11

14.4K 535 6
                                    


MARAMING buwan ng pagsasanay ang nagpangyari upang kahit bahagyang kaluskos ay nagigising siya kaagad. At hindi niya malaman kung bakit siya nagising. Inabot niya ang relo na nasa side table. Ang luminous hands nito'y nagsasabing alas-dos ng madaling-araw.

Muling ibinalik ni Hanz sa night table ang relo at sinikap na bumalik sa pagtulog. Sa halip ay mukha ni Angeli ang gumuhit sa balintataw niya. Sa sandaling pagkakatitig niya rito kanina'y nakaukit na sa memorya niya ang mukha't katawan nito. Slim but she had shapes at the right places. Small and firm breasts. Great legs, and he imagined them curled around his hips as he made love to her.

Damn her, but she had turned him on. Kahit kanina sa dagat, technically, kahapon na iyon. And his arousal surprised him. Karaniwan na'y kaya niyang kontrolin ang sarili sa ganoong bagay. He wasn't thirty-three for nothing. Lampas na sa edad ng madaling arousal.

Hindi pang-Miss World ang ganda nito, but she was pretty and attractive and she'd got something—a devastating sex appeal, that she probably wasn't aware of. And her skin was silky smooth, like ivory. At sa ilang sandali nito sa dagat ay kagyat iyong namumula... sun-warmed ivory. And she felt good in his arms, na para bang ang katawan nito'y sadyang nilikha para sa kanya.

Kaiba sa mga babaeng nakakatagpo niya, Angeli hadn't even flirted with him. She was cold and contained through and through. Hindi niya sinasadyang mapasukan ito sa banyo with nothing on but cascading water. While other women would have shrieked o di kaya'y mauupo at magpipilit na takpan ang katawan.

She didn't do any of those awkward things. She maintained her cool and that dignified look. Subalit may nangingibabaw sa mga mata nito. He was sure it was fear. Yes. Damn her, did she think he would rape her?

Ang pag-iisip ni Hanz sa dilim ay naputol nang makarinig siya ng mahinang ungol. He strained his ear to listen carefully. Ang mahinang ungol ay lumalakas.

Mula sa kabilang silid ang naririnig niya. Si Angeli ang naririnig niyang umuungol. At iyon ang nagpagising sa kanya.

Was she having a nightmare or something? Or was she in pain?

Napatayo si Hanz. Binuhay ang ilaw sa silid at nagpalakad-lakad. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Binuksan niya ang bathroom door, umaasang hindi nakasara ang kabilang pinto. But no such luck, pagkatapos ng nangyari kanina'y hindi magpapabaya si Angeli.

Lumabas siya sa balcony, his own French door was left open. Walang dahilan para hindi niya i-enjoy ang hangin sa gabi. He tried Angeli's door, it was locked, he expected that. At mula sa balkonahe ay malakas ang ungol nito.

Kinatok niya ang French door, kasabay ng pagtawag sa pangalan nito. Hindi niya makuhang kumatok nang malakas, maaari niyang magising at maabala ang ibang tao at malamang na magigising niya ang dalawang matanda. Papanhik ang mga ito at magkakaroon ng komosyon. Maaaring mapahiya ang dalaga.

He went back to his room impatiently, binuksan ang drawer sa night table at kinuha ang bungkos ng mga susi roon. Bumalik sa balkonahe at sinusian ang pinto at pumasok. Bahagya pa siyang nagtaka nang makitang bukas ang lampshade nito.

Humakbang si Hanz patungo sa kama nito at naupo sa gilid niyon.

"Angeli..." banayad niyang tawag.

She was tossing and turning. May mga butil-butil ng pawis sa gilid ng noo. And... tears?

Hinawakan niya ito sa mga balikat at marahang niyugyog. "Angeli, wake up..."

"No!" sigaw nito, nagpumiglas at nanlaban, as if she was fighting for her life. Inabutan ng mga kuko nito ang braso niya, and it scraped his skin drawing blood.

Hinawakan ni Hanz ang dalawang kamay nito at pinigilan. Doon nagising si Angeli at nang makita siya'y nanlaki ang mga mata sa sindak and would have screamed kung hindi niya naagapan ang bibig nito. Na lalong nagpangyari upang manlaban ito nang husto sa pagtataka niya.

"Sshh... sshh... Angeli, I'm not going to hurt you... it's okay, it's okay, you're having a bad dream," he said soothingly. One arm pulled her against his chest upang hindi ito makapanlaban nang husto. "Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo but promise me you won't scream."

Bahagya lang tumango ito at nararamdaman ni Hanz ang panginginig ng katawan nito. Unti-unting huminto sa panlalaban si Angeli. But Hanz had this feeling that she was just waiting for a small chance to fight him again.

"For Pete's sake, Angeli, there's nothing to fear! I won't hurt you," wika niya, his voice in total confusion. Pinakawalan niya ang bibig nito, expecting any moment that she would strike him.

She did not. Her eyes wide with fear and ready to strike if needed to.

"You were having a bad dream," he said gently, tenderly. Ang kamay niyang nanatili pa rin sa mukha nito'y umangat subalit sapat iyon upang pumitlag si Angeli. "Sshh..." he said quickly and wiped the tears and perspiration on her face with his hand. He felt her stiffened.

Angeli still disoriented, took a deep breath and relaxed a little. Tumayo si Hanz at tinungo ang mesa sa isang sulok at nagsalin ng tubig sa baso mula sa plastic bottle ng mineral water.

"Drink this," utos niya nang maupo siyang muli sa gilid ng kama nito.

Subalit hindi pinansin ni Angeli iyon. "What are you doing inside my room? Paano ka nakapasok?" she asked angrily, tuluyang nakabawi sa sindak bagaman nasa mga mata pa rin ang takot.

Hanz sighed. "Angeli, hindi ako masamang tao—"

"I'll determine that. Now, paano ka naka­pasok?"

"You were having a nightmare. Umuungol ka at nagising mo ako—"

"That doesn't answer how you were able to get inside my locked doors!"

"May sarili akong susi sa buong bahay na—"

"May sarili kang susi!" she exclaimed, napabangong bigla.

"I owned this house, Angeli," marahang sabi niya.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon