Bituin 9

186 32 19
                                    

Lahat kami excited ngayon. 30 minutes na lang at magsisimula na ang concert. Kilalang banda ang mag peperform mamaya after ng mga active bands dito sa school. Ben & Ben, Hale at Sponge Cola lang naman ang special guests namin tonight. Sila lang naman.

Mas lalong kumalabog ang dibdib ko dahil madaming taong manunuod. Halos mapuno ng tao ang gymnasium. Ang iilan ay may dalang light stick at banner.

I'm wearing the plain black dress na nabili ko kanina terno ito sa black net leggings ko  and white sneakers. While ferr is looking damn hot sa suot niya. Paniguradong marami na naman ang freshmen na girls ang magkakagusto dito.

"Hey guys! Get ready in 5.4.3.2.1" sigaw ng isa sa SSG officers.

Nagsimula kaming nag host ni ferr sa unahan. Noong una ay kinakabahan ako hanggang sa nagtagal ay parang natural na lang. Ibang-iba ang hosting sa pag broadcast namin sa campus. Mas kailangan mo dito ng energy and the way your facial expression ay dapat jolly.

Unang sumalang ang Kryptons. Freshmen.
Habang nasa baba kami ng stage. Dumating si kuya noelle. Tiningnan ko lang siya habang papalapit saamin.

I really don't get you... hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Ilang sandali pa ay tumigil siya sa harapan ko at inabot ang mineral water.

" you have to drink. Baka mamaos ka." He said.

Nakita iyon ni ferr. Malamang dahil katabi ko siya. Siniko ako ng bakla. Then kuya noelle left para pumunta sa likuran at iassist ang iba naming ka org.

"Bakla... kinilig ako don" he whispered at siniko ang tagiliran ko.

I just rolled my eyes on him at tinutok ko ang atensyon sa stage.

It's already 9:45 pm. Sunod na naming ipapakilala ang Ben & Ben. Ghaaad! I love their songs! Infact, favorite ko talaga sila.

Parang mawawala ata ako sa focus pag nakasama ko sila sa stage. Lumakas ang hiyawan ng mga tao pagpatunog ng gitara ni miguel.

Nakisabay ang crowd sa pagkanta ng mahiwaga. Kahit ako ay nakisabay. Ngunit mas lalong lumakas ang hiyawan nang hinila ni Michael si Ferr sa unahan para isayaw malapit sa stage. Halata kay bakla na kinikilig siya at alam kong masaya siya. May iilan din tumayo at isinayaw sa tabi ang kapareha nila.

"May I?" pagyaya saakin ni Kael. I just smiled at him at inabot ang kamay ko sakanya.

"Parang may kakain saakin ng buhay mamaya ah" he chuckled.

umikot kami dahilan kung bakit nakita ko si kuya noelle na matalim ang tingin saamin mula sa tabi ng sound operator.

Mapang-asar talaga si Kael. Hinawakan niya pa ang bewang ko habang sumasayaw.
"Gago ka talaga Kael. Naku pag tayo nakita ni lovely." Kinurot ko siya sa tagiliran

"Ganon ka ba katakot kay lovely? or kay prof?" tawang tawa siya sa tanong niya.

Kakatapos lang ng concert pero nagpaiwan pa kaming nila ferr. nagyaya kasi kumain si kuya noelle. Niyaya na din namin si Kael at Michael dahil tinulungan nila kami kanina pag ayos sa office.

Nandito kami ngayon sa Jimmy and Tangs. Kilalang restaurant dito sa San Antonio. Nagtaka nga ako dahil 11 pm na pero bukas pa sila. Kilala pala kasi ni kuya noelle ang may-ari. Hindi ko alam na kahit nawala siya dito ng ilang taon ay marami siyang connections.

Pagdating namin ay nakahanda na ang pagkain sa mesa. Gutom na gutom ako. hindi na ako nakapag palit ng damit kaya medyo malagkit na din ang nararamdaman ko ngayon dahil na rin sa pawis kanina.

"Jowa, have some more of this" Pag-abot ni Ferr ng crispy pata kay Michael.

ang cheesy talaga kapag inlove. tss. I just continue eating my food.

Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon