Felicity
I took a vacation alone. Hindi ko sinabi kila mom kung ano ang pinag usapan namin ni madame Angela, I just said that she congratulated me at natagalan lang dahil madami kami.
"Why would you go on a vacation alone? We can take a leave, Dale"
"Its okay mom. I just want to travel alone,"
"Hindi mo din isasama si Arie?"
"Mom, Arie has her own life. Don't worry mom, kaya ko naman po ang sarili ko. One week lang naman po, I promise."
"Tell me your wheareabouts from time to time. If you missed one update, I swear, pupuntahan ka namin."
"Okay mom. I promise."
Pero hindi din natuloy ang plano ko na mag bakasyon alone. Later in the afternoon, nakita ko si Arie.
"Oh! What are you doing here Louie?" and she acted surprised
"Why are you here?"
"I'm here for vacation."
"Seriously, Arie?"
At inilahad ko sa kanya ang phone ko. Nasa IG story niya, 8 am, she was about to go to Paris, nasa story niya ang ticket pero naka blur ang details except sa destination niya.
"What? Bawal ba magchange of plans?"
Hindi ko naman inavail ang offer ng hotel like snorkling, surfing at party boat. Kaya madalas ay nasa lounge lang ako malapit sa dagat o di kaya ay sa rooftop.
"Hey, let's go to the other island! May zip line daw don."
"Ikaw na lang, Arie"
"Eeee! Tara na kasi, sayang naman yung vacation if nagkukulong ka lang sa hotel,"
"Nasa labas ako ng hotel, Arie"
"Hotel premises! Okay na!? Tara na kasi!"
At hinila hila niya pa ang blouse ko.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo?"
Kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa tabi ko.
"Wow! Ang ganda naman! Magaling ka pa mag sketch kesa sa mga nag engineer at architect eh!
Magpapatayo ka na ba ng bahay?"
Inilingan ko si Arie. Lukaret talaga tong babaita na ito. Iyon kasi ang pinagkakaabalahan ko for the past 2 days, ang mag sketch. Wala naman specific reason ang bahay na naisketch ko.
Tama lamang ang laki niyon, para sa maliit na pamilya. Dalawang palapag. Wood and glass ang ibaba at pure glass walls ang sa itaas. May garden sa harapan ng bahay at maliit na pool sa likod.
On my next sketch, interior ng bahay.
"Ah, dream house mo nga ito. I remember now, sabi mo noon, gusto mo ng bahay na gawa sa glass walls tapos may garden for gatherings and pool para sa magiging babies mo! Ha! Naalala ko! Ikaw ah, nagpaplano ka na pala para sa future niyo ni Nigel ah""Sira! Hindi ah. Sige na, magpunta na tayo sa island na sinasabi mo"
"Yey!"
Nagpunta na kami sa hotel room namin para mag ayos. Inilapag ko muna sa coffee table ang sketch ko.
Oo nga, it was my dream house when I was around 12. Maybe it didn't change at all.
Panay ang kuha ni Arie ng picture. She is the type of person na gustong may remembrance sa bawat ginagawa. She posts it in social media tapos she'll have it develop at ilalagay sa scrapbook niya.
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Teen Fiction- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu