Chapter 4

71 5 11
                                    

Ayaw ni Ms. Romero

"Anak, huwag ka na kaya muna pumasok? Baka mabinat ka eh,"

Sinusubukan pa rin akong pigilan ni mom na pumasok.

Nag aalala pa rin si mommy dahil sa nangyari kahapon.

"Mom, okay na po ako. Di ba po, na clear na rin po ako ng doctor? Huwag ka na rin mag alala."

"Fine. Ihahatid na kita. At gusto ko makausap ang mga nam bully sayo. They need to pay for what they-"

Hinawakan ko sa balikat si mom. Frustrated talaga siya sa nangyari sa akin

"Mom, huwag na po. For sure, nabigyan na po ang mga iyon ng detention. Sige na po, male late tayo pareho..."

Bumuntong hininga si mom, her sign of surrender. I smiled at her then gave her my goodbye kiss

"I'm going na po, mom. Bye!"

"Take care, Dale"

Ipinag drive na ako ni kuya Eli. Ayaw muna akong paggamitin ni dad ng kotse ng mag isa, baka daw magka disloacation ako sa katawan kapag pinagod ko agad ang sarili.

Sa main gate ako binaba ng driver. Nakita ko din agad si Arie na naghihintay sa lounge. Though, she texted me already na aantayin niya ako at aalalayan niya daw ako papunta sa klase ko.

"Arie, hindi naman kailangan. Hindi naman ako nalumpo, see, nakakalakad ako ng maayos"

Pina mewangan niya lang ako bago kinuha ang librong hawak ko. Take note, isang libro.

"I can clearly see that, Louie Dale." inis na sabi niya.

I pouted.

She really is annoyed whenever she calls me by my whole name. And she's mad when she calls me with my surname.

It was surely an overwhelming day, wala na ang mga bulong bulungan ng mga estudyante. They are back to their usual business. Its not that I don't like it, naisip ko lang kasi na baka mas lumala iyon dahil sa nangyari kahapon.

"Turn your books on page 803, read Chapter 45. After 45 minutes, submit a 1500 word reflection about the readings."

And during my class, I was at ease. Tahimik na kasi ang paligid. Ayoko kasi ng maingay at magulo na paligid whenever I'm studying.

Kaya si Arie na madaldal ay tumatahimik kapag magkasama kami. To be fair with her, we agreed to go have hang out during weekend where she can be noisy.

Agad kaming naglabasan ng nagbell hudyat na next period na.

History na.

Maingay ang paligid. Kanya kanyang kuwentuhan ang mga students tungkol sa katatapos nilang klase. I don't really have the kind of friend where me and that person will always stick together in my class or bloc, we are all civil towards each other. I offer my help and they also offer help.

I opened my book to scan some topics while the prof isn't around yet. Others did the same while the others took the time to talk to each other.

*tok*tok*

Naisara ko ang libro ko agad at inayos ang pagkakaupo. Natahimik naman ang lahat at natuon ang tingin sa front door ng room

"Ms Louie Dale Romero?"

Napa arko naman ang isang kilay ko.

Ako?

Sino naman ang maghahanap sa akin?

Proofreader's Love (Leviste Series 1)Where stories live. Discover now