"If you're there, answer this phone, Angeli."
Kalalabas lang niya ng banyo at nakatapis pa siya ng tuwalya nang marinig iyon. Si Dirk ang nasa kabilang linya. It had been a week since their last meeting. At ngayon lang ito tumawag. Iniisip na niyang nasaktan niya ito.
Kahit paano'y hindi niya maiwasang malungkot. He had been a part of her life for the last ten months. And she missed him, his companionship. Ang partner niya sa gallery at best friend, si Ansel, ay seryoso. Isa iyon sa dahilan kung bakit paminsan-minsan ay hinahanap niya ang samahan nila ni Dirk. He made her laugh.
At kahapon sa gallery, she had actually intended calling his office but it slipped her mind dahil sa pagdating ng mga customers. Now she was glad he called.
Angeli pressed the talk button on her answering machine and spoke through the speaker phone habang kumukuha ng underthings sa drawer.
"Hello, Dirk. Glad you called..." Binuksan niya ang closet at kumuha roon ng slacks at blusa.
"Angeli, gusto kitang makausap, honey. That is exactly why I called you up," wika nito sa tinig na nagpahinto sa pagsusuot niya ng bra at tinitigan ang speaker phone na tila ba si Dirk mismo iyon.
Seryoso ang tinig nito at tila nagmamadali. So unlike Dirk na lagi na'y masigla at banayad ang tinig, as if he had all the time in the world. He was soft spoken.
"Dirk?"
"Listen, Angel. Nasa kotse ako at patungo na sa opisina. I want to see you. Sa office."
"Today?" kunot-noong sabi niya.
"No. Not today. May kausap akong tao. This afternoon. Please, Angel," pakiusap nito at may nahihimigan siyang hindi niya maipaliwanag sa tinig nito.
"Of course, I'll be there. Sisikapin kong makaalis nang maaga sa gallery mamayang hapon." Nasa Greenhills ang gallery nila ni Ansel at ang opisina ni Dirk ay nasa Alabang. "But couldn't we just meet somewhere? Sa Makati kaya?"
"May kailangan akong tapusin sa opisina, Angeli. I-I'm resigning," wika nito na sa pandinig ni Angeli ay sa ninenerbiyos na tinig. "Besides, importante ang ibibigay ko sa iyo. I would have dropped in your place kung nakita ko. Kahapon ko pa iyon hinahanap. Baka nasa opisina. Ikaw lang ang maaari kong pagbigyan nito. Hihintayin kita."
"Dirk, the ring and—"
"It's not important. Do come, Angeli." At pagkasabi niyo'y ibinaba na nito ang telepono.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAngeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a...