Natuon nang husto ang pansin ni Angeli sa kagandahan ng karagatan at sa papalubog na araw at ni hindi niya nararamdaman ang unti-unting pagtaas ng tubig.
Inihanda niya ang mga gamit sa ibabaw ng bato kani-kanina lang habang hinihintay ang tamang sandali, kapag nilatagan na ng araw ng naglalagablab na apoy ang katahimikan ng karagatan.
Hindi niya napupuna na habang lumulubog ang araw ay tumataas naman ang tubig. She wasn't even aware that she was an inch closer to real trouble. Sa kanyang kaisipan, bawat alon ay naglalapit sa kanya sa larawang nais niyang kuhanan.
Everything was perfect. At kung maghihintay pa siya ng ilang sandali'y natitiyak niyang titili si Ansel sa uri ng larawang makukuha niya.
Sunset and the sea had been every photographer's favorite subject. Subalit kailanman ay hindi iyon pinagsasawaang pagmasdan ng maraming tao. At karaniwan na'y may kanya-kanyang paraan sa pagkuha nito. And this was her perfect moment and perfect shot.
Ang ibabang batong kinatatayuan niya'y natatakpan na ng tubig. Ang mga alon ay humahampas na sa walking shorts niya at basa na siya. Subalit tila hindi niya nararamdaman ang pamimigat ng shorts.
"Oh, God!" Angeli said excitedly. Ilang metro mula sa kinatatayuan niya ay batuhan sa gitna ng dagat. Kumikislap iyon sa tama ng nagkukulay-kahel na araw. May mga kumpol-kumpol na berdeng halamang-dagat ang hinahampas doon ng alon.
Hindi siya halos humihinga nang sa pakiramdam niya'y nagtutugma ang liwanag, sandali, at ang mga alon. At sa mismong sandaling ang alon ay humalik sa batuhan, kasama na ang mga berdeng halamang-dagat, she triggered the motor drive on her camera.
"Oh... oh!" Humalik ang alon sa batuhan. Sumabog ang tubig na humampas sa batuhan and created fountains of iridescent bubbles na tila dumidila sa magaspang at matalim na bato.Hanggang hindi nawawala ang angkop na liwanag ay hindi huminto sa pag-trigger ng motor drive ng camera niya si Angeli. Hindi makakapigil sa ginagawa ang tubig na umaabot na sa baywang niya. At nakatuntong pa siya sa bato.
Ang uri ng kanyang mga larawan ang dahilan kung bakit sa kabila ng kompetisyon at wala sa mismong mall ang gallery nila ni Ansel, ay sadyang dinadayo ng mga tao. At alam niyang ang kinunan lang niya'y isa sa mga mahuhusay niyang gawa.
Napatili siya nang sa paghampas ng alon ay tumalsik iyon at bumasa sa mukha niya. At dahil sa biglang pagkilos niya'y gumuhit ang sakit sa kaliwang binti niya. She groaned in pain. Ganoon ma'y hindi naging dahilan iyon upang hindi niya sakupin ang mga gamit at itaas sa dalawang kamay.
Napatingin si Angeli sa baybayin. Kumurap. Na tila ba hindi totoo ang nakikita niya. Ang kanina'y lampas sakong na tubig patungo sa baybayin ay lampas-tao na. Dahil nakatuntong siya sa bato ay nasa baywang lang niya ang tubig. Kung bababa siya'y mga kamay lang niya ang lilitaw habang hawak ang mga gamit.
Paano niya madadala sa baybayin nang hindi nababasa ang mga gamit niya? She couldn't risk the shot she had just taken. No way! Ang camera niya'y hindi biro ang halaga. She had to sell a considerable number of photographs bago niya mapalitan iyon. At paano siya makakakuha ng mga larawan kung wala ang camera niya?
And she made a vow never to ask anything from her mother since she declared her independence and started on her own.
She couldn't afford to replace her equipment!And it was getting dark!
Muling tinanaw ni Angeli ang baybayin. Hindi naman napakalayo niyon, kung tutuusin. Pero dahil sa mabilis na paglaki ng tubig ay tila milya-milya ang tatawirin niya bago makarating doon. Iyon ay kung makakarating siya nang walang pinsalang magagawa sa camera at sa buhay niya.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin niya ang isang lalaking nasa kanang bahagi ng baybayin at nakamasid sa kanya. His hands on his hips. Pagkuwa'y napuna niyang lumusong ito sa tubig, at nang sa tingin ay mahihirapan itong lumakad sa tubig ay lumangoy.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAngeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a...