Sa pagkagulat ni Hanz ay marahas na nagpumiglas si Angeli nang nasa harap na sila ng guest house. Napilitan itong ibaba siya. And yet kung hindi pa rin ito nakahawak sa braso niya'y malamang na bumagsak siya sa lupa sa panginginig ng mga tuhod niya.
Ang nakaparada sa harap ng cottage at napapagitnaan ang kotse niya ay dalawang black Honda Civic, pareho ng modelo, V-Tec.
"K-kanino ang mga kotseng iyan?"
"Nang dumating ako'y wala ang nasa kanan mo. Kararating lang marahil. Akin ang nasa kaliwa mo. Mas modelo ng dalawang taon kaysa sa kanan. Just look at the gold emblem." He said the last two sentences with intended humor.
Gold emblem. May gold emblem ba ang kotseng humabol sa kanya? Kanina sa daan, may gold emblem din ba ang kotseng itim?
Ano na ba ang nangyayari sa akin? she thought with despair and swayed a little dahil nanlalambot ang mga tuhod niya.
"Hey, are you all right? Namumutla ka," he said with concern, hinawakan siya nito sa braso.Marahas niya iyong tinabig. Umahon ang galit at takot sa dibdib. Sa nagmamadali at paikang mga hakbang ay tinungo niya ang guest house. Alam niyang sinusundan siya nito ng tingin. Hindi na siya nakatitiyak kung kaaway ito o hindi.
But he could have drowned her if he had any intention of killing her, she thought with distress.
WALANG tao sa pinaka-reception ng guest house. Tuloy-tuloy si Angeli sa itaas. Glad of the banister, nakatulong iyon upang hindi siya mahirapang pumanhik. Sa silid niya'y naupo siya sandali sa gilid ng kama. Kinalma ang sarili.
Sana'y nagpirmi na lang siya sa bahay, sana'y nakinig na lang siya sa mommy niya.
Kung aalis siya, kung alin man sa driver ng dalawang kotseng iyon ang gustong pumatay sa kanya, tiyak na hahabulin din siya.
O baka naman wala kahit sino sa dalawang may-ari ng kotse ang nagtatangka ng masama sa kanya. Nagkataong parehong itim ang kotseng pag-aari ng dalawang tao.
Some vacation.
Angeli sighed heavily. Tumayo at pagkatapos ay pumasok sa loob ng banyo. Hinubad ang basang suot at tinimpla ang shower, umaasang may mainit na tubig. Hindi niya iyon naitanong kanina. Kasabay ng pagbulwak ng tubig mula sa shower ay ang pagbukas din ng pinto sa kabilang silid.
Ang tiling gustong lumabas sa bibig niya'y napigil as she came face to face with Hanz. Ito ma'y nagulat din. For a long moment, his eyes locked on hers.
"Lock this side of the door next time," he reprimanded gently at saka lumabas at isinarang muli ang pinto.
Para siyang estatwang nakatayo sa ilalim ng tumutulong shower nang may ilang sandali. She couldn't easily erase from her mind his intent gaze on her after he had given her body a quick glance.
Kung ninais nitong manatiling nakatitig sa hubad niyang katawan ay wala siyang magagawa. Madali nitong sabihing kasalanan niya dahil hindi niya isinara ang pinto ng banyo sa bahagi nito, na siya namang dapat.
Ganoon ma'y gusto pa rin niyang matunaw sa kahihiyan. At paano ba namang nawala sa isip niyang magkasosyo sila ng banyo?
Paano niya magagawang humarap dito sa susunod na mga araw?
And no, she had no intention of moving to another room. Nasa pasilyo ang banyo ng ibang silid.
Pagka-shower ay bumaba si Angeli at humingi ng kape kay Manang Tere at ipinanhik sa silid. Nagbilin siyang hindi siya maghahapunan at mas gugustuhing magpahinga. Maliban sa talagang pagod siya'y hindi rin niya gugustuhing makatagpo sa hapunan si Hanz.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAngeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a...