26

15K 483 4
                                    

Nasa baybayin na si Angeli nang marinig niya ang tinig ni Carlos sa balkonahe.

"Narito ang kotse niya. Wala siyang ibang patutunguhan kundi ang dagat! Bilisan mo! Tiyak na hindi pa iyon nakakalayo!"

Halos mapugto ang hininga niya sa pagtulak sa Jet Ski patungo sa tubig. Bahagya nang ipinagpasalamat na hindi iyon pinagkaabalahang iahon ni Hanz kanina kundi itinali na lang ang lubid sa may malaking bato upang huwag iyong anurin palayo ng alon.

Please... please... usal niya habang inuubos ang lahat ng lakas sa pagpapausad ng Jet Ski sa malalim-lalim na bahagi ng tubig, gasino na niyang natinag iyon.

Madilim at hindi niya nakikita ang mga humahabol sa kanya subalit ang flashlight na dala ng mga ito ang nagtutukoy sa kanya na nasa malapit na ang mga ito.

Wala siyang panahong itulak palalim ang Jet Ski. Tinanggal niya ang lubid sa pagkakasabit dito at sumampa. Pinaandar ang makina niyon kasabay ng tutok ng flashlight sa lugar niya.

"Hayun siya!"

Kasabay ng pagpugak ng makina at pagtalon ng Jet Ski sa tubig ay ang pagputok ng baril. If she was hit or not, she had no idea. Sapat nang napaandar niya ang sasakyan. At bagaman wala siyang direksiyong patutunguhan ay nakadama na siya ng bahagyang kasiyahan dahil nakalayo siya sa baybayin.

But her joy was shortlived. Bukod sa ilaw na tumatama sa tubig at sa kanya ay unti-unting humihinto ang Jet Ski.

No! Oh, please!

Tuluyan iyong huminto. Hanggang dibdib na ni Angeli marahil ang tubig at kung tatalon siya'y makalalangoy siya subalit nang tangkain niyang gawin iyon ay isang putok ang tumama sa balikat niya.

Napaungol siya sa sakit at napasubsob sa manibela niyon. Tumama sa mukha niya ang flashlight.

"Ang susunod na bala'y sa katawan mo tatama, Angeli!" sigaw ni Carlos mula sa dalampasigan.

"Huwag ka nang magtangkang tumakas, Angie!" sigaw-pakiusap ni Gail. "Hindi ka sasaktan ni Carlos kung sasabihin mo kung nasaan ang mga negatives na ipinadala sa iyo ni Dirk!"

But only a fool would believe that, Angeli thought. At ni hindi niya naiintindihan kung anong negatives ang hinihingi ni Gail. And whatever it was, she wouldn't just stay there waiting to be murdered. Tulad ng ginawa nila kay Dirk.

Mabilis ang ginawa niyang pagpadausdos at bumagsak siya sa tubig. Narinig pa niya ang pagmumura at pagputok ng baril ni Carlos.

Sa kabila ng sugat sa balikat ay pinagpilitang sumisid ni Angeli.

"Huwag kang tumanga!" singhal ni Carlos kay Gail. "Lumusong ka sa tubig!"

"H-hindi ako marunong lumangoy, Carlos!"

"Put...!" mura nito. "Ituon mo ang flashlight sa tubig, bilisan mo! Kapag nahuli ko ang kaibigan mo'y kamay ko mismo ang tatapos sa kanya. Pinahirapan ako nang husto ng babaeng iyan!"

Lumitaw sa tubig si Angeli upang lumanghap ng hangin. Ipinagpapasalamat ang kadiliman. 

Nakikita niya ang mga ito. Si Gail ay nasa baybayin at kung saan-saan itinutuon ang hawak na flashlight. Si Carlos ay hindi niya naaaninag. And she was so afraid that he went underwater.

And she couldn't go farther. Nanghihina na siya. Kung sa pagod o kung marami nang dugong nawawala sa kanya'y hindi niya alam. She tried to tread on water only to silently scream in pain.Cramps. Nag-cramps ang mga binti niya sa lamig ng tubig.

Subalit sinikap niyang sumisid pailalim sa kabila ng sakit. Kailangang makabalik siya sa baybayin sa kabilang bahagi.

Kailangan.

"C-CARLOS..." Si Gail sa nanginginig na tinig. "Carlos... nasaan ka?" she said in panic and despair. Ang flashlight ay ibinaba na tila nauubusan ng lakas.

Sa gitna ng tubig ay lumitaw si Carlos upang humigop ng hangin. "Gail! Itapat mo ang ilaw sa—"

"You are under arrest, Carlos Vergara!" ang tinig mula sa microphone na nasa speedboat. "At huwag mong susubuking manlaban kung hindi mo gustong mamatay!"

Itinakip ni Carlos sa mga mata ang dalawang kamay. Tatlong lantsa ang nakapaligid sa kanya at ang lahat ng ilaw ng mga ito'y nakatuon sa kanya. Pagkuwa'y itinaas ang mga kamay bilang pagsuko.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon