His Child
Kakapasok ko lang ng airport nang muli na namang nag ring ang phone ko. Hindi ko na mabilang kung pang ilang tawag na nya ito.
Sakto lang ang dating ko sa airport, pinapapasok na ang mga pasahero kaya dumiretso na ako doon.
From: Baby
Baby, where are you? Answer my calls please. I'm worried.Iyon ang huling mensahe na pumasok sa aking phone bago ko ito na airplane mode.
Maybe we're not really for each other, Nigel. Tama na. Baka magkasakitan lang tayo lalo.
.
.
.
.
.Ang malamig na simoy ng hangin ng New York ang sumalubong sa akin.
Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel na nabook ko.
Pagdating ko doon ay nagpahinga ako at pagkatapos ay kumain.
Nagbukas ako ng email ko para makibalita kay Rai. Ibinilin ko kasi sa kanya na isend sa akin ang lahat ng kailangan ko sa trabaho.
May email din si Arie sa akin at nagtatanong kung nasaan daw ako.
Sunod na email ay si Christian at nagtatanong kung bakit hindi na sya ang pupunta sa business meeting dito sa New York.
Hindi ko nireplyan ang kahit sino sa kanila.
Nang gumabi ay tska ko lang binuksan ang phone ko. At doon sabay sabay pumasok ang notifications na may nag chat sa akin.
Mom: Dale, anak, nasaan ka? Wala ka daw kay Nigel. Wala ka din sa condo. Hindi ka din daw pumasok sa trabaho. I'm worried anak.
Louie Dale: I'm fine mom. I'll tell you everything soon. I promise
Matapos ko iyon masend ay nagreply agad si mom
Mom: where are you? Im worried anak. Why don't you go home now at pag usapan natin ang kung ano man ang problema mo.
Louie Dale: Sorry mom, I can't. But I promise I will tell you everything once Im home. Im safe mom, don't worry. I love you po
Mom: okay anak. Please be home soon. I love you
May mga chat din sa akin sina Arie at mga Leviste ngunit hindi ko iyon binasa upang hindi nila mapansin.
.
.
.Ganoon ang naging routine ko sa pamamalagi ko dito sa New York.
Matapos ko gawin ang aking morning routine ay bababa ako sa coffee shop ng hotel at doon magbe breakfast tapos magtatrabaho. Minsan ay doon na din ako nagla lunch o minsan ay sa mall kapag namamasyal ako.
Sa sumunod na linggo ay dumalas ang pagsusuka ko sa tuwing nagigising ako. Hindi ko alam kung bakit. Nagpasya ako na magpacheck up sa doctor dito kapag natapos ko ang business meeting ko bukas.
Kasalukuyan ko nang ginagawa ang presentation ko para sa meeting bukas. Potential business partner sila at maaring kumuha sila ng franchise. Kapag naging maganda ang resulta ng meaning ay baka magtagal ako dito sa New York upang matutukan iyon.
Christian calling...
"Hello?" Pagsagot ko sa tawag nya
"How are you feeling? Maayos ka na ba?"
Naabutan niya kasi ako sa café sa baba ng hotel na nagmamadali patungong comfort room at doon naduwal.
"Im very well fine Christian."
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Fiksi Remaja- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu