"MAS LALONG kailangan na nating umuwi, Angie," sabi ni Gail nang sabihin niyang nakatanaw sa silid niya si Luke kaninang madaling-araw.
"But I promised Hanz to stay a few more days, Gail." Nilagyan niya ng creamer ang kape.
Napailing si Gail. "Kung nagkakagustuhan kayong dalawa ni Hanz—na natitiyak kong ganoon nga—nariyan lang ang Maynila, Angie. Madadalaw ka niya anumang oras. Mas mapanganib para sa iyong naririto ka. Ni walang kapitbahay ang lugar na ito. At anong klaseng bakasyon ito kung hindi ka man lang makapamamasyal?"
"Hindi naman siguro makasasama kung mananatili ako ng dalawa o tatlong araw pa, 'di ba?"
"Huwag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan," sabi ni Gail nang mapunang hindi niya balak tapusin ang bakasyon. "Ano ang plano mo ngayon? Gusto mo bang mamasyal tayo sa bayan o sa ibang beach kaya?"
Bago pa makasagot si Angeli ay bumungad sa pinto ng dining room si Hanz. Tulad ng nakaraang umaga, naka-jogging pants at sweatshirt ito.
"'Morning, ladies," bati nito, nakangiti.
"Hello, Hanz," nakangiti ring sagot ni Gail. "Ang daya mo. Hindi mo man lang kami hinintay magising ni Angeli. Di sana'y nakasama kaming mag-jogging sa iyo."
"Namamanaag pa lang ang araw sa silangan kung magsimula akong tumakbo, Gail. And I didn't have the heart to wake you both. Anyway, gusto ba ninyong mag-jet ski? Tuturuan ko kayo..."
"Pero balak naming magpunta ni Angeli sa—"
"Kahapon ko pa gustong mag-jet ski, Gail," putol niya sa sinasabi ng kaibigan. "Surely, you wouldn't miss the opportunity?"
Nagkibit ng mga balikat si Gail. "Kunsabagay.Ngayon lang din ako makakasakay sa jet ski. Sa sine ko lang nakikita iyan."
Isang tawa ang pinakawalan ni Hanz.
TINURUAN ni Hanz na matutong magmaneho ng jet Ski ang dalawang dalaga. Subalit minsan lang sumakay si Gail at minabuting maupo sa baybayin habang pareho nilang pinanonood ni Hanz si Angeli.
"Your friend's a fast learner," buong paghangang sabi ni Hanz, ang mga mata'y nakatuon kay Angeli.
"Hindi naman kataka-taka. Wala naman yatang kaibahan sa pagda-drive ng scooter ang jet-skiing. At noong high school kami'y gumagamit na ng scooter si Angie."
Naupo si Hanz sa tabi ni Gail. "You've been friends since high school." It was more of a statement than a question.
Nagkibit si Gail. Sinundan ng tingin si Angeli na kumaway. "Pero magkaiba ang katayuan namin sa buhay. Anak-mayaman si Angie at mahirap lang kami."
Tinitigan niya ang Gucci wristwatch nito, ganoon din ang may pangalan at mamahaling sneakers. "But you're doing well now, Gail. Isa pa'y hindi naging hadlang sa pagkakaibigan ninyo ang katayuan ninyo sa buhay, 'di ba?"
Tumango ito at itinuon ang mga mata sa dagat, kay Angeli. "Mabait si Angie, Hanz. Kaya nga nag-aalala ako sa kanya. Hindi na siya katulad ng dati magmula nang magpakamatay si Dirk. In fact, hindi ko lang sinasabi sa kanya, pero gusto ng mommy niyang patingnan siya sa psychiatrist."
Tumango-tango siya. "Psychiatrist's not a bad idea. Makakatulong iyon sa trauma na maaaring danasin ng isang tao. But I don't think your friend needs it, Gail. She's a strong woman... a brave one for that matter."
Nagbuntong-hininga si Gail. Tumayo at pinagpag ang buhangin sa shorts nito. "Iyon din ang sabi ko sa mommy niya. Kaya nga napapayag itong pagbakasyunin si Angeli. Pero nag-aalala ako sa nangyari kagabi, Hanz. Sinasabi niya kahit kaninang umaga sa akin na sadya siyang itinulak ni Luke."
"But perhaps she was pushed."
Nanlaki ang mga mata ni Gail doon. "Hanz! Huwag mong sabihing naniniwala ka sa sinasabi ni Angeli?"
Tumawa si Hanz. Tumayo na rin. Sinalubong ang paparating na Jet Ski. "Talaga bang ayaw mong sumakay uli?"
"Kayo na lang. Ang mabuti pa'y bumalik na ako sa guest house," wika nito at tumawa. "Three's a crowd. Kanina ko pa napupuna. Masyado ka lang gentleman, sinasamahan mo akong maupo rito."
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAngeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a...