20

13.4K 447 13
                                    

NANG gabing iyon ay muling sinalakay ng masamang panaginip si Angeli, subalit bago siya makagawa ng ingay ay agad siyang nagising at napabalikwas.

Sa nanginginig na tuhod ay tumayo siya at nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Pagkatapos ay bumalik sa kama at naupo sa gilid niyon. Sinulyapan ang wristwatch na nasa night table, ala-una y medya ng madaling-araw.

Ikinulong niya ang mukha sa mga palad. Kailan siya patatahimikin ng pagkamatay ni Dirk? Gabi-gabi ba'y parati na lang siyang ganito?

May ilang sandaling nanatili si Angeli sa ganoong ayos bago tumayo at maingat na binuksan ang French door. Lumabas siya sa balkonahe. Sinalubong siya ng malamig na hangin. She shivered and crossed her arms. May buwan sa langit at ang liwanag nito'y bahagyang tumanglaw sa kadiliman.

Nilingon niya ang bahagi ng balkonahe ni Hanz. Marahil ay tulog na ito.

Nanungaw siya at tinanaw ang dagat. Mula sa kinatatayuan niya'y naririnig niya ang banayad na paghampas ng alon sa dalampasigan. She could feel the salty water on her face.

She loved this place. Subalit mahigit nang isang buwan mula nang mailibing si Dirk ay nanatili siyang binabagabag ng pagkamatay nito.

Wala sa loob na napatingin sa ibaba ng balkonahe si Angeli at napasinghap siya nang mapuna ang isang anino sa ibaba. Maingat siyang umatras at sinikap na huwag gumawa ng ingay at sumandal sa pader subalit ang mga mata'y nanatiling nakasunod sa anino. Kumikislap ang liwanag ng sigarilyo sa dilim.

Sino ang gising pa sa oras na ito at naglalakad sa ibaba?

Nang tumingala ito'y halos idikit niya ang katawan sa pader. Sa pagtingala nito'y bahagya itong nasinagan ng liwanag ng buwan.

Si Luke. At ang silid niya ang tinitingnan nito.

Agad ang pagtambol ng kaba sa dibdib ni Angeli. Hindi siya makababalik sa silid niya nang hindi siya makikita nito. Ang tanging tumatakip sa kanya'y ang pader na mismo ng bahay at dahil nakatunghay roon ang anino ng malaking puno'y madilim sa bahaging iyon.

Mayamaya'y nakita niya itong lumakad pabalik sa pinanggalingan. Marahil ay papasok na sa bahay. Sinamantala niya iyon at bumalik sa silid niya. Isinara niya ang French door and secured its lock. Pumasok siya sa banyo at binuksan ang ilaw doon at ang pinto sa bahagi ni Hanz.

Ang ilaw sa loob ng banyo ang tumanglaw sa madilim na silid nito. "Hanz..."

Subalit bakante ang higaan nito. At sa ayos ay hindi pa natutulugan.

Nasaan si Hanz sa ganitong oras?

Paano kung ngayon piliin ni Luke na panhikin siya sa silid niya? lnisip niyang lumabas at magtungo sa kabilang bahagi ng bahay, sa silid ni Gail. Pero paano kung makasalubong niya si Luke?

Oh, Hanz, nasaan ka?

She almost screamed nang bumukas ang pinto ng silid ni Hanz.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon