Workspace
Muntik na akong ma late kinabukasan. Paano ba naman e nandito pala sa Tagaytay ang magpipinsan at si Arie. Nagka inuman pa kami kagabi, naka leave daw sila for one week kaya dinalaw nila ako. Iniwan ko sila sa condo ko dahil may trabaho ako.
"Oh, muntik na ma late ah? Buti at umabot ka"
"Oo nga e. Nasa condo kasi sila Arie"
"Nag party kayo nuh?"
Hindi naman lingid sa kaalaman nila kung sino sila Arie dahil minsan na kaming nagkasama sa isang club.
"Yeah"
"Sige. Sa pantry lang ako. Coffee?"
"Ako na ang kukuha mamaya, salamat"
At naghiwalay na kami ni Tess.
"Louie!"
"Jade?"
Hinihingal na lumapit sa akin si Jade
"Mabuti naman at narito ka na"
"May problema ba?"
"Hindi ko alam kung problema ba ito. Pinalipat ang workspace mo, Louie, at hindi namin alam kung saan. At pinapatawag ka ng secretary ni sir Nigel"
Nakaramdam ako ng kaba. Ano na naman ba ang ginawa ko para magulo ang pagtatrabaho ko?
"Sige, Jade. Salamat"
"Bilisan mo na! Dumiretso ka na kay Mrs. Eva"
At iyon nga ang ginawa ko. Nakita ko na abala sa pagaayos ng documents si Mrs Eva
"Good morning maam. Uh, pinatawag niyo daw po ako?"
"Nako! Mabuti at narito ka na. Pumasok ka na! Kanina ka pa inaantay ni sir"
"Po?"
"Pumasok ka na! Kanina pa mainit ang ulo niyan ni sir"
At bahagya niya akong itinulak papasok sa isang opisina bago pa ako makapag protesta
Napatikhim naman ako nang nakita si Nigel na nakaupo sa kanyang swivel chair.
Nigel Leviste
CEO and Head Manager"Late for work, Ms. Romero?"
Hindi ako late!
Gusto ko sana syang sagutin pero pinigilan ko ang sarili ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang opisna at tska ko lang napansin na may plastic table and chair sa isang sulok na medyo malapit dito sa pinto. Nakita ko doon ang mga gamit ko.
So this is my new workspace, huh?
"Hindi kita binabayaran para lang tumunganga dito Ms. Romero"
Muling bumalik kay Nigel ang tingin ko. Nakatingin siya ng seryoso sa akin at nakataas pa ang kilay.
Tahimik akong nagtungo sa mesa ko. Maliit lang ang mesa at na okupa na ng computer ang buong mesa.
Inayos ko agad ang mga gamit ko na nasa box. Mabuti na lang at hindi iyon marami kaya sa loob ng box ko na lang din inayos iyon para hindi mahirap hanapin.
Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan ng computer dahil may laptop naman ako. Wala nga akong computer sa dati kong mesa e.
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Ficção Adolescente- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu