Bituin 4

324 44 42
                                    




I woke up early today. Wash day ngayon kaya hindi kami naka uniporme. Nagsuot lang ako ng maroon fitted dress at white converse sneakers ko.

Si Ate Bela ang naghatid saakin ngayon dahil na rin madami kaming dapat i catch-up. Nurse si ate bela sa San Antonio Medical Center kaya't madadaanan niya rin naman ang Benedicto University.

Dapat nga ay si Kuya Noelle sana ang maghahatid saakin kanina pero pinigilan iyon ni Ate Bela at baka raw ma chismis pa kami dahil prof ko siya at student niya ako. concern lang din sya saakin.

"I know what you did noong paalis na kami papunta ng maynila, Aria" kalmadong ulat niya saakin habang nakatitig lang sa kalsada.

"A-anong sinasabi mo ate?" tarantang tanong ko.

Nakita niya iyon? pero bakit wala siyang sinabi saakin? nakakahiya. Nakita niya kung paano ako naging malandi sa edad kong iyon at kung pano ako ni reject ng kapatid niya.

"But don't worry. I know that you know na baby sister kita. Alam kong gusto mo si Kuya. I'm rooting for you. Huwag ka lang sakin mag sisinungaling ha?" kinindatan niya ako.

Ha? rooting for me? for what?

"Ate.. ate hindi ko na gusto si kuya noelle. Crush ko siya noon oo. Pero ngayon. Hindi ko alam"

Nahihiya kong sagot sakanya.

"at may girlfriend na iyon no." dugtong ko pa.

Kumunot ang noo niya at biglang lumiko sa drive thru ng mcdo. Medyo mahaba ang pila pero maaga pa naman kaya paniguradong hindi ako malelate.

"Sinong may girlfriend? si kuya? may girlfriend?" tanong niya saakin habang naka kunot ang kanyang noo

"3 years nang single iyon, Aria" dugtong niya

So, nagka girlfriend nga siya. maganda kaya iyon? na curious ako kaya hindi ko napigilang itanong ki Ate Bela iyon.

"Sabihin na nating naging kandidata siya ng binibing pilipinas noong nakaraang taon" sagot niya nang biglang nagtanong na ang crew kung ano ang order namin.

Pagkahatid saakin ni Ate Bela ng campus ay dumiretso na ako sa classroom ko. dito ka na lang kakainin itong burger at iced coffee ko. si kuya noelle pa naman ang prof ko ngayong first period. Management and Entrepreneurship ang subject na tuturuan niya. Oo nga pala graduate nga siya ng Business Management.

hindi ko kaklase ngayon si ferr dahil kinuha niya na itong subject noong summer. hindi ako nag summer class dahil tinutulungan ko si nanay mag manage ng grocery store. malaki ito kagaya ng mga sm grocery store. pero dahil hindi naman ganoong kalaki ang San Antonio kaya wala itong SM or Robinsons. Buti na nga lang at may mga kainan naman dito na fast food kagaya ng Mcdo, Jollibee at Biggs.

Kung pupunta kami ng malalaking mall ay babiyahe pa kami ng apat na oras. halos buwan-buwan naman kami bumabiyahe ni nanay dahil na rin nga may mga kinakausap din siyang suppliers.

Sakto naman ang pagpasok ni kuy-prof noelle ng pagubos ko ng burger. ang sabi saakin ni nanay kagabi nang pumunta siya sa kwarto ko bago matulog ay prof daw ang itawag ko kay kuya noelle kapag nasa campus.

pagpasok pa lang niya sa pinto, iyong mga babae kong kaklase ay hindi na maitago ang kilig sa mukha nila. Ito namang si prof noelle ngiting ngiti sa kanila kaya naman tuloy kinilig lalo sila. hindi ko na lang pinansin at kinuha ko iyong iced coffee ko at uminom ng biglang tumunog iyong straw dahil huling higop ko na pala iyon at yelo na lang ang nasa baso. Nakuha ko tuloy ang atensyon nila lalo na si Prof Noelle.

"You can always eat inside my class. I know na ang ilan sa inyo ay hindi pa nakakapag breakfast. But, please don't take a nap" at kinindatan niya ako sa harap ng klase.

Kinilig lalo ang mga babaeng nasa unahan may nag salita pa "Oo naman sir ikaw ba naman ang prof hindi kami talaga matutulog"

sinuklian niya lang ito ng ngiti at may isinulat sa board. Nagpakilala siya sabuong klase at nagsimula ng introduction tungkol sa subject pero nakakailang salita palang siya ng nagtaas ng kamay si Kaitlyn. nakita ito ni prof noelle kaya hinayaan niya itong magsalita.

"Prof. Baka naman pwedeng introduction na lang muna tungkol sa'yo tutal first day naman"

Bahagyang natawa si prof dahil ginatungan pa ito ng ilang kaklase ko. kaya binitawan niya ang chalk na hawak niya at sumandal sa mesang nasa harapan habang nakahalukipkip ang kanyang braso.

"Fine. pero ngayon lang 'to dahil first day." natatawang sagot niya.

hindi nagtagal ay nagtanong kaagad iyong isang babaeng nasa unahan.

"Sir What's your age? parang magka edad lang tayo" pagbibiro nito.

"25" 25 bulong ko na sumabay din sa pag sagot niya.

nasundan ng nasundan ang tanong. kung saan siya gumraduate. sa ADMU. kung ano paborito nitong kulay. black, obviously. palaging black ang suot niyang t-shirt kahit noong bata pa.

alam ko na halos lahat ng tinanong kay prof noelle except noong naitanong na iyong nakapagpabago ng ekpresyon niya.

"May girlfriend kayo sir?" tanong ng isa kong kaklase.

tanging tipid na ngiti lang ang sinagot niya sabay kindat doon.

"secret" dagdag niya pa.

Biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase namin para sa subject niya. halata mong dismayado ang mga kaklase kong babae dahil hindi nila nakuha ang sagot na gusto nila marinig galing kay prof noelle.

nag aayos ako ng gamit kaya nahuli akong lalabas ng room ng bigla akong kinausap ni prof noelle.

"Aria" malamig na tawag niya sa pangalan ko habang hawak hawak niya iyong laptop niya na tanging dala niya.

"y-yes prof-"habang hawak ko ang bag at empty can ng iced coffee.

"you can call me noelle kapag tayo lang dalawa" dugtong niya.

natawa ako bigla. I gave him my sarcastic reply na ngayong niya lang narinig mula saakin.

"okay KUYA noelle" ngumiti ako palabas ng room at iniwan siya doon sa loob nang biglang may humigit sa braso ko papasok ng room.

Sinara niya ang pintuan ng room at isinandal ako sa pinto. binakuran niya ako gamit ang kanyang dalawang braso para hindi makawala at sa hindi ko inaasahan ay bigla niyang idinampi ang labi niya sa labi ko.

Ang lambot ng labi niya. pinikit ko ang mga mata ko at aakmang lalayo sakanya pero diniin niya ang pag halik niya saakin at bumaba ang kamay niya sa may bewang ko. para akong kahoy na naestatwa sa posisyon namin ngayon hindi ko masuklian ang halik na ginagawa niya dahil hindi pa ako nakaranas nito.

Never in my wildest dreams I thoought na mangyayari na mangyayari ito saakin lalo na sa kanya. sinubukan kong pumiglas dahil any time baka may bumukas nitong sinasandalan kong pinto. tiyak na malilintikan kami neto pag nagkataon lalo na't graduating pa naman ako at kahit magkakilala kami sa labas ay hindi pa din pwede dahil professor ko siya.

Biglang lumikot ang kamay niya at dumayo ito sa may pwet ko. Ramdam na ramdam ko ang paghawak niya dito dahil na rin sa manipis na t-shirt dress kong suot. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon. pero mas nananaig ang kabang nararamdaman ko. Hanggang sa hinahabol na namin ang paghinga sa bawal halik na binibigay niya saakin. Bumaba pa ang kamay niya hanggang sa naabot nito ang dulo ng damit ko at akmang ipapasok niya ito nang nabigla ako at nasipa ko siya sa paa niya.

"agh! shit!" sigaw niya sabay luhod at hawak sa kanyang binti.

"what did you do that for? pinaglalaruan mo ba ako? alam kong mali at nakakahiya iyong ginawa ko 8 years ago pero hindi mo kailangan iparamdam 'to sakin ngayon" hindi ko napigilan ang mga luha kong bigla na lang tumulo.

(NEXT IN BITUIN 5)

Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon