8

14.8K 468 6
                                    


"NATITIYAK mo bang ang silid na ito ang gusto mo, Angeli?" tanong ni Manang Tere nang ang silid sa likod ng bahay ang pinili niya. Bukod sa hindi iyon air-conditioned ay mas maliit iyon kompara sa ibang silid at pang-isahan lang ang kama.

"Wala hong anuman kung hindi man air-conditioned ang silid, Manang Tere," wika niya. "Natitiyak kong hindi naman mainit dito. Isa pa'y ang silid lang na ito ang may balkonahe at nakatanaw sa dagat."

"Kunsabagay ay iyon din ang dahilan kung bakit mas gusto ni Hanz na gamitin ang katabing silid. Sa anim na silid sa bahay, ang dalawang ito lang ang maliliit. Dati itong master bedroom at hinati sa gitna. Bukod-tanging ang silid na ito ang may banyo sa pagitan. Iyon ang isa pang kainaman sa silid na ito, hija. May sarili itong banyo bagaman kahati mo ang nasa kabilang silid."

"Ang iba ho bang mga silid ay walang sariling toilet and bath?" usisa niya. Binuksan ang banyo at sinuri. Katamtamang laki. May shower. May natutuklap nang tiles dahil sa kalumaan subalit malinis. Kahit ang puting toilet bowl ay wala siyang makita kahit bakas ng kalawang. Iyon ang pinakaimportante sa lahat.

"May dalawang banyo sa magkabilang dulo ng pasilyo. Ganoon ma'y may isa pang banyo sa ibaba na maaaring gamitin ng mga customers." Humakbang ang matandang babae patungo sa pinto. "Mamaya'y aayusin ko ang mga kubrekama at kumot mo. Gusto mo bang ipapanhik kay Manong Elmo mo ang mga gamit mo?"

Ibinigay niya ang susi ng kotse sa matandang babae. "Iyon lang pong nasa loob ng compartment."

Nang makalabas ang matanda'y lumabas sa balkonahe si Angeli. Napuna niyang kasosyo rin niya sa balkonahe ang nasa kabilang silid. Hanz. Iyon ang narinig niyang pangalan na sinabi ni Manang Tere. Unusual name. Lalaki ba o babae ang katabi niya?

It didn't matter. Ang mga pinto ay may mga kandado. Isa pa'y sa tono ni Manang Tere ay kilala na nito ang nasa kabilang silid. Mga dating customer, ayon dito.

Idinako niya ang tingin sa karagatan. Natatanaw niya ang ilang bangka na marahil ay mangingisda. Maganda at tahimik ang buong kapaligiran, as if the place seemed to be saying that things would always work out for the best.

Sana'y makalimutan niya ang guilt at sindak na nararamdaman sa pagkamatay ni Dirk. Na sana'y mapaghilom ng lugar ang lahat ng masasamang bangungot na nangyari sa nakalipas na buwan.

Umangat ang mga mata ni Angeli sa kanluran. Malapit nang lumubog ang araw. Nang tanawin niya ang karagatan ay nagsisimula na iyong latagan ng kulay-kahel.Excitedly, she went out of her room. Nakalimutan ang pagod na naramdaman sa mahabang biyahe. Tuloy-tuloy siyang bumaba palabas ng bahay. Nasalubong niya sa may pinto ang isang matandang lalaking bitbit ang maleta niya.

"Maligayang pagdating sa Blue Lady, ineng," bati nito.

"Kayo marahil si Manong Elmo," nakangiting bati niya. "Pakilagay na lang po sa itaas ang mga iyan, at salamat ho." Nagmamadaling tinungo niya ang kotse at binuksan ang likurang pinto at kinuha roon ang mga gamit niya sa photography.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon