I wore my plain black t-shirt and Silky skirt with authentic floral prints at tinerno ito sa white sneakers ko.
Wala naman akong magagawa. tinext din ako ni nanay kanina na "no alcohol" it means pumayag nga siya sa pagpaalam ni Kael.
Hindi nagtagal ay may bumusina na sa tapat ng bahay namin. I think that's Kael already kaya bumaba na ako.
"do you have a date, sis?" tanong ni Ate Bela na kumakain ng Kettle Corn na naka upo sa sofa. Nanunuod siya ng Kdrama.
"Wala kang duty ate?"
"Wala day-off ko ngayon. Sundo mo na ata iyong bumubusina sa labas ahh. Mag Ingat ka nakuuu may mag seselos mamaya" she smirked at napailing.
Ininda ko ang sinabi ni Ate Bela. hindi niya ata alam na kasama ko din iyon si Kuya Noelle. At saka ano bang sinasabi niyang magseselos. Kakabukas ko lang ng pinto palabas ng makasalubong ko si Kuya Noelle na kakalabas lang din ng sasakyan niya.
"Ang aga mo naman ata pupunta sa party" nakapolo pa ito. Siguro ay kakatapos lang ng huling klase niya.
"Nandyan na ang sundo ko" sabi ko. dinaanan ko lang siya at dumiretso na sa naghihintay na si Kael sa labas.
Nagstop over kami ni Kael sa Mcdo para kumain. Dahil siguradong mamaya ay puro inumin at pulutan lang ang iseserve sa party. Nag order na si Kael habang hinintay namin na dumating si Ferr.
Habang nakapila si Kael sa may counter ay siya namang pagdating ni Ferr.
"Medyo traffic doon sa may magsaysay. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom bakla."reklamo niya nang makaupo.
"Bakla. hindi mo naman nakwento kay Kael iyong tungkol kay you know hindi ba?" tanong ko sakanya habang papalapit naman saamin si Kael na hawak ang order namin.
"Nope. gusto mo ba sabihin ko?" Then, bahagya siyang napatingin kay Kael.
"Gaga. don't" bulong ko sakanya at nginitian din si Kael.
"Are you talking about me? Pinagchichismisan niyo ako ano?" Pabiro niyang tukso saamin ni Ferr habang inilatag niya sa mesa ang mga pagkain.
"Hindi" napailing na lang ako kay Kael.
"Hey bro! Sakto lang ang dating niyo" salubong saamin ng isang varsity player pagpasok ng Backdraft.
6:45 na kami nakapunta sa party. Medyo natagalan din kasi ang kwentuhan naming tatlo. Hindi na din kasi kami masyadong lumalabas kagaya ng dati dahil na rin busy kami sa org at si Kael sa Varsity. Kapag weekend naman, busy din si Ferr sa Gasoline station nila samantalang si Kael ay tumulong naman mag manage ng Hotel ng pamilya nila.
We are all the COO( Child of the Owner ) and soon to be the owner after ng graduation. Pero gusto ko din sanang mag apply sa broadcasting station dito sa San Antonio. Swerte na kung makapasok ako sa San Antonio Branch ng Abs-Cbn.
Like any other bar. Maliit lang ang Backdraft. Meron itong bilyaran, dart at pool. They also have private rooms sa 2nd floor kapag may exclusive parties. Mostly sa baba kasi ay open. Sa other side ay parang videoke bar.
Hinila ako kaagad ni Ferr papuntang 2nd floor nang namataan niya iyong ibang ka org namin. Nandito din ang iilang members ng organization ng campus. Parang Acquiantance party tuloy itong birthday party ni Coach Larry.
Sumenyas ako kay Kael na pupunta kami sa itaas. Tumango lang siya at nakidalo na rin sa mga ka varsity niya.
"Grabe naman 'tong mga ito. Nagsisimula na kaagad kayo?" Puna ni ferr.
Inabutan kami ni Hannah ng Mule.
"Uy. No alco-" sabat ni Ferr.Pero bago pa man iyon makuha ni Ferr sa harapan ko ay may humablot na nito.
BINABASA MO ANG
Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)
RomanceCassiopeia Polaris, The girl who was named after the brightest star in the universe. She got the looks, brain and attitude. The Heiress of the biggest Grocery Store in San Antonio. But, there's only one thing she wishes she can have. 8 years ago sh...