Take Care
"You,"
"Date me,"
Ha! Nababaliw ba sya?
Isang estranghero? Aayain ako makipagdate sa kanya? Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa!
"Nigel.
Nigel Leviste. And you are?"
Ha!
May lakas ng loob pa sya magpakilala? Sino ba sya? Hari ba sya? Akala mo kung sino na kung maka asta!
"Ang arte ah? Siya na nga nilalapitan, sya pa maarte"
"Sino ba yan? Maka asta naman akala mo ang taas taas"
"Hindi ba isa sya sa mga scholar? Means, poor lang sya?"
Pasalamt ang mga yon at wala ako sa mood kahapon makipag away.
At tska, sino ba may sabing lapitan ako ng Leviste na yon?
Inyong inyo na! Isaksak niyo sa baga niyo hanggang hindi kayo makahinga! Mga letche!
"Sabi ko ako si Nigel Leviste. Ikaw, anong pangalan mo?"
Nakakainis yun ah? Pinamukha niya akong bobo! Hindi niya ba ko kilala? Isa akong Dean's lister at student with highest honor!
"I'm Louie."
"Louie?"
"Louie ang pangalan ko. Excuse me, pero nagmamadali kasi ako. Kaya pwede bang umalis ka na sa daanan ko?"
"Alam ko na pangalan mo iyon. Ang tinatanong ko ay buong pangalan mo, malay ko bang ikaw ang pang 107th na Louie sa mundo"
Aba't pinilosopo pa talaga ako? Problema ko pa ngayon kung pano niya malalaman kung pang ilan akong Louie.
"Its nice to meet you, Dale"
"Its nice to meet you, Dale"
"Its nice to meet you, Dale"
Arrrgh!!!
Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong Dale! Wala ibang tumatawag ng Dale sa akin bukod sa family ko at sa mga tao sa bahay! Ni hindi nga ako tinatawag ni Arie na Dale, si Arie na best friend ko!
Tapos siya, na isang estranghero, may gana na tawagin akong Dale?
"Oh, ang aga aga busangot mukha mo"
Isa pa tong babaita na ito, imbes na tinulungan agad ako kahapon, sana hindi na nalaman nung peste na yon ang pangalan ko
"Iniisip mo pa rin ba yung nangyari?"
Inirap ko si Arie.
Hays.
Wala lang talaga akong mapagbuntungan ng inis ko.
"Hayaan mo na yon. Hindi naman siguro nila sinadya."
"Kaibigan ba kita? Bakit sila ang kinakampihan mo?" pag aasik ko.
"Syempre kaibigan mo. Hayaan mo na kasi. Tignan mo, naba bother ka lang eh. Magkape ka na lang muna, oh" at inabot nya ang isang cup na galing sa Starbucks.
Tahimik ako habang naglalakad papasok sa klase, pero maingay ang paligid.
"Siya yung kahapon diba? Sa English Department Building?"
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Fiksi Remaja- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu