Chapter 17

6.4K 172 26
                                    

CHAPTER 17

“ZHEA! Z-zhea!”

Agad na tumakbo si Zhea papasok sa bahay ni Brezil. Hindi ito titigil hanggat hindi nakikita ang ama. Akala ni JAZZY titigil na ito sa pag-iyak  pero nagka-mali yata siya. Kahit nasa biyahe sila bukambibig nito si Arreith. Hindi niya alam kung lalapitan ba ito o hahayaan ang anak.

Kinakabahan si Jazzy, namumutla ang mukha ni Zhea at nanginginig ang kamay. Nandito ang mga magulang ni Arreith at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kinakabahan siya at hindi siya mapakali!

Anong sasabihin ko?

Jazzy bit her lips and stoop down her head. Gusto niya lapitan ang anak niyang hinahanap ang ama pero tinutulak siya nito! She's crying out loud while calling Arreith name.

“Z-zhea, shhh. T-tahan na please”

Umiiling ang anak niya at lumalayo ito sa kaniya. Naninikip ang puso niya sa ginagawa ni Zhea. Hindi siya makahinga sa pinapakita ng anak.

“G-gusto k-ko m-makita si D-daddy!” Sigaw ng anak niya habang walang tigil ang iyak.

Yumuko si Jazzy na kinagat ang labi niya. Kahit si Brezil hindi mapigilan ang anak.

“H-hintayin n-nalang natin si D-daddy ha? T-tahan na, baby. M-masama sayo ang mapagod—”

“A-ayoko! Si d-daddy gusto ko makita! D-daddy! G-gusto ko siya m-makita!”

Tumingin si Jazzy kay Brezil naghihingi ng tulong. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya para tumigil si Zhea.

Jazzy stop for awhile as Arreith's mother tried to calm Zhea. Naka-lapit ito sa anak niya at pinatatahan.

“Hush, baby. Tahan na, shhh. Babalik naman si Daddy, hihintayin nalang natin siya ha? Gusto mo kumain muna tayo habang hinihintay si Daddy?”

Umiiling si Zhea, ang mukha nito ay pagod na pagod at wala sa sarili. Hindi parin ito tumigil, gusto na gusto talaga nito makita si Arreith.

“Y-yoko, g-gusto ko si d-daddy! A-ayoko k-kumain kapag wala pa s-siya. G-gusto ko siya makita!”

Nagbuntong hininga ang ina ni Arreith na pumunta sa kaniya. Malakas na kumabog ang puso niya sa kaba at hindi niya maintindihan!

“Hija, hindi siya titigil hanggat hindi nakikita si Arreith. Tingnan mo si Zhea, gusto na gusto niya talaga ang anak ko” May ngiti sa labi ng ginang.

Jazzy sigh in relief, she's kinda nervous and little bit trembling. Alam niyang mabait ang ina ni Arreith pero nahihiya siya sa kalokohan niya noon. Nasaksihan iyon ng ina ni Arreith at sobrang hiya ngayon ang naramdaman niya.

Pumunta si Brezil sa kanila at tinapik ang balikat niya.

“Bumalik ka”

Jazzy stoop down her head.

“H-hindi si Zhea tumitigil sa kakaiyak kapag hindi nakita si Arreith. I-im s-sorry, Bree.”

Pinisil ni Brezil ang kamay niya at ngumiti sa kaniya. .

“It's okay, Jazz. Ang mahalaga bumalik kayo. Kung may problema kayo ni Arreith wag niyong idamay ang mga bata, sila ang naapektuhan. Hindi na tumitigil si Zhea” Nag-aalala si Brezil na tumingin kay Zhea.

Kinakabahan at hindi na si Jazzy mapakali sa kalagayan ni Zhea.

“S-saan kayo natulog kagabi? Okay lang ba kayo ng mga bata?”

“Sa pinsan ko po”

Ngumiwi ang ina ni Arreith.

“Hindi ka parin nagbabago, Jazz. Sige na lapitan mona si Zhea”

AlphabetusSeries 1: Taste Of One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon