Hurt
"I already submitted your resignation letter but..."
Tinaasan ko ng kilay si Kiro. Binibitin pa ang sasabihin e
"What?"
Tanong ko bago sumubo ng pagkain. Ngayon na lang ako nakakakain ng maayos dahil puro kape ang ni take ko nung mga nakalipas na araw.
"Nigel won't accept it. So dinala ko na sa president and, Tita Angela received it since Tito Nicolai is on a business trip"
Tumango ako. Ayoko na talaga bumalik doon lalo na dahil nakaapekto sa akin ang pagiging malapit sa kanya
"Tita Angela called earlier, she asked if she can talk to you about your resignation. I already said no---"
"Its fine. Let's go. I want to properly do my resignation"
"Louie--"
"Im fine now, Kiro. Makikipag usap lang ako then I won't go back there anymore. I promise"
Pagod niya akong inilingan bago naglabas ng phone at mukhang nagsabi kay Madame Angela patungkol sa gusto kong mangyari.
Kinabukasan ay pinayagan na ako ng doctor na ma discharge. Arie, Kenji and Kael went here too to help. Nauna na sila sa condo para ayusin ang mga gamit ko na nandoon.
"Pwede naman tayong huwag na tumuloy Louie"
Sabi ni Kiro pagkapasok ko sa kotse nya.
"Tumuloy na tayo. Im sure papayag naman si Madame sa gusto ko. I won't receive their payment or so. Gusto ko lang na maayos na tapusin ang anumang ugnayan ko sa kanila"
Naiiling sya nagmaneho. Ako naman ay kinalikot ang kanyang player at nagpatugtog.
"You don't have to do this, Louie, you know. Honestly, I think pinapahirapan ka lang ni Nigel e. Mahal mo pa rin sya?"
Natawa ako sa tanong nya.
I never stopped loving Nigel.
"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya, Kiro. Nakipaghiwalay ako, oo, pero para yun sa kaligtasan ng pamilya ko at sa ikabubuti niya. But my love for him didn't ended"
"Tch. How I wish I could hear that from Lia"
Sabi niya habang diretso ang tingin sa kalsada.
Nagpakawala ako ng buntong hininga nung nakarating na kami sa Leviste Publishing Corporation.
Today's Wednesday. As usual ay abala ang lahat pero hindi nakatakas sa paningin ko ang mapanuring titig sa akin ng mga empleyado.
Panigurado ay nagtataka sila dahil isang Leviste ang kasama ko. Never ko pa naman kasi nakasama ang mga Leviste sa loob ng anumang kumpanya nila. We just hang out normally, hindi bilang anak ng Leviste, Fuentes o Romero.
"You should wait here at the lobby Kiro--"
"No"
I pouted when I heard him saying no with his businessman like tone.
"Sir Kiro!" anang ng secretary ng president.
"We have a meeting with Madame Angela"
"Sige po sir. Inform ko po si Madame na narito na kayo"
And she dialed on her intercom.
"Let them in"
Tinanguan na kami ng secretary at iginiya ako ni Kiro sa opisina. He knocked twice bago niya binuksan ang pinto
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Teen Fiction- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu