Bituin 6

228 39 23
                                    

Hey. Guess what? Hindi ako nakatulog. That's right. I wasn't able to sleep. Hinihintay kong umuwi si Ate Bela. I need her to tell me everything. Ang gulo-gulo ng nangyayari ngayon.

5:36 am ng marinig ko ang sasakyan ni Ate Bela sa baba. Inayos ko ang itsura ko, dahil kasing gulo ng isip ko ang buhok ngayon.

Hindi pa nakakapasok si Ate Bela sa pinto pero sinalubong ko na agad ito.

"Ang aga mo naman ata magising, aria? Or hindi ka natulog? Halatang halata sa mukha mo" she smirked.

"Ate Bela. You owe me an explanation" I said with my eyes glaring at her.

"D-did he told you already?" Gulat na tanong niya.

I nod at her.

Sinundan ko siya sa kwarto niya na katabi lang din ng kwarto ko. Pagkatapos niya magbihis ay umupo kami sa kama niya.

"Spill" Inis kong sabi sakanya.

"Aria. I'm really sorry. I know na mali iyon. I'm sorry... I know na gusto mo siya noon pa man na bata palang tayo, Pero promise talagang hindi ko sinasadya na hindi ma i log-out ang acc ko sa cellphone niya. " yumuko si Ate Bela. Kilala ko siya. Hindi siya gagawa nang ikapapahamak ko. Dahil parang magkapatid na kami.

"It was wrong of me to tolerate him. But what can I do? Nakita kong masaya si Kuya Noelle habang kausap ka niya. There were times na ako talaga ang kausap mo. Mostly every night siya nag chachat sayo dahil na din duty ako pag gabi." Dagdag niya.

"Kuya was about to go to California to have his Masters pero mas gusto niyang bumalik dito sa San Antonio lalo na nung nalaman niyang bumili ng lupa si daddy dahil magkaka roon siya ng project sa bayan"

And there I was left dumbfounded. Inabot kami ni Ate Bela ng 7 am. Ikinwento niya lang saakin kung ano ang nangyari for the past two years. Kung tutuusin pwede naman talaga mapaikli iyong usapan kaso, detalyado siya masyado magkwento at gestures pa.

Kakatapos lang quiz namin sa
Philosophy kay Mr. Adoris. Mabuti na lang at multiple choice iyon dahil kung enumeration iyon siguro ay wala akong maisasagot. Lutang na lutang ako ngayon, dahil na rin wala pa akong tulog.

"Bakla. Okay ka lang ba? Namumutla ka. Natulog ka ba? " concerned na tanong ni Ferr. Nasa cafeteria kami ngayon para mag meryenda.

Umiling ako sa tanong niya. Napahikab ako. Mamayang 10:30 pa naman ang sunod na klase namin at P.E lang naman iyon. May 1 and a half hour pa'kong time para matulog.

"Let's go sa office. Dun ka na matulog. Don't worry wala don si you know. May pasok iyon ngayon"

Dinala namin sa office iyong ensaymada na binili namin sa cafeteria. Pagkapasok palang namin sa office ay binagsak ko na agad ang bag ko sa table and I slept.

"Aria? Aria?" Ramdam kong may yumuyogyog ng balikat ko.

"Hhm?" Gusto ko pang matulog. Gago to. Natutulog ang tao.

Yugyog ng yugyog pa din siya sa balikat ko.

"Ano ba?" Naiinis kong tinabig iyong kamay niya.

"Sabi kasi ni Ferr gisingin kita pag 10:15" pagpapaliwanag ni Kael saakin. Nakaupo siya sa long table katabi ko.

"Where is he?" Tanong ko agad sakanya.
Saan naman kaya iyon nagpunta? Sabay ang klase namin sa PE 4 ah. Don't tell me mag c-cutting class siya?

"Nagpunta lang saglit sa Canteen. Bibili daw ng shake" kahit kailan talaga mukhang pagkain iyong si ferr.

"Eh ba't ka nandito? Naku baka makita ka pa dito ni Lovely magselos pa iyon saakin. Ayaw kong masabunutan Kael" natatawa kong paalala sakanya.

Si Lovely kasi ang Captain ng Gymnastics Club. Alam mo naman, Captain ng Varsity si Kael at hindi maipagkakaila na sikat ito sa campus at dahil din sa "popularity".

Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon