15

13.8K 464 18
                                    


Hindi sila nagtagal sa general store at agad ding bumalik sa guest house sa pagtataka ni Angeli. Sa mga ikinikilos ni Hanz sa kanya'y hindi na niya pagtatakhan kung yayayain siya nitong mamasyal sila sa ilang lugar sa Amparo o sa katabing bayan, ang San Nicolas. But Hanz drove her back to the guest house immediately. She was disappointed and relieved at the same time.

"Go up to your room and changed something more comfortable," utos nito nang makalabas sila ng kotse.

Nagtatakang nilingon niya ito.

He grinned. "Ipapasyal kita sa dagat at sa kalapit-isla. Sa bangka na rin tayo manananghalian. 

Magpapahanda ako ng pagkain kay Manang Tere."

Hindi agad siya makasagot. Did she dare trust this man? Lalo sa isang lugar na wala siyang makikitang tao? Suddenly, she was wary. Bahagya pa siyang napapitlag nang tumaas ang kamay ni Hanz sa noo niya at banayad na hinawi ang kunot ng noo niya roon.

"It only takes fourteen muscles to smile and seventy-two when you frown."

"I-I can't, Hanz. Sa ibang pagkakataon—"

Ang daliri nito'y lumipat sa mga labi niya, pinigil ang anumang sasabihin niya. And for the life of her, hindi niya magawang alisin iyon. In fact, the gesture was so erotic and she had this urge to give his finger a gentle bite.

"Don't be afraid of me, Angeli." At sa pabirong paraan ay idinagdag, "I'm so harmless. I won't even scream if you intend to have your ways with me."

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Sa kung ano mang dahilan ay nagtitiwala siya sa lalaking ito na kahapon lang niya nakilala.

Angeli saw his head bent a fraction. And she knew he would kiss her. At hindi niya alam ang gagawin kung hahagkan siya nito. But for some reason, humakbang paatras si Hanz.

"If you have a swimsuit, bring it," wika nito at tumalikod na at lumakad patungo sa guest house.

The disappointment she felt surprised her. She sighed. Hindi sinasadyang tumingala siya at nahuli pa niya ang pag-alis ni Luke mula sa bintana.

Kanina pa ba ito roon? Pinagmamasdan ba sila nito?

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon