Rose

Pagkatapos ng mga tagpong iyon linayoan ko ma siya. Kumbaga hangin nalang siya sakin kahit sino magagalit talaga kapag nalaman mong pinaglaroan ka lang nila.
Kumbaga kapag hindi ka nakipaglaro saka nila ikaw ang talo gaya ko Hindi ko alam na ganon pala ang ginawa nila sakin kaya mismong sarili ko hindi ko naipagtanggol.

Sana nga patulogin sila ng konsensya nila sa ginawa nila sakin.

Unti-unti ako pinagsuklaban ng langit at lupa gusto ko ulit umiyak. Simula sa araw na yon iyon na rin ang huli kong punta sa school dahil wala na rin naman akong gagawin natapos ko na lahat.

Si Mica tinatapos pa yung sa kanya kaya nasa school siya ngayon ewan ko ba sa babaeng yon kung bakit hindi niya pa niya natapos.

*tok.... Tok.. *

"Iha bumaba kana kakaini na"sigaw ni Nanay Peng

Si Nanay Peng katulong nila Tita Elizabeth. Oo nila lang dahil ayaw kong tinutoring niya akong amo niya rin.

Minsan nga tinawag niya akong maam kaya ayon sinabi kong Marie nalang itawag niya sakin pumayag naman siya. Mabait siya parang ikalawang ina ko na siya dito.

"Sige po Nanay bababa na po"sigaw ko rin at agad na pumonta sa banyo.

Tinignan ko ang sarili ko.May black na sa gilid ng mata ko kitang kita rin na stress na nakita ko ring pagod at sakit ang nakapaloob dito.

Ngumiti ako at sinabi ang katagang.....

"Kaya mo yan Rose ikaw pa ba province girl ka kaya at ang mga province girl hindi agad-agad sumusuko"

Oo kino-kumbinsi ko ang sarili ko dahil kung magpapatalo at maghina-hinaan ako rin naman ang masasaktan sa huli.

"Sumunod ka agad iha ah masamang pinaghihintay ang pagkain"Nanay Peng

"Opo nay nandiyan na po"
-ako

Tinapos ko na ang dapat kong gawin naghilamos at inayos ang buhok ko.

Kung hindi ko pa nasabi sa inyo. Mahaba ang buhok ko at blonde ito inborn na ito at straight na straight talaga parang na reband ba. Pero ang nakainis ang hirap suklayan ang haba na kase.

Bumaba ako at pumunta sa kusina.

"Nay sabayan mo na po ako wala na man po akong kasa..... "

Nabitin ang sasabihin ng makita ko si Khaiben. Anong ginagawa niya dito diba may klase pa siya.

"Nako iha hindi na nandiyan naman si Khaiben kayo nalang ang magsalo"Nanay Peng

"Nay mamaya nalang pala ako kakain busog pa ako nay"sabi ko at naglakad na

"Iha wag mo sabihinng hindi ka naman kakain hindi ka pa kumain kanilang umaga hayyy nako talaga kang bata ka hala kumain ka"sabi ni Nanay Peng at tinulak ako paupo.

"Nay mamaya nalang po promise bababa nalang po ako paggutom nako"sabi ko at akmang tatayo na naman

"Stay you need to eat"sabi ni Khaiben kaya napa tingin ako sa kanya

"Wala kang pake kung kakain ba ako o hindi"inis na haling-hing ko sa kanya. Sino siya para diktahan ako

"Kumain ka!!"
-Khaiben

"No., kakain ako pag gusto ko kaya tumahimik ka diyan! "Inis na sigaw ko at tumakbo na papunta sa kwarto ko.

"Bumalik ka dito magusap tayo"sigaw rin niya

"Wala tayong dapat pagusapan"sigaw ko at pumasok na sa kwarto ko.

Hindi ko na Narinig ang sinabi niya dahil na lock ko na yong pinto.

"No we need to talk"
-Khaiben

Putik nasa labas siya....

"Open the door baby we need to talk"

"Hindi at wala tayong dapat pagusapan pa"

"Nanay Peng? "Tawag niya kay nanay

"Asan po yong susi ng kwarto ni Rose?"

Nako naman sana hindi sabihin ni Nanay Peng pero imposible

"Nasa kabinet iho"

"Salamat nay"

Narinig kung umalis ang apak nito pero Narinig ko ulit ng pabalik ang bilis ah sabagay malapit lang kase.

Narnig kong binuboksan niya ang pinto ko.

"Pagbinoksan mo yan malilintikan ka sakin"inis ma sabi ko

Pero wala na akong nagawa pa dahil nabuksan na niya na. Kainis naman eh

"Let's talk"

"Para ano pa?"

"Look I'm sorry"

"Oh god Khaiben wala ng magagawa pa ang sorry mo at pwede ba umalis-umalis kana sa harap ko. Nakabanas yang pinagmumukha mo"

"Please lang magusap tayo ng matino"

Tinitigan ko siya

"Leave!"

"Wala akong magagawa kung yan ang gusto pero gusto kong malaman mo na hindi lahat laro yong feelings ko sayo totoo lahat yon"

"Pinaglulukohan mo ba ako? Tanga nalang ang maniniwala sa sinasabi mo Khaiben kaya umalis kana ayaw ko munang makita yang pagmumukha mo."

"Okay. Fine! Is that what you what then i will"

Nainis kayata siya binalibag ba naman yung pinto ko.

Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako, ang sakit pala hindi mo alam kung anong papaniwalaan mo durog na durog na ako pagod na pagod na pilit kung iniintindi ang lahat pero para wala lang ang lahat p*ta naging bato na kaya ang puso ko.

Nakaramdam ako ng kalungkotan. Sana kayanin ko pa tutal malapit na yung graduation namin makakauwi na ko sa bahay.

Makakalayo na ako sa mga taong nakakasakit na ako. Gusto kong lumayo na ng tuloyan kay Khaiben.

Itutuloy........

DONT FORGET TO COMMENT,LIKE, VOTE AND SHARE TO YOUR FRIENDS THANK YOU GUYS⚠

Loving Mr. Corna (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon