Leviste Clan
Abala ako sa pagsusuklay ng aking buhok habang iniisip kung paanong ayos ang gagawin ko dito.
*knock*knock*
"Pasok,"
"Dale?" si mom
"Po?"
"Wala naman. Naka ayos ka na pala. Gigisingin pa lang sana kita eh. Bakit maaga ka ata ngayon?"
Maaga nga ako masyado ngayon para sa 8:00 na klase. Its just 6:30 in the morning. It only takes a 20 minute drive para makarating sa school.
"Maaga lang po akong nagising,"
"Okay." lumapit si mom at sya na ang nagpatuloy sa pagaayos ng buhok ko.
"Malapit na ang birthday mo. Any plans?"
Tanong ni mom habang nagbi braid ng buhok ko
"Mom, 5 months pa po. Masyado pa pong maaga para mag plano."
"Gusto ko lang naman na pag isipan mo na. Ayoko naman na mag didinner na naman na tayo lang ng daddy mo."
Napa nguso naman ako. Ayaw pala nun ni mom, pero mas gusto ko na hindi masyadong magastos ang celebration ko. Okay na ako sa family dinner, tapos luto nila Ate Kath at Mom ang kakainin.
"Mom, okay na ang family dinner. Besides ang laki ng nagastos natin nung debut ko last year."
"Anak, debut mo yun. At hindi malaki ang nagastos natin. Aba, para saan pa at nagtatrabaho kami ng maigi ng daddy mo?"
Mas lalo tuloy akong napanguso.
"Basta! Gusto ko, sa susunod na itanong ko ang tungkol sa birthday mo, dapat ay may party na involve. Okay?" pagsasa pinal ni mom habang ikinakabit ang isang blue butterfly clip. Isang metal clip na gift ni dad last year.
Sabay sabay kaming nagbreakfast.
I am 40 minutes early when I arrived at the school parking lot. Arie still didn't text me if she's here already.
Tumambay na lang muna ako sa library.
"Gurl, totoo ba? Dito mag aaral ang mga Leviste?"
"Ano ka ba gurl, may share ang family nila sa school na ito. Kaya oo, dito sila mag aaral"
"Kahit na nuh, eh sa States sila nag simula mag college, afford din naman nila yun, so bakit babalik sila?"
"Oo nga nuh"
"Ladies, please keep silence. You are inside the library"
Natahimik naman ang mga dakilang chismosa ng campus.
Ibinalik ko ang pansin ko sa paghahanap ng libro na magandang basahin.
From: Arie <3
Parking na.
Maaga din pala dumadating si Arie. Nakaka 10 minutes pa lang ako sa library pero nandyan na siya. At dahil wala naman akong napag interesan, lumabas na ako.
Inantay ko siya sa bench na malapit sa Angeles Building.
"Good morning Louie!"
"Morning"
Nagpalipas kami ng oras sa gazebo at kumain ng dala niyang doughnut.
Mag isa naman akong nagtungo sa Journalism Building nang nag bell. Si Arie ay sinundo ng kanyang kaibigan na kaklase niya.
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Novela Juvenil- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu