Chapter 14

60 3 11
                                    

Shattered Heart

Shit!

I woke up with a head ache!

Hindi naman madami ang nainom ko ah? Ganon ba kababa ang alcohol tolerance ko? Ugh! I would never drink again!

Uminom muna ako ng tubig na nasa bed side table ko para mahimasmasan bago nagtungo sa banyo para mag ayos. Buti na lang ay Sunday ngayon at wala akong pasok, kung hindi ay baka na late na ako.

"Magandang umaga, maam Dale!"

"Good morning ate Kath, uh, sila mom?"

"Nasa garden po sila. Naroon na din po ang breakfast nyo"

"Salamat"

Agad akong dumiretso sa garden. As usual, abala si mom sa kanyang mga bulaklak at si dad ay nililiguan ang bago naming aso, actually hindi na sya bago dahil noong anniversary pa nila iyon natanggap, gift ng kapatid ni dad.

"Good morning mom, dad"

"Morning, anak"

Sabay na bati nila. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa samantalang sinimulan ko na ang breakfast ko.

"Dale, its your birthday on Saturday. Already planned for your party?"

Party?

Ayokong mag party...

"Mom, pwedeng wag na po magparty?"

"Anak, diba napagusapan na natin ito?"

"Wala naman po akong iimbitahin bukod kay Arie--"

"You can invite your blockmates or workmates. I already checked out on some hotels, you can choose later. Nakausap ko na din ang tita Rica mo for the catering"

Napanguso naman ako. Nagplano na pala si mom.

"Mom, huwag na po sa hotel. Dito na lang po sa bahay at huwag na maghanda ng madami, I'll just invite Arie and Nigel's cousins. And some colleagues, is that okay?"

"Okay. We might invite some friends, Dale"

"Okay, mom"

After breakfast ay umakyat na ako. I was planning to rest for today kaya lang ay nag aya si Arie na mag mall.

Malo lowbat na pala ako. Hindi na ako nag atubili na mag charge. Sinabi naman ni Arie kung saan sa mall kami magkikita kaya ayos lang.

Nag suot lang ako ng high waisted maong shorts at black shirt tapos sandals.

"Bakit ka ba sunod ng sunod ha!? Alam mo bang you're invading my privacy!?"

"Arie, pag usapan natin--"

"No! Today is Sunday. Walang pasok sa opisina, kaya wala tayong pag uusapan!"

"Arie--"

"Bitawan mo ako!"

Nagpupuyos sa galit na Arie ang sumalubong sa akin dito sa entrance ng milk tea shop na napagusapan namin kung saan mag kikita.

"D-Dale! Nandito ka na pala. Order na tayo? Nauuhaw na ako"

At hinila na niya ako papasok pero natanaw ko pa din si Kenji, sapo sapo ang noo at tila ba may mabigat na problema

Mag kaaway ba sila? Ano na bang meron sa kanila? Alam kong crush nitong babae na to si Kenji pero sa nangyari sa kanina, tila ba magkaaway sila.

LQ?

Proofreader's Love (Leviste Series 1)Where stories live. Discover now