19

13.4K 445 19
                                    

KUMUNOT ang noo ni Hanz sa takot na nasa tinig ni Angeli.

"It's all right, Angeli..." wika niya. Sinisikap niyang aninagin ito sa kadiliman. Kasabay ng paghakbang niya upang lapitan ang kinauupuan ng dalaga ay ang pagtili ni Angeli. "Angeli!"

"Angie?" Si Gail.

"Ano ang nangyari?" Si Carlos.

"Luke, do you have a match?" galit niyang tanong at marahas na sinipa ang mahabang wicker chair upang lapitan ito. Narinig niya ang pag-ungol nito at ang muling pagtawag sa pangalan niya.

Sandali lang at bahagyang nagliwanag ang paligid mula sa lighter na sinindihan ni Luke.

"She fell, Hanz," wika nito at mabilis na tumalon mula sa barandilya patungo sa ibaba upang tulungan ang dalaga.

"Stay away from me!" takot na hiyaw ni Angeli nang tangkain siyang hawakan ni Luke, wincing in pain at the same time. "Don't let him touch me, Hanz!"

Luke seemed to have turned into stone at the fear and hatred in her eyes. Si Hanz na sa barandilya rin dumaan sa pagbaba'y agad yumuko.

"Oh, God, Angeli," wika niya. Hindi malaman kung ano ang hahawakan sa dalaga. She could have a broken bone... o baka napasama ang pagkakabagsak nito. "Aling bahagi ng katawan mo ang masakit?" he asked worriedly.

Hindi kataasan ang balkon patungo sa lupa. Subalit kung magmumula sa barandilya ay doble ang taas niyon. At may ilang malalaking bato sa lupa na iniharang sa halaman.

Angeli clutched at his shirtfront in trembling hands. "T-take me upstairs, Hanz, please..." wika nito sa naghihisteryang tinig.

Si Gail ay patakbong bumaba. "Angie, ano ang nangyari? Paano ka nahulog?"

"Dadalhin ko siya sa silid niya, Gail. Sumunod ka," wika niya at pinangko na ang dalaga at ipinanhik sa itaas.

"HANZ, I'm pushed!" naghihisteryang sabi niya.

"Kung may nagtulak sa iyo'y tiyak na nasaktan ka nang husto, Angie," sabi ni Gail, a worried frown on her eyes.

"Dahil nakahawak ako sa barandilya at naalalayan niyon ang pagbagsak ko!"

"Sshh..." sabi ni Hanz. Hinawi mula sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok na nakasabog sa noo niya. "You're tired and you're hungry, Angeli. Magpapapanhik ako ng pagkain kay Manang Tere." Tumayo ito at humakbang patungo sa pinto at lumabas.

"Bababa ako sandali, Angie," sabi ni Gail. "Sasabihin ko lang kay Carlos na bukas na kami magkita. Papanhik ako uli rito."

"It's all right, Gail," she said in a resigned voice. "Gusto ko nang magpahinga. Paki-lock ang pinto paglabas mo. Pakisabi kay Hanz na ipagpapaliban ko ang pagkain."

"But—"

"Please, Gail... and thank you."

"HANZ, sandali."

Nasa gitna na ng hagdan si Hanz nang abutan siya ni Gail.

"Ikinalulungkot ko kung parang nagiging abala si Angeli, Hanz," wika nito na sinabayan ng buntong-hininga at naupo sa baitang. "May sakit siya. Kalalabas lang niya ng ospital, hindi pa natatagalan."

"Nasabi niyang naaksidente siya."

Tumango si Gail. "Sinabi ba niya sa iyo kung ano ang dahilan ng aksidente niya?"

"No, she didn't. Paano siya naaksidente?"

"Napasukan niyang patay ang boyfriend niya sa opisina nito sa araw ng usapan nilang magkikita. Nagpakamatay si Dirk dahil natuklasan ng opisina ang ginawa nitong pagdispalko sa salapi ng kompanya. Subalit hindi naniniwala si Angeli na nagpakamatay si Dirk.

"Ipinagpipilitan din niyang inatake siya ng pinagbibintangan niyang pumatay kay Dirk. Nagtatakbo siya palabas ng building. Sumakay sa kotse niya patungong South Superhighway dahil hinahabol daw siya ng killer ni Dirk."

"Gusto mong sabihing wala namang humabol sa kanya?" Hanz asked with a frown.

Tumingala si Gail sa kanya. "Dalawang beses sa buhay niya'y dalawang mahalagang tao ang napasukan niyang patay sa isang madilim na silid, Hanz. Ang una'y ang daddy niya. Sakit sa puso ang ikinamatay nito. Kararating lang nila ng mommy niya galing sa supermarket. Una siyang pumanhik sa silid ng daddy niya para ipakita ang bago niyang camera. Nasa first year high school kami nang mangyari iyon..."

"She's afraid of the dark..." wala sa loob na sabi ni Hanz.

"Yes. At ang inaangkin niyang killer na humahabol sa kanya'y sakay ng kotseng itim."

Hindi kumibo si Hanz. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang takot ni Angeli kahapon nang makita ang kotse nila ni Luke sa harap ng guest house. At iyon din ang dahilan kung bakit natatakot ito sa kanilang dalawa ni Luke.Minabuti niyang huwag nang isatinig iyon.

"Lagi niyang iniisip na may gustong pumatay sa kanya, Hanz. Siguro'y dala na rin iyon ng guilt. Iniisip niyang ang rejection niya sa proposal ni Dirk na magpakasal sila'y ang siyang dahilan kung bakit nagpakamatay ito. Hindi nga niya gustong maniwalang nakadispalko ng salapi si Dirk sa kompanya."

"Kung hindi siya naniniwalang nakadispalko ng pera ang boyfriend niya, paanong naniniwala ka roon?"

"Si Dirk ang immediate boss ko, Hanz. Pareho kaming sa Vergara Trading nagtatrabaho."

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Gail broke the silence.

"Kung mapapapayag ko siya'y iuuwi ko na siya bukas." Tumayo ito sa pagkakaupo sa hagdan. 

"Pauuwiin ko na muna si Carlos. At siyanga pala, nagbilin si Angeli na matutulog na siya at hindi na kakain."

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon