Bituin 2

165 50 45
                                    

8:12 am - Same day

Hinatid ako ni nanay sa Benedicto University dahil iyong kotse ay nasa Casa pa, pinapalitan ko ng ilaw at side mirror dahil naibanga ko sa garahe noong isang araw, Isang linggo din akong grounded dahil doon sa gagastusin sa kotse ko kaya hindi ako makakapag gala kasama si Ferr pagkatapos ng klase.

"Aria, nakausap ko kagabi ang Tita Reina mo. Uuwi daw dito ang Kuya Noelle at ang Ate Bela mo and they'll be staying with us"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila natulala ako sa sinabi saakin ni nanay. Hindi ko alam kung papaano ako magiging kalmado pag nakita ko na si kuya Noelle dahil sa ginawa ko bago sila umalis dito papuntang Maynila noon.

8 years ago
Ngayon ang luwas nila Tita Reina papuntang Maynila dahil doon nadestino si Tito Victor sa pagiging Engineer nito. Mamimiss ko sila Ate Bela at Kuya Noelle. Tatlong taon ang agwat saakin ni Ate Bela habang limang taon naman ang agwat namin ni Kuya Noelle.

Hindi ko alam kung kailan ko uli sila makikita dahil binenta na nila ang bahay nila dito sa San Antonio. Alam kong ang bata ko pa sa Nararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na may gusto ako kay Kuya Noelle.

Hindi na ako mag dadalawang isip pa. Kinakabahan akong tumungo sa kwarto ni Kuya Noelle dahil ni isang beses ay hindi ako nakapasok dito dala na rin ng babae ako at lalake siya baka kung ano ang isipin ng mga kasambahay nila kung makita kami sa kwarto niya lalo na't ang babata pa namin.

Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang kama at nag aayos ng kanyang dvd's at nilalagay iyon sa kahon. Dahan-dahan ako humakbang hanggang sa nakatayo na ako sa harap ng kahon na pinaglalagyan niya. Unti-unting iniangat ni kuya noelle ang mukha niya at tiningnan ako.

"Oh Cassiopeia, anong ginagawa mo rito? Nakapag paalam ka na ba ki Bela? May ibibigay daw iyon sayo, kanina ka pa hinahanap noon" sambit niya habang magkatitigan kami ngayon.

Tanging siya lamang ang tumatawag saakin ng buo kong pangalan kahit si nanay ay sa palayaw niya ako tinatawag. Except if galit siya saakin buong pangalan ko pang Cassiopeia Polaris ang binabangit niya. But my friends call me Aria.

Ang kanyang mapungay na mata ang dahilan kung bakit nangangatog ang tuhod ko sa kaba sa gagawin ko ngayon.

Wala ng patumpik tumpik pa. Iginuyom ko ang aking kamay at Mabilis kong iniyuko ang ulo ko malapit sa mukha niya at agad idinampi ang labi ko sa labi niya. Wala akong maramdaman kundi ang panlalamig ng kamay ko at pangangatog ng tuhod ko.

Sa pagkabigla ay mabilis siyang lumayo dahilan kung bakit ako natumba sa kama niya at sumubsob ang aking mukha sa may unan.

"C-cassiopeia, what was that?" Naguguluhan niyang tanong saakin.

Hindi ko siya hinarap. Parang sasabog ang puso ko dahil sa kaba at kahihiyan. Nakasubsob pa rin ang ulo ko sa unan niya.

"I only see you as my little sister Cassiopeia like my sister Bela. I'm sorry. You know I'm always here for you as your big brother. I'll go downstairs. "  narinig kong isinira niya ang pintuan. Tuluyan na akong humikbi pagkalabas niya. Ang tanga mo Aria. Alam mo naman na ang sagot, bakit mo pa ginawa?

Mga sampung minuto siguro akong hindi gumalaw sa posisyon kong ito at inilabas ko lang lahat ng luha ko ng narinig ko na ang sigaw ni Ate Bela sa ibaba.

Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon