This is the last day of Benedicto University's Foundation event. You wouldn't believe what happened yesterday. I haven't told my friends yet about me and Kuy- I mean Noelle.Pero alam kong duda na si Ferr sa inakto niya kahapon.
We were having our lunch sa cafeteria. May pa cater ngayon sa school para sa lahat ng org.
"You're allergic to shrimp. Saakin na'to" kinuha niya ang buttered shrimp sa plato ko.Mabuti na lang at kami palang tatlo nila ferr ang nakaupo dito sa round table. Magmula noong gabing 'yon laging nakangiti si Noelle. Kaya pati sila Ate Bela ay nagtataka.
Lagi niya din akong sinasamahan kapag nagpupunta ako ng dean's office para magpa sign ng documents kay Dean Diego. Buti na lang hindi nakaka halata ang iba kong ka org.
Tumatambay kami ngayon sa office dahil kakatapos lang ng broadcast. Nautusan ni Ferr si Kael bumili ng fries at milktea sa labas dahil na rin sa init ng panahon ngayon.
Sinalubong na nga nila Ferr si Kael sa baba dahil madaming bitbitin.
"Tatanga tanga 'tong kaibigan mo Aria. Kausapin mo nga" galit na sermon ni Ferr pagpasok ng pinto.
"Ikaw na nga nakisuyo ikaw pa galit. Eh hindi mo naman sinabi na 'with pearls' pala yung iyo" bulyaw ni Kael.
Naawa na din ako dito kay Kael palagi na lang naaway ni Ferr.
Katabi ko ngayon si Noelle. Hindi ko ba alam dito sa taong 'to palagi na lang nakadikit saakin. Kanina nga ay panay ang hawak sa kamay ko. Mabuti na lang ay walang tao kanina sa office. Naku, pag may nakahalata saamin malilintikan talaga kami pareho.
"Cassiopeia, you need to come with me. We'll go to the SSG office for some changes tonight" Singit ni Noelle kila ferr.
Nakuha yata namin ang atensyon nila dahil napalakas ang boses nitong si Noelle.
"Sama ako sir. Co-host ako eh" Saad ni ferr habang hawak hawak ang milk tea niya.
"Sure" Dismayadong sagot ni Noelle kay Ferr. Sigurado bang sa SSG office kami pupunta?
Habang papunta kami sa SSG office nasa unahan namin ni Ferr si Noelle. Kanina pa ako tintingnan ni Ferr.
"Is there something wrong?" I whispered to Ferr.
Pero imbis na sagot ang makuha ko sakanya ay pinandilatan niya ako ng mata.
Walang tao sa SSG office baka nasa cafeteria pa sila at nag lalunch pero pumasok na kami sa loob.
Pakapasok pa lang namin ay nabigla kaagad ako sa ginawa ni Ferr.
"May something ba sainyo Sir?" Seryosong tanong niya.Bumilis ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko maiwasang mataranta sa tanong niya.
But Noelle held my hand infront of my bestfriend.
"Yes. Nililigawan ko siya Fernando." He saidWalang ekspresyon sa mukha ni Ferr ngayon.
"I like her" dagdag niya
Tumikhim ang bagang ni Ferr habang nakatingin kay Noelle. Galit ba ito or natatawa?
"Sir. You can call me FERR. Boto na sana ako sa'yo sir eh." Seryosong niyang saad.
Wtf! Fernando! How can he even joke?
"Pero ba't naman Fernando talaga? " dagdag niya.
Natawa tuloy kami ni Noelle. Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang SSG officers and Noelle let go of my hand.
After the Concert, there will be an After Party for all the student leaders at Villa Cacillas. Villa Cacillas is the hotel of Kael's family.
Medyo late na din matatapos ang party dahil nagsimula kami ng 9:00 pm.
I wore the black backless dress that I bought last wednesday. Buti na lang ay may heels ako sa bahay at terno naman ito sa suot ko ngayon. Nagpatulong din ako kay Ate Bela sa pag ayos ng buhok ko.
Napag-usapan namin ni Noelle na sabay na lamang pumunta ng hotel para hindi hassle at gagabihin din kami ng uwi. Pero sabi ko sakanya ay ibaba ako bago sa hotel. Kaya ko naman lakarin iyon.
"Are you sure you're okay maglakad? Pwede naman dun ka na bumaba sa parking lot. We'll just make an excuse if may magtanong" pangungumbinsi niya saakin.
Ayaw ko mag take ng risk. Alam mo naman ang tao may makita ka lang kasama, malisya agad.
"See you Noelle" then I closed the car's door at nagsimula maglakad. Malapit lang naman iyon.
Pagkapasok ko palang ng hotel sinalubong na ako ni Storm. Kael's younger brother. He's only a year younger than me.
"Hey Aria! You're so gorgeous!" Nakaduty pala siya. Uso kasi sa family nila ang mag work sa business kahit owner naman talaga sila. He's wearing a White polo with black neck tie. Parang aattend siya ng prom. Kung pagtitimbangin silang dalawang magkapatid ay mas gwapo at mas matangkad din itong si Storm kaysa kay Kael.
"Thanks Storm. Tagal kitang hindi nakita ah. Busy ka yata sa School" He hugged me and of course I hugged him back. namiss ko itong si Storm. Naku mas mahambog pa ito kay Kael pero mas Gentleman.
"Excuse me, Stormy. Nakita yata kayo ng lover boy ni friendship. mukhang may nagselos" grand entrance kaagad ni Ferr.
Sabay kaming napatingin ni Storm kay Ferr who's wearing a floral top and black slacks. Ngumunguso pa itong nagtuturo sa may elevator. then, there he is. Napatingin kami ni Storm kay Noelle na nakapamulsa habang naghihintay magbukas ang elevator.
"Talaga? May lovelife ka na? Mukhang may karibal na ata ako ah"
"Storm" mahina kong sita sakanya.
(NEXT IN BITUIN 11)
A/N: Hey hey hey! Sorry ngayon lang ako nakapag update. So, how was the chapter? I hope you liked it! Please comment down below your thoughts about this chapter!
I would also like to take this opportunity to send my deepest gratitude kay chinguu. I dedicate this Chapter to you. If you noticed na yung cover nitong Cassiopeia Polaris: Sweetest Downfall Series ay bago at gumanda. That's because of my friend's talent 💙
BINABASA MO ANG
Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)
RomanceCassiopeia Polaris, The girl who was named after the brightest star in the universe. She got the looks, brain and attitude. The Heiress of the biggest Grocery Store in San Antonio. But, there's only one thing she wishes she can have. 8 years ago sh...