Kakatapos lang ngayon ng 6 pm class ko sa Humanities. Susunduin ako ngayon ni Nanay pero hindi pa siya nag rereply sakin kaya saglit akong nagpunta ng canteen para bumili noong paborito kong buttermilk cupcake. Mabuti at naabutan ko pa, grabe ang gutom ko ngayon dahil na rin siguro hindi pa ako nag didinner at mag aalas otso na.
Pakabili ko sa canteen ay agad na akong dumiretso sa may waiting shed sa harap ng campus para doon na mag hintay. Sarap na sarap ako sa buttermilk cupcake na 'to talaga kaya nga tatlo ang binili ko.
Kukunin ko na sana ang pangalawang cupcake sa paper bag ng biglang may nag call sa cellphone ko na unknown number. Pinunas ko muna ang kamay ko na medyo may dungis ng butter cream sa aking panyo at agad itong sinagot.
"Hello? Who's this?" Pauna kong tanong.
"It's Noelle. Hindi makakasundo sa'yo si Tita France kaya sumabay ka na lang daw saakin. I'm inside the black car na naka park sa may Church"
Agad niya itong binaba. I was quite a bit shocked. Papano nya nakuha number ko? Wait-what? Malamang naman binigay ni nanay sakanya. Bobo.
Lumingon ako sa left-side sa may parte ng Church katabi ng Campus namin at may itim na kotse nga na nakapark. Tumayo na ako at naglakad papalapit roon. Nang nasa tapat na ako ng kotse, agad niyang binaba ang bintana nito at bumungad gwapong mukha sa harap ko.
"Get in" aniya.
Binuksan ko iyong pinto sa back seat at umupo.
"Hindi mo ako driver Cassiopeia. Dito ka maupo sa unahan" sabi niya habang nakatingin sa back mirror at bahagyang ngumiti.
I. Was. Shocked.
Kanina noong nagkita kami sa broadcasting room ay hindi niya ako nginitian o hindi man lang din siya nagalak na nagkita kami ulit sa pagka haba-habang panahon na iyon. Tapos ngayon, ngumiti siya saakin na parang lagi kaming nagkikita.
Hindi na ako tumingin sakanya at agad dumiretso sa passenger seat. Diretso akong nakatingin sa kalsada nang bigla siyang nag salita.
"Cassiopeia" napaka lamig ng boses niya this time.
Nilingon ko siya at laking gulat ko nang ang lapit ng mukha niya saakin habang nakahawak siya sa may taas ng ulo ko. A-anong ginagawa niya? Pinaglalaruan niya ba ako dahil sa ginawa ko noon? Nag akma pa siya ulit lumapit kaya hindi ko napigilan ang sarili kong pumikit at umatras.
"Always put your seatbelt. Safety first right?" Dugtong niya.
Biglang kumalabog ang dibdib ko. Iminulat ko ang mata ko at pagtingin ko sa baba ay naka lagay na ang seatbelt. Seatbelt Aria seatbelt hindi kiss. Napaka rupok ko naman ata. Ano bang nangyayari sayo, Cassiopeia Polaris?
Nakakahiya. Hindi na ako kumibo habang nasa byahe pauwi. 30 minutes pa naman ang byahe namin medyo matagal pa. Na estatwa na ata ako sa sobrang kahihiyan. Idineretso ko lang ang tingin ko sa kalsada nang biglang tumunog ang tiyan ko. Gutom na talaga ako. Hindi ko makain ang butter cream cupcake ko. Ang akward..Napapikit ako sa kahihiyan. Double dead na ata ako neto.
"Kainin mo na 'yang cupcake na dala mo" pagbasag niya sa katahimikan. Binukas niya rin ang radyo sa sasakyan. Para siguro mabawasan ng konti ang awkwardness saamin.
Kinuha ko iyong cupcake sa loob ng paper bag at inalok ko siya nung isa. Dahil dalawa pa naman iyong natira.
" Ahh" habang naka nganga ang bibig niya at nakatingin ng diretso sa kalsada.
M-magpapasubo siya? Wala akong maalala na close kami agad. Kakakita palang namin ulit ngayon. Pero wala akong nagawa kundi isubo sakanya yung cupcake.
"Thanks" sabi niya habang ngumunguya.
Pagdating namin sa bahay ay tinawag kaagad kami ni nanay para kumain ng dinner. Di kalaunan ay biglang may sumigaw galing sa itaas at alam na alam ko iyong boses na iyon.
"ARIA!" Parang speaker iyong boses ni Ate Bela kung sumigaw. Pero pareho kaming excited makita ang isa't- isa kaya sinalubong ko siya kaagad.
"Ate Bela! Omg! I missed you so much ate!" Ang higpit ng akap namin sa isa't-isa na para bang ilang taon kami hinding nag-usap. Gayong nagkakausap naman kami sa social media.
"Ang ganda ganda mo na aria. Dalagang-dalaga ka na. Sa picture naman kasi na pinopost mo saka sinesend saakin parang ang haggard mo doon palagi." Aniya.
Sinuklian ko lang siya ng ngiti at sabay kaming umupo sa hapag- kainan. Magkatabi kami ni Ate Bela habang si Nanay ay nasa kabisera at kaharap ko si Kuya Noelle.
"So, Noelle how was your first day in Benedicto University? " panimula ni nanay habang kumakain na kami ng hamonado at chopsuey na niluto niya.
So alam ni nanay na professor na ngayon si Kuya Noelle and she didn't even mentioned it to me kaninang umaga.
"it was okay Tita. I'm the new adviser ng broadcasting org nila Cassiopeia." tiningnan ako ng bahagya ni nanay kaya sinuklian ko siya ng tipid na ngiti.
"Talaga? that's good Aria. At least may magbabantay sayo sa school kung may umaaligid sa'yo. Tandaan mo bawal muna mag boyfriend hanggang hindi ka pa graduate" istriktong paalala sakin ni nanay.
Alam ko naman iyon. Istrikto talaga si nanay pagdating sa pakikipag relasyon dahil nga naging batang ina siya saakin at ayaw niya iyong maranasan ko. pero kahit ganoon na hindi ko kilala ang Tatay ko, mahal na mahal ko si Nanay. Itinaguyod niya iyong iniwan na negosyo ng grand parents ko. Kung ano man ang rason ng Tatay ko kung bakit hindi ko siya nakilala at naghiwalay sila ni Nanay ay hindi ko alam.
"Ay ganoon, Tita? naku paniguradong madaming manliligaw itong si Aria,Tita lalo na at ang ganda ganda at sexy na ng baby sister namin" panunukso ni Ate Bela at hinagod ang mahaba kong buhok sa likod.
Tiningnan ko siya na para bang tumigil na siya at baka patusin ni Nanay ang panunukso niya. Baka pabantayan nga ako kay Kuya Noelle. Ayaw ko naman iyon mangyari dahil ayaw ko nga na nagkakasalubong kami. Ang awkward.
"Huwag kayo mag alala Tita, babantayan ko naman po si Cassiopeia sa Campus." paninigurado ni Kuya Noelle kay Nanay.
"That's good Noelle. Ikaw na bahala sa kanya ha" sagot ni Nanay
At ayan nag tawanan silang tatlo na para bang wala ako dito kasama nila.
(NEXT IN BITUIN 4)
BINABASA MO ANG
Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)
RomanceCassiopeia Polaris, The girl who was named after the brightest star in the universe. She got the looks, brain and attitude. The Heiress of the biggest Grocery Store in San Antonio. But, there's only one thing she wishes she can have. 8 years ago sh...