12

13.9K 483 2
                                    

"YOU... YOU..." Hindi makuhang tapusin ni Angeli ang sinasabi. Nanlalambot na muling humiga.

Her chest heaving. Tila galing siya sa mahabang pagtakbo. At ngayo'y nagisnan niyang nasa loob ng silid niya ang lalaking ito... ang lalaking ito na bago siya nakatulog ay pinaghihinalaan niyang kaaway.

At ngayo'y sinasabi nitong pag-aari nito ang guest house.She turned an angry face to him. "At ugali mo bang pasukin ang bawat silid ng mga guests?"

"Dammit, woman!" Hanz said irritably. "You were having a nightmare! You could have died of a coro­nary—"

"There's nothing wrong with my heart!" she snapped.

Tinitigan siya ni Hanz, then a hint of a smile formed his lips. "I believe you. You fought me like a wildcat. See this?" Ipinakita nito sa kanya ang kalmot sa braso nito. Naroon ang bahid ng sariwang dugo sa kalmot. "Look at your fingernails, baka nariyan pa ang balat ko."

Her eyes grew wide in horror. Ginawa ba niya iyon? Wala sa loob na yumuko siya upang tingnan ang mga daliri. Subalit bago niya nagawa iyo'y agad niyang ikinuyom ang mga palad. She couldn't bear to look at it. Kahit sa panaginip ay nagiging bayolente siya.

"Inumin mo ang tubig na ito, Angeli," Hanz said gently, muling kinuha ang baso sa night table at inabot sa kanya. In trembling hand, she took it and emptied the glass.

"T-thank you..." she whispered. Ibinalik sa night table ang baso. "I-I'm sorry..."He shrugged. "Bad dream, huh?"

"Alam... ba ng lahat na bahay mo ito?" pag-iwas niya sa tanong. Sa kabila ng pagod, hindi niya nakuhang makatulog nang mapayapa. Dirk's murderer—she knew he was murdered kahit na ano pa ang sabihin nila—haunted her even in her sleep. A man with a black car, a Honda Civic.

It could be anyone. And it could be Hanz.

But things didn't make sense. Pag-aari nito ang guest house at doon niya napiling magpunta nang hindi sinasadya at walang nakakaalam. Of course, maliban sa pinagtanungan niya. But that didn't count.

"Actually, I inherited this house from my grandmother," sagot ni Hanz na nagpaangat ng mga mata niya rito. "Hindi ko ipinaglilihim na pag-aari ko ang guest house na ito. Pero hindi ko rin naman ipinangangalandakan.

"Before I inherited this place, guest house na ito for three years. Entertaining guests kept my grand­mother from her miseries when my grandfather died. When she died three years later, walang dahilan para baguhin ko."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit tinawag itong Blue Lady Cottage?"Tumango si Hanz.

"What do you do? Dito ka ba nakatira?"

He grinned. At sa kabila ng naroroon pa rin ang tensiyon, nararamdaman ni Angeli na pumitlag ang puso niya sa ngiting iyon. And there was something about the man that made her suddenly conscious of herself as a woman... of the way she looked. Though her cotton night dress was decent enough, alam niyang nakasabog ang buhok niya at pinigil niya ang pagnanais na hawiin iyon at ayusin.

Nasisiraan na siya ng bait!

"Third degree?" sagot ni Hanz sa tanong niya. "Why, you could make a very good CIA or NBI, my dear. But to answer your question, yes and no. Some­times, I'm in my mother's house in Manila. I was in Manila six weeks ago—"

"Six weeks!"

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Hanz sa tono niya. Pagkuwa'y nagkibit ng mga balikat. 


"We've met, haven't we? At the parking lot. Surely, you remembered that."

Wala sa loob siyang tumango.

"At kung nandito naman ako, I fish for a living," patuloy nito.

"Y-you fish?" she asked incredulously.

"Yeah," sagot nito. "You probably didn't notice my fishing boat. It was moored out at the opposite side of the beach hidden by big rocks."

"Oh."

"I'll take you out in her someday."

Napaangat siya ng tingin sa pangakong nasa tinig nito. She shook her head. "I can't!" she blurted out, pagkuwa'y agad na nagbaba ng tono. "I-I mean... I've... never been in a boat."

"There's always a first time, Angeli," he said in a low voice.

Nilapitan siya nito at banayad na hinawakan sa mga balikat at maingat na inihiga pabalik. Aware of the man's masculinity, gusto niyang hawiin ang kamay nito subalit hindi niya magawa. And she was confused what his gesture had meant.

Itinaas nito ang kumot hanggang sa may dibdib niya.

"Get back to sleep, Angeli. May ilang oras pa bago sumikat ang araw. I'll expect you to join me for breakfast at seven-thirty. Though I won't mind kung hindi ka magigising sa ganoong oras. Maghihintay ako."

Hanggang sa makalabas ng French door si Hanz ay nanatili siyang nakatitig doon.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon