Bituin 17

9 1 0
                                    

Bumalik si tatay ng manila para ayusin ang papeles niya para sa pag balik sa dubai. Sabi nya ay babalik naman daw sya next week para makapag bonding kami bago sya umalis para mag trabaho.

Tatay has now his family. May dalawa akong kapatid na kambal, fraternal twins. 15 years old na sila Gabe at Sloan. I am hoping to meet them soon.

Seeing nanay smile after my tatay told us about his family in dubai, I think that she has already moved on. Nawala ang hatred sa puso ni nanay dahil ipinaliwanag sakanya ni tatay ang lahat. I know that everything happens for a reason. Maybe hindi lang talaga ni tatay naipaglaban si nanay kila lolo dahil sa sobrang makoneksyon ang pamilya nila at maaring madamay ang pamilya ni tatay noon.

Kakatapos lang ng practice namin for the pageant, dumiretso kaagad ako sa classroom dahil may exam ako ngayon sa last subject ko -Philosophy.

Hindi ako makapag focus dahil nahihilo ako habang itinutuun ko ang utak ko sa test paper na nasa harapan ko. Hindi ko napigilang mag excuse kay prof. Adoris, mabuti na lamang ay pumayag siya. Dahil na rin siguro halatang halata na sa mukha ko na masama ang pakiramdam ko.

I started gasping for air after I puked in the ladies room in Campus.

Sobrang sakit ng ulo ko tapos yung tiyan ko parang sira na ewan.

nasa kalagitnaan pa naman ako ng exam ngayong sa psychology. pero parang wala na ako sa tamang huwisyo mag-isip. Baka ikabagsak ko iyon.

Kahit masama ang pakiramdam ko pinilit kong tapusin iyong test. Pagkatapos ay nagpahinga ako sa infirmary. I also texted Noelle na tapos na ang exams ko at gusto ko nang umuwi kaso wala akong lakas mag drive ngayon.

"We'll stop by at the hospital muna, Cassiopeia. You need to have a check-up ilang araw ka ng namumutla. Natutulog ka ba ng maayos? Baka sobrang na ppressure ka sa exam at sa pageant"

He's serious right now while we're on our way sa San Antonio Medical Center, where ate Bela is working.

"Siguro nga, Hon. Inaantok na'ko"
I closed my eyes for a while before we finally arrived at our destination.

Hindi ako sure? Pero bakit sa OB  gyne kami dinala nung nurse in-charge?

Kahit si Noelle ay nagtataka.

My heart started pounding when we sat.

I took some test dahil na rin kailangan muna tingnan kung ano ba talaga ang sakit ko.

I think I'm gonna passed out when the doctor told us that

"Congratulations, Ms. Ramirez You're  4 weeks pregnant."

para akong natuod sakinauupuan ko ng marinig ko iyon. Halos mag slow motion ang pagkakasabi niya sa tainga ko.

We're now on our way home. Pero ni isa saamin ay walang nagsasalita... wala akong gana magsalita... tinatamad ako makipag-usap dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Itinigil ni Noelle ang ang kotse sa harap ng 7/11 malapit sa subdivision.

"Hon, we need to tell our parents about this. We cannot hide it longer" hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya habang hinahaplos ang kamay ko.

"I know. But can we not told them now? Please? I-I don't have the courage to tell them yet"

Sinunod ni Noelle ang gusto ko. Nang nakauwi kami ng bahay, alagang-alaga nya ako. Lumalamig ang pawis ko sa ginagawa niya. Natatakot ako na baka makahalata sila Nanay at Ate Bela.

"Are you ok, Cassiopeia?" Concerned na tanong ni ate bela

"Y-yep. Yeah I'm okay. Period problems" I freakin' lied to them.

Noelle pinched my legs under the table. I know Noelle I'm sorry. I just. I didn't how what to answer. So, my mouth started to lie.

Nanay gave me painkillers for my dysmenorrhea kuno. I'm so sorry nanay..but I cannot take those pills for 2 reasons. First is that I don't have my period and second is that that is not good for my baby.

I'm so bad. And I know I will not be able to sleep later.

It's already 11 pm pero hindi pa ako dinadalaw ng anto dahil sa pag isip kung papaano ko sasabihin sa magulang ko. Baka hindi na ako mapatawad ni nanay. Unang-una ay nilabag ko na ang utos niya na bawal mag nobyo hanggang hindi pa nakakapag tapos tapos ngayon ay eto pa.

May kumatok sa pintuan ko pero bago pa ako tumayo para buksan ay bumungad na si Noelle na may hawak na gatas at cookies.

Umupo siya sa higaan ko at ipinatong ang hawak hawak sa side table ng higaan ko.

"I know that you can't sleep. Kitang kita na bukas pa ang ilaw mo sa labas ng pinto. You know na bawal ang magpuyat hindi ba? Bakit ka pa gising?" Saad niya

"Kinakabahan ako Noelle. Baka hindi ako mapatawad ni nanay" Then tears fell. Lahat ng kaba na mararamdaman ko ay bumuhos sa luha ko.

"Shh. We will sort this things together. Okay? Hindi naman kita pababayaan . We'll face them together kapag ready ka na"

PS: I'm sorry for the very late update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon