Bituin 8

115 34 21
                                    

Medyo madilim sa loob ng backdraft dahil na rin sa bar lights. But, I saw Kuya Noelle's eyes. Tinititigan niya ako ng mabuti na para bang sinasaulo niya ito.

""Ano bang meron sainyo?" Hinawakan niya ang braso ko

"A-anong Pakialam mo?" hinigit ko ang braso niya at tinalikuran siya.

"Babe! Kanina pa kita hinahanap. Let's go? I'll take you home na" Ngumiti siya at Hinawakan niya ang kamay ko.

"Kael..." Mahina kong tugon sakanya. pero ibinaling niya ang atensyon sa kaharap namin.

"Sir Noelle. Pwede ko na po bang ipagpaalam ang girlfriend ko? Medyo late na kasi sir. Baka mapagalitan pa kami ni tita" Pagpaalam niya kay kuya noelle habang ngiting pusa.

Kuya noelle was left dumbfounded sa kinatatayuan niya. Hawak-hawak ni Kael ang kamay ko palabas ng bar. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay ferr at sa iba naming ka org. I'll just text them later pag-uwi.

Tahimik lang kami pareho ni Kael pauwi sa kanyang sasakyan, na parang wala lang iyong nangyari kanina. Nakita niya kaya iyon? Walang ni isang umiimik saamin. Diretso lang din sa daan ang tuon niya. Hanggang sa nasa harapan na kami ng gate. Nasa parking space na rin ang kotse ni nanay.

"uhm... Ano.. Kael. Thank you ha" Naiilang kong sabi sakanya. Handa na akong bumaba ng sasakyan niya nang nagsalita siya.

"May hindi ka ba sinasabi saamin ni ferr, aria?" Finally. Siguro ay kanina niya pa iyon gustong itanong. Ayoko pa sabihin sakanya pero alam kong mapagkakatiwalaan kong kaibigan itong si Kael.

"Alam ni ferr, Kael" Hindi ako makatingin sakanya. Ano na lang ang sasabihin niya?

"Wow. so ako lang pala ang hindi nakaka alam. Gumaganti ka ba? Kasi I told you kanina na nakiusap si ferr hindi ba? hindi ko gustong itago iyon sayo. Is there something going on between you and your professor?" straightforward niyang tanong

"Wala. Kael.. at hindi ako gumaganti sayo, naiintindihan ko naman iyon. pero ano.." nabubulol kong sagot sakanya. Nang biglang tumigil sa harapan namin ang isang itim na kotse at bumungad ang lalakeng iniwan namin ni Kael sa bar.

"dito siya nakatira" dagdag ko.

Kumunot ang noo ni Kael. Parang andaming tanong sa isipan niya ngayon.

"Anak ng Bestfriend ni nanay." dugtong ko.

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula noong party. Hindi ako gaanong kinakausap ni kuya noelle pag nasa bahay. Kapag nasa campus naman ay professional siya lalo na kapag may broadcast kami sa org.

Parang walang nangyari lang ang pakikitungo saakin ni Kael. Pinakiusapan ko siya na huwag na lang sanang babangitin kahit kanino na nakatira kami ni kuya noella sa iisang bahay. Dahil alam niyo naman kung ano ang mga usap-usapan. Nababawasan at nadadagdagan.

"Aria, nasa labas na ang kotse mo galing ng casa" tugon saakin ni nanay nang pababa ako sa hagdan.

"Thanks nay" then I kissed her.

Foundation day ngayon ng University. Kaya mula wednesday hanggang saturday ay activities lang kami walang formal classes. Pero may mga seminars na required attendan ang mga students. Each student must attend at least 2 seminars na icoconduct. We also have Live bands every night. More like a mini concert thou.

The orgs are also required na maglagay ng booth sa gymnasium. Except saamin dahil medyo busy kami ngayon. Kami ang in-charge ng mga announcement everyday. Kaya paniguradong wala ding magbabantay ng booth namin if ever.

"Mamimiss ko 'to bakla. Next year hindi na tayo part ng foundation day" pag iinarte ni ferr saamin habang kumakain kami ng lunch sa office.

"I'll definitely miss you guys. Ako na lang ang mag-isang matitira." Dugtong ni Hannah. 3rd year college palang kasi siya

Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon