Drunk Words
"Louie---"
"Thank you for tonight Kiro. Magpapahinga na ako"
Matamlay kong pamamaalam at dumiretso na sa hagdan
"Okay, rest well Louie. Don't lock your door so I can check on you"
Hindi ako sumagot. Wala sa sarili na nagbihis at nag ayos para sa pagtulog.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kay Nigel.
Ganoon pala ang iniisip niya sa akin? Kaya ko siya iniwan ay dahil hindi sya ang mahal ko kung hindi si Kiro?
At ginamit ko sya para makapagtrabaho sa kumpanya nila? I never dreamed nor thought na makapag trabaho sa kanila tapos may ganoon siyang pag iisip?
Hindi ko sya sineryoso? The hell! Para saan pa at naglaan ako ng oras sa kanya? Ikinuwento ko ang buong buhay ko sa kanya at ipinakilala sa mga magulang ko? I really don't expect to be in a relationship ever! Pero nagbago iyon nong nakilala ko sya tapos ganoon lang pala ang dating nun sa kanya?
Siya lang ang minahal ko buong buhay ko. I had suitors during those years after our break up. I tried to date pero ni isa sa mga yon lagi kong naiisip si Nigel.
Kiro, Kenji and Kael are like older brothers to me. Nasanay kami ni Arie na lagi na silang kasama at naging over protective sila sa amin. I never thought one of them will be my boyfriend. At lalo ko lang iyon napatunayan noong nalaman ko ang tungkol sa past nila Kiro at Kael at ang pagiging mag fiancé ni Kenji at Arie.
Nananamlay akong bumaba kinabukasan para sa breakfast. Ayoko na sana pumasok sa letcheng kumpanya na iyon pero naisip ko na tapusin ang ipinangakong araw kay madame Angela. Last day ko na ito, dapat ay approve na ang resignation ko. Maayos na ang lahat. Na train ko na ang kapalit ko at natapos ang mga pending na trabaho. Kailangan ko na lang icheck mamaya ang mga ginawa kong trabaho.
Good morning Louie
Eat your breakfast. Your lunch and snack is already in your bag. Nasa Quezon ako ngayon. I have to check something, might be back tonight or tomorrow morning. Arie and the guys will be there later para mabantayan ka.Call me if something happens. Update me every 4 hours.
-Kiro
Bakit pinapunta pa niya dito sila Arie? Kaya ko naman ang sarili ko. Ang OA talaga ni Kiro.
Masaya kong tinapos ang breakfast ko at nagdrive. Finally! Nagamit ko ulit ang kotse ko.
"Good morning Louie!" sabay na bati nina Jade at Tessa
"Good morning!"
"Last day mo na hindi ba? Club tayo mamaya! Padespidida namin sayo!"
"Sure" agad kong sagot. Hindi ko alam anong oras si Kiro at anong oras ba ang dating nila Arie. Bahala na, I'll just message them sa thread namin.
Clan
Louie Dale: Nag aya mag club sina Jade after work. Sa usual club kami. Doon na lang siguro kayo dumiretso.
Isang minuto pagkasend ko noon ay na seen na ng lahat pero walang nagreply.
Pumasok na ako sa opisina at nagpasya na iaayos na ang mga gamit ko. Kaunti na lang naman iyon pero mabuti na din na maaga akong mag ayos para dire diretso kong matatapos ang anumang trabaho para sa araw na ito.
"There you are"
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig. Nigel, is in his usual office suit. His dark and cold looking eyes is looking at me directly.
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Teen Fiction- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu