MUKHA ni Hanz ang namulatan ni Angeli nang magkamalay siya. May mga tumutubong balbas sa paligid ng mukha nito at sa tingin niya'y hindi ito natutulog. Nanlalalim ang mga mata. May malay pa siya nang buhatin siya nito mula sa pagkakalugmok sa dalampasigan. She knew she was safe the moment she saw him and gave in to darkness that succumbed her.
"I'm glad you're awake, brave woman," nakangiting sabi ni Hanz at hinawakan siya sa kamay at hinagkan iyon.
"Have I lost a lot of blood?"
Puno ng paninisi sa sarili ang mga matang nakatitig sa kanya. "Nadaplisan ka lang sa balikat, Angeli. Kung nagkatao'y sa kamay ko magbabayad sina Carlos Vergara!"
"Where are they now? Why were they trying to kill me?"
"Nasa custody na ng mga pulis sina Carlos at Gail, Angeli..."
"Si... Carlos, siya ang humabol sa akin nang gabing iyon..."
"Yes. Inamin ni Gail sa mga pulis. Siya rin ang pumatay kay Dirk. Your presence in the office that day was unexpected. Patay na si Dirk nang dumating ka at hindi alam ni Gail ang gagawin. Ni hindi niya magawang bigyan ng warning si Carlos. So she proceeded to go on with the plan and left the building."
"Hindi ko... naiintindihan. Bakit nila pinatay si Dirk?"
Huminga nang malalim si Hanz at muling ginagap ang kamay niya. "Isa sa mga pagpunta ni Dirk sa San Nicolas ay hindi sinasadyang nakunan niya ng mga larawan ang smuggled drugs mula sa ibang bansa sa private beach ni Mr. Vergara. Kasama sa larawan ay mismong si George Vergara..."
"Pero matagal nang nagpunta sa San Nicolas si Dirk! Iyon pa iyong kasal ng dating kahera, Hanz!"
"Yes. Pero hindi marahil nakuhang ipa-develop kaagad ni Dirk ang mga films. He got so busy perhaps o kung ano man ang dahilan niya. Tatlong linggo bago siya namatay, Dirk cleared his desk and saw the film. Doon lang nito naisip na ipa-develop iyon. Si Gail ang inutusan niyang kumuha niyon sa developing store. At dahil alam ni Gail na larawan iyon ng kasal ay natural na binuksan at tiningnan. Palihim na kumuha ng isang larawan na naroroon si Carlos..."
"Ipinakita niya kay Carlos!"
"Yes. Isa sa mga larawang may mga transaksiyon at naroon din si Mr. Vergara. Subalit naitago na ni Dirk ang mga negatives. Marahil ay namangha at natakot din ito sa mga nakunan niya."
"At iniisip nilang nasa akin ang mga negatives. Na ibinigay ni Dirk..."Kumunot ang noo ni Hanz doon. "You don't have it?"
"Walang ibinibigay sa akin si Dirk na negatives, Hanz. In fact, ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito." Bumahid ang matinding lungkot sa tinig niya. "Naputol ang buhay ni Dirk nang dahil lang sa hindi sinasadyang pangyayari."
"Direkta man o hindi, drugs ang pumatay kay Dirk, Angeli," wika nito sa matigas na mukha't tinig.
Kunot ang noong napatingala si Angeli rito. "Hanz..."
Tumiim ang mga bagang ni Hanz. May kung ilang sandaling humugot ito ng buntong-hininga upang kontrolin ang galit. Pagkuwa'y, "Drugs din ang kumitil sa buhay ni... Alicia. She was my sister."
Isang nakakaunawang tango ang ginawa ni Angeli.
"Inosente at walang malay na mga kabataan ang nabibiktima ng drugs. Nang malaman namin ng mama ang tungkol sa pagkalulong niya sa drugs ay huli na. Isang araw bago siya dalhin sa rehabilitation center ay nagpakamatay si Alicia..."
Hindi mapapawi ng "I'm sorry" ang anumang sakit na idinulot ng kamatayan ng kapatid ni Hanz. Inabot niya ang kamay nito at pinisil iyon.
"I blamed myself for her death," patuloy ni Hanz, magkahalo ang galit, lungkot at paninisi sa sarili ang nasa anyo. "I wasn't there when she needed me. Nasa ibang bansa ako nang mga panahong iyon. May mga ilang sintomas na maaaring pagkakakilanlan subalit hindi iyon pinaghihinalaan ng mama ko maliban sa malimit niyang paghingi ng pera at ang pagkaubos ng sarili niyang pera sa bangko nitong huli. At doon lang naisip ng mama na tawagan ako. And it took me a week bago umuwi ng Pilipinas. Had I came sooner..."
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAngeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a...