Engaged
Agad akong dumiretso sa Fuentes Publishing Corporation, ang company nila Arie. Biglaan kasi siyang nag aya ngayon na mag bar kami, since Friday naman at wala naman akong gagawin ay pumayag ako. Minsan lang naman din iyon.
"Pasensya na po talaga sir De Luna, utos po kasi ni maam Arie na huwag kayong papapasukin."
"Kakausapin ko lang naman sya"
"Pasensya na po talaga pero mahigpit niya pong bilin na huwag kayo papapasukin kung hindi ay ako po ang malalagot"
Nakita ko ang pagpikit ng mata ni Kenji bago ito umalis sa front desk.
"Uh, good evening, pwede kay Ms. Fuentes?" masaya kong tanong sa sekretarya nito para naman maibsan ang stress nito
"Maam Louie! Kayo pala. Pumasok na po kayo, inaantay po kayo ni Ms. Arie"
"Salamat"
Nadatnan ko naman si Arie na abala sa pagbabasa ng kung ano sa isang folder.
Tahimik at dahan dahan akong naupo, lalo akong hindi napansin ni Arie dahil talagang tutok sya sa binabasa. Pinagmasdan naman niya ang kaibigan, stress na stress ito kung titignan pero never niya narinig na nagreklamo ito kahit sa kanya.
"Maam--"
"Sh--"
"Louie!?"
Napasapo naman ako ng noo. Naistorbo ko pa tuloy si Arie
"S-sorry po. Itatanong ko lang sana kung anong inumin o snack ang gusto niyo Ms Louie"
"Juice na lang. Salamat"
"Sige po. Kayo po Ms Arie?"
"Ganoon na lang din"
"Sige po"
Nang nakaalis na si Myca ay tska ko lang binalingan ng tingin si Arie.
"Kamusta?"
"Maayos naman. Sorry, kanina ka pa ba?"
"Hindi naman"
"Patapos naman na ako. Tch, nakakainis kasi eh, late na hinabol itong papers tapos bukas agad kailangan."
"Huwag na kaya tayo tumuloy? Mukhang pagod na pagod ka na Arie"
"No! No! Tutuloy tayo. I need to go somewhere else, ayokong umuwi"
Tinaasan ko sya ng kilay. Mukhang may hindi sinasabi sa akin ang best friend ko.
"Okay. Nga pala,"
"What?"
Tanong nya habang pinagpapatuloy ang kanyang ginagawa.
"Nakita ko si Kenji kanina sa labas, ayaw mo daw sya papasukin. Bakit?"
"W-wala naman. Busy ako. At pa out na din."
"Bakit pala sya nandito? Empleyado mo?"
"No. Uh, bagong- bagong business partner nila mom. N-ngayon ko lang nalaman."
"Mm."
"Huwag na natin iyan pag usapan. Ikaw, kamusta?"
"Maayos naman. As usual, busy."
"Eh ang puso, kamusta?"
Tinawanan ko naman sya.
"Maayos ang puso ko, Arie."
YOU ARE READING
Proofreader's Love (Leviste Series 1)
Fiksi Remaja- Romero & Leviste - Completed: February 2021 Book cover by: yoo_kurisu