Wala pang alas-siete kinaumagahan ay bumaba na sa dining room si Angeli. Sa waluhang mesa ay naroon si Manang Tere na naghahain ng almusal sa isang lalaki. Kahit nakaupo'y nakikita niyang mataas ito, even taller than Hanz.
Nag-angat ito ng mukha nang pumasok siya. Ni hindi ito ngumiti at tinitigan lang siya. Kasing-edad marahil ito ni Hanz... probably a year older. And dear Lord, a good-looking man sa kabila ng hindi ito nag-aahit ng stubble.
He was staring at her under the rim of his coffee mug. At ang tinging ipinukol nito sa kanya'y parang gustong magpatayo ng balahibo niya.
"Angeli, hija, gising ka na pala. Halika't maupo ka. Hindi ka naghapunan kagabi. Kayo talagang mga kabataan, oo."
"Good morning," bati niya kay Manang Tere. Hinila niya ang silya sa lugar na pinakamalayo sa lalaki. Ito ba ang may-ari ng isa pang itim na Honda?
"Siyanga pala, Angeli, ito si Luke, nauna ka lang ng isang oras sa kanya," pakilala nito habang sinasalinan ng kape ang tasa niya. "Tulad mo'y magbabakasyon din siya rito. Luke, siya si Angeli. Tinanong mo siya kahapon, 'di ba?"
Napasinghap si Angeli. Tinanong siya nito kahapon kay Manang Tere?!
Subalit bago pa may mabuong komento alinman sa kanilang dalawa'y pumasok si Hanz. Gusto niyang magtaka sa biglang paglukso ng puso niya nang malingunan ito. He wore a grey jogging pants, with blue stripes on both sides and turtlenecked windbreaker.
"Good morning," he greeted to no one in particular. Pagkuwa'y hinila ang silya sa tabi niya at naupo at humingi ng tasa kay Manang Tere. "Slept well?" he whispered in her ear. His clean and fresh breath wanned on her cheek.
Tipid na ngiti ang isinagot niya at bahagyang tumango. "Been jogging?"
"Yup. Kumusta ang binti mo?"
"I brought a pharmacy with me, nilagyan ko na ng Betadine kagabi." Hanz's cologne assaulted her senses subalit hindi niya maiwasang sulyapan ang lalaki sa kabila. Nahuli niyang nakatitig ito sa kanya, agad siyang umiwas ng tingin.
"Good," sabi ni Hanz. "Ano'ng plano mo sa araw na ito?"
"Gusto kong magtungo sa general store, tatawagan ko ang mommy ko at ipapaalam ko kung saang bayan ako naroroon," nakangiting sabi niya, pagkuwa'y agad ding naglaho nang makitang titig na titig si Hanz sa kanya.
"May... tumubo bang sungay sa ulo ko?"
"You smiled," he said softly. "At para kang sunflower, umaliwalas ang buong paligid sa pamumukadkad."
She gasped at the unexpected compliment. And was saved gracefully from giving any comment sa biglang pagtayo ni Luke na dumarag ang silya sa sahig. Natuon dito ang pansin niya. And she was right, he was tall, way over six feet.
Both him and Hanz had a well-built frame. But she liked Hanz' built better. Then groaned silently at her own thought. Bakit niya pinagkukumpara ang dalawang estranghero at nagbigay pa siya ng preference?
For all she knew, isa sa dalawa ang kriminal. Subalit kung tangka siyang gawan ng masama ni Hanz, napakadali nitong nagawa kagabi iyon. Ni hindi niya namalayang nakapasok ito sa silid niya.
Perhaps she was wrong. Hindi ang uri ni Hanz ang mamamatay-tao. Bukod pa sa ano ba naman ang magiging motibo nitong patayin si Dirk? Ang pagtungo nito sa Maynila six weeks ago at ang pagkakaroon ng itim na Honda Civic ay pagkakataon lang lahat.
And yet Angeli couldn't afford to trust anyone. Lalo at alam niyang sinusundan siya ng itim na Honda kahapon.
"Leave your car behind, I'll drive you to the general store."
"Manang Tere, maglalakad-lakad na muna ako sa baybayin," wika ni Luke sa matandang babae, giving her a quick glance that she shivered a little.
"Ano ang gusto mong tanghalian, Luke?" pahabol ni Manang Tere. Kahit na ano. Iyon ang isinagot ng lalaki at tuluyang lumabas patungo sa sala. "Ikaw, Angeli, ano ang gusto mong tanghalian?"
Bahagya pa siyang napapitlag, hindi niya napunang nakatitig pa rin siya kay Luke. "D-dati na ba siyang nagbabakasyon dito?" tanong niya kay Manang Tere.
"Ngayon lang. At nakapagtatakang itong panahong ito'y hindi naman araw ng bakasyon pero heto at dalawa agad kayong guest sa bahay na ito," sagot nito at inimis ang pinagkainan ni Luke.
At bago ito pumasok sa kusina'y idinagdag, "At huwag mo siyang intindihin, Angeli. Medyo istrikto lang ang tingin ko sa lalaking iyon."
Dapat ba niyang bigyan ng kahulugan ang sinabi ni ManangTere na ipinagtataka nitong dalawa agad silang guest gayong hindi naman panahon ng bakasyon?
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAngeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a...