6

17.2K 506 7
                                    


Nilampasan na ni Angeli ang San Nicolas at ang sumunod na bayan ay Amparo. Iyon ang nakita niya sa arko sa daan. Ipinasya niyang pumasok sa bayan.

Patuloy siya sa mabagal na pagmamaneho. She'd been driving for six hours at pasado alas-doce na. Kung ang mommy niya ang masusunod ay gusto nitong magsama siya ng driver. But she hated the idea. Gusto niyang magbakasyong mag-isa at ipinagpilitan sa ina na kaya na niyang mag-drive.

It had been six weeks since the accident. At sa pinagsama-samang pag-aalala at katakot-takot na bilin ay pinayagan siya nitong umalis mag-isa.

Ayon kay Gail ay inerekomenda ni Mr. Vergara na sa San Nicolas siya magtungo. Isa ito sa mga kinikilalang persona sa bayang iyon, and he had even sent her a written invitation to stay in his beach resort.

Ipinarating niya ang pasasalamat dito sa pamamagitan ni Gail bagaman hindi siya nagbigay ng tiyak na sagot.

Angeli had been there five months ago with Dirk. Tagaroon ang kaherang pinalitan ni Gail at nang ikasal ito'y si Dirk ang tumayong sponsor. Pagkatapos ng kasal ay niyaya siya ni Dirk na mamasyal sa beach at isa sa pinuntahan nila'y ang resort ni Mr. Vergara. Tahimik at maganda ang lugar at may mangilan-ngilang cottage.

Gayunma'y hindi iyon gaanong pinupuntahan ng tao dahil bukod sa makitid ang daan patungo sa beach, ang kalakhang bahagi niyon ay naglalakihan ang mga bato at ang ilalim ng tubig ay matatalim na mga bato sa halip na buhangin.

At kung ang dahilan ng pagbabakasyon niya'y para makalimot ay dapat na sa lugar na hindi makapagpapaalala sa kanya kay Dirk.

Wala naman talaga siyang tiyak na lugar na pupuntahan. But going to the North was a good idea. That was why this morning, she'd told Gail that she'd go one or two towns farther from San Nicolas.

"Pero bakit kailangan mo pang mas malayo at walang tiyak na patutunguhang lugar gayong maaari ka namang magtungo sa beach ni Boss?" wika nito kanina sa telepono.

"I'm not really sure, Gail. Pero ayokong magtungo sa lugar kung saan maaari kong maalala si Dirk."

"Kunsabagay," sang-ayon na rin nito kasabay ng buntong-hininga. "Mag-ingat ka sa pagda-drive. At itawag mo kung saan ka— Oh, shit!" Napangiwi si Angeli sa pagmumura nito. Ordinaryo na kay Gail iyon at mas o menos ay nginingitian na lang niya ito. "Wala nga palang signal diyan sa San Nicolas, di lalo na sa pupuntahan mo kung lalampas ka pa. Kung ako ang mommy mo'y hindi talaga kita papayagan," she added with concern.

Napangiti si Angeli sa bahaging iyon ng pag-iisip. Ang kaibigan niya'y parang ang mommy niya kung alalahanin siya.

Nang sa pagsulyap niya sa sideview mirror ay napasinghap siya. Isang kotseng itim ang natanaw niya sa may likuran. A black Honda Civic.

So it's a black car, so what? Ang daming itim na kotse sa buong Pilipinas, for heaven's sake!Hindi niya matiyak kung Honda Civic ang kotseng humabol sa kanya nang gabing iyon. Pinilit niyang alalahanin ang sandaling ipinarada niya ang sariling kotse sa parking area, she had noticed the black car dahil katabi iyon ng Sentra ni Dirk. And she was positive it was a black Honda Civic.

She owned a Mazda so she should know its model. Her mother's car was a Toyota at hindi mahirap kilalanin iyon.

At bakit kanina pa siya nagmamaneho'y ang partikular na kotseng ito lang ang nagdulot ng kaba sa kanya? Dahil ba hindi naman marami ang sasakyan sa kalye at prominenteng nakikita niya ang itim na kotseng iyon?

At hindi mabagal ang takbo niya, bakit hindi nag-o-overtake ang sasakyan? Mula ba Maynila'y nakasunod iyon sa kanya?

Oh, dear Lord, she was getting paranoid.

Gustong bilisan ni Angeli ang pagpapatakbo pero hindi niya magawa. Nagsimula nang manginig ang mga kamay niya sa manibela. She had to calm herself down. Namataan niya ang isang general store, na marahil ay kaisa-isa sa maliit na bayang iyon. Kung sinusundan man siya ng kung sino mang nagmamaneho sa kotse'y hindi siya magagawang saktan nito sa maraming tao. Lalo at probinsiya iyon. Ang mga tao'y matulungin.

She swerved to her left at sa gumigiit na gulong ay ipinarada niya ang kotse sa harap ng tindahan kahit na wala naman iyong parking area, kundi ang gilid ng mismong highway. May dalawang taong naglalakad sa deserted na kalye at napalingon sa ingay na ginawa ng gulong niya.

Ilang sandaling nanatili siya sa loob ng sasakyan subalit hindi na niya matanaw ang black Honda Civic. Lumabas siya ng kotse at tuloy-tuloy sa general store. May dalawang customer sa loob. The man in his late-forties turned to her, matapos suklian ang babaeng bumili ng gatas.

"Yes, Miss?" tanong nito, isang humahangang ngiti ang ibinigay sa kanya.Her shoulder-length hair was bottled-brown with lighter streaks, at maputi siya at matangos ang ilong, with deep-set almond eyes. She could pass for a foreigner.

Tipid siyang ngumiti at sandaling lumingon sa labas bago ibinalik ang tingin sa lalaki. Natuunan niya ng pansin ang mineral water. Kailangan niya iyon.

"Iyong pinakamalaki."

"Nagbabakasyon ka ba rito, Miss?" tanong nito. At kung hindi sa palakaibigang ngiti nito'y ituturing niyang kaimpertinentihan iyon.

"Sana." Sinabayan niya iyon ng tango at abot ng bayad. "Pero wala ho akong alam na partikular na lugar na maaari kong puntahan. May—" She swallowed "—mairerekomenda ho ba kayong cottage... iyong malayo ho sa karamihan?" Binigyang diin niya ang huling sinabi.

"Malayo sa karamihan... hmm." Sandaling nag-isip ito. "Ang mairerekomenda kong malayo sa karamihan ay ang Blue Lady Cottage. Kalahating kilometro pa ang layo mula rito. Hindi gaanong mabato roon. Pero kung gusto mo'y marami namang magaganda ring beach sa malapit at tahimik naman. Hindi naman kasi summer ngayon at walang gaanong bakasyunista."

"Susubukan kong tingnan ang Blue Lady Cottage na sinasabi ninyo," wika niya, a little bit intrigued by the name. At habang sinusuklian siya nito'y ibinigay nito ang direksiyon sa kanya.Mailap pa rin ang mga mata ni Angeli nang lumabas ng tindahan subalit tahimik ang buong kalye maliban sa ilang tricycle na paroo't parito. Napanatag siya. Hindi siya sinusundan ng kotse. She must get hold of herself next time at hindi iyong makakita lang ng kotseng itim sa likuran ay tila na siya mamamatay sa nerbiyos.

Binuksan niya ang back compartment at isinama sa ibang gamit niyang naroroon ang dalawang bote ng mineral water at muling isinara ang hood. Pag-ikot niya pabalik sa driver's seat ay nabangga niya ang isang lalaki.

Subalit tuloy-tuloy ito sa tindahan at ni hindi siya pinansin.

"Excuse me!" she shouted in irritation.

Bahagya lang lumingon ang lalaki. "Tama ang sinabi mo dahil ikaw ang bumangga sa akin," wika nito, kumunot ang noo sa pagkakatingin sa kanya at pagkuwa'y muling ipinagpatuloy ang pagpasok sa tindahan.

"My lucky day," busa niya sa nagpupuyos na dibdib. Kahit saan ay hindi nawawala ang mga taong bastos.

Then she stopped on her tracks. Umangat ang mga mata sa tindahan bagaman hindi niya ito natatanaw. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang lalaking nakita niya sa parking area nang gabing magkita sila ni Dirk sa restaurant!

Iyon ang taong naringgan niyang pinagtatangkaan ang lalaking pinitserahan nito!

Confused, pumasok na si Angeli sa kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho patungo sa direksiyon ng Blue Lady Cottage. Napakaliit namang masyado ng Pilipinas para magkita silang muli ng lalaking iyon.

She shook her head and concentrated on her driving.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon