Simula
Padabog kong isinara ang pintuan ng kotse ni Nanay. Naiinis akong pumasok sa Benedicto University, hindi maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa sinabi niya nang bigla kong nakasalubong ang aking gay friend na si Ferr.
"Bakla! umagang umaga ay nakasimangot ka na agad. Iyong wrinkles mo nagsisilabasan, papaano ka niyan magkaka jowa kung pangit ang iyong fes" Pagkukutya niya sa akin.
"Who cares? I don't need a man. damn!"
Pagtataray ko sakanya sabay lakad ng mabilis. Sanay naman na 'yan saakin si Ferr short for Fernando James. Mula first year college hanggang ngayon bestfriend ko na yan. Nagsimula ang friendship namin dahil sa organization sa Journalism.
Natapos ang una naming klase ng wala akong naintindihan. Hindi naman talaga ako ganito na nag aout of space kapag nasa klase. In fact, straight honor student ako simula 1st year college hanggang ngayong gagraduate nako. Hindi lang kasi maalis iyong sinabi saakin ni nanay kaninang umaga. Alam ko naman na wala akong magagawa dahil na rin anak iyon ni Tita Reina, ang matalik niyang kaibigan.
Niyaya kong kumain ng pancit si Ferr doon kila Aling Toyang dahil hindi ako nakapag almusal kaninang umaga. Palagi naman gutom itong kaibigan kong 'to kaya madaling maakit pag niyaya kong kumain.
"Oorder ba kayo ng softdrinks, Aria?" tanong ni Aling Toyang.
Close kami niyan kasi pag may event ang org namin dito kami palagi nagpapa cater at the best ang mga kakanin dito.
"Opo, sprite po saakin at isang coke."
"Oh ano bang problema mo Aria? napansin ko kanina hindi ka nagtanong sa klase ni Mr. Adoris. Nakakapanibago naman iyon"
Totoong nakakapanibago nga dahil palagi akong nagtatanong sa klase niya at ang hirap intindihin kapag nagpapaliwanag siya tungkol sa Philosophy.
"Naalala mo ba 'yong ikinuwento ko sa'yo noong isang buwan? iyong tungkol sa anak ng matalik na kaibigan ni nanay." kumunot ang kaniyang noo habang iniisip iyon.
Umusog ako ng konti dahil nilatag ni Kuya Berto iyong order namin. "Salamat Kuya Berts" sinuklian niya ako ng kindat
"Ay oo! Naalala ko. 'yon bang crush mo nung bata ka, Tapos nag confess ka and you got dumped? Iyon yon diba?" Gagang ito! Ipamukha pa saakin na binasted ako.
"Ferr, baka nakakalimutan mong 11 years old palang ako non at saka limang taon ang agwat namin ano. Baka dahil na rin sa edad namin noon. Babalik siya dito sa San Antonio" sagot ko sakanya habang abala kong ipinagtutusok ng tinidor ang pancit.
"Affected ka? 'Wag mo sabihing umaasa ka pa?" Tawang tawa niyang sambit.
Okay. Siguro nga. Baka. Shit. No way.
Inabala ko ang sarili ko sa pag hahanda sa radio broadcasting namin mamayang alas tres ng hapon may apat na oras pa naman bago iyon, pero ayaw kong isipin kung ano ang mangyayari mamaya pag-uwi ko. Ako ang Editor-in-Chief sa aming school broadcasting at newspaper dito sa Benedicto University at ngayong araw ay espesyal ang pag balita namin dahil dadating na ang bago naming Org Adviser.
Medyo nakakainis nga iyong si Dean Diego dahil pa surprise pa ang bagong papalit ki Mrs. Julia, iyong dati namin Org Adviser na lumipat na ng Cebu dahil doon ang bagong work station ng kanyang asawa. Sabi naman ni Dean Diego ay bagong professor daw iyon na galing Maynila.
Nag aayos ako ng script para mamaya ng bigla akong napahikab at naka ramdam ng antok, gawa siguro ito ng pag puyat ko kagabi dahil sa tinapos ko pa iyong Korean Drama na pinapanuod ko, iyong Romantic Doctors 2. Nalulong na ata ako sa kdrama dahil kay Kael. Si Kael ay isa sa Varsity players ng basketball dito sa B.U at malapit na kaibigan namin siya ni ferr. Pinagpanuod kasi ako noong The Heirs kaya ayon sunod-sunod na ang nuod ko noong summer dahil wala namang pasok, kaso ngayong pasukan na ay nahihirapan nako itigil ang pagpanuod.
Pumunta ako ng Pantry dito sa office at nagtimpla ako ng Kopiko brown saka ko ipinagpatuloy ang pag eedit ng script para mamaya.
"Bakla!" padabog na bukas ni ferr ng pinto na akala mo may sunog sa lakas ng boses.
Bigla ko tuloy natabig iyong kape na tuluyang bumuhos sa may script.
"Putangina ka Fernando! Nabasa iyong script natin para mamaya!" galit kong sigaw sakanya.
Agad kong pinunasan iyong table ng tissue mabuti na lang at nailayo ko iyong first page ng script namin, kaya iyong kalahati lang ng second page ang nabasa. Hindi ko pa naman iyon na eencode.
"Hala! sorry bakla. Eh kasi may chika ako. May nasagap akong balita galing sa Dean's Office" aligaga siyang nag kukwento habang hawak-hawak iyong mango shake niyang binili niya sa canteen.
"Ano ba 'yon?"
"Ano nga ulit iyong pangalan ng kababata mong nambasted sa'yo noon?" mausisa niyang tanong.
"Oh bakit na naman iyon naisali? anong namang kinalaman non sa chika mo?" paghahamon kong tanong dahil ayaw ko na iyon pag usapan dito kasi mamayang gabi pa iyon pag-uwi ayaw ko muna isipin iyon.
"Eh kasi yung pangalan ng bago nating Org Adviser narinig ko pagdaan ko ng dean's office kanina. Familiar eh. Noelle Isaac Herrera"
(Next in Bituin 2)
BINABASA MO ANG
Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)
RomanceCassiopeia Polaris, The girl who was named after the brightest star in the universe. She got the looks, brain and attitude. The Heiress of the biggest Grocery Store in San Antonio. But, there's only one thing she wishes she can have. 8 years ago sh...